Jarred Calvin Garcia
Where is this girl? Sobrang tagal. Ang sabi niya 4 pm sharp dito sa may Bonifacio park. Eh 4:30 na kaya. Ayoko pa naman sa mga taong late. Nasasayang yung oras ko.
Far from the view nakita ko na agad agad si Red, bakit parang ang dami niyang dalang bag? Mag cacamping ba kami? Nakasimangot siya at nakataas ang kilay.
"Baka pwede mo akong tulungan, your highness." Sigaw sakin ni Red. Aanhin niya ba kasi lahat ng mga gamit na yun.
"Huy Red, ba't ba ang dami mong dala?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan ko siya.
"No more questions. Basta maghanap na lang tayo ng magandang pwesto dito. Doon oh." Saad niya sakin habang tinuturo yung lugar na uupuan daw namin. Nilapag ko yung mga dala ko tapos naglagay siya ng blanket sa may damuhan
"Red, picnic date ba 'to?" Nag pamulsa ako saka ngumisi sa kanya.
Napatingin naman sakin si Red ng masama.
"Assumerong frog. Hindi no, kailangan ko lang ang lahat ng 'to para ngayon." Sabay irap sa'kin. Natawa naman ako sa sinabi at inasal niya sakin.
Habang inaayos niya ang mga kagamitan niya, napatingin naman siya sakin.
"Oh Jarred! Upo ka na dito, ano pang hinihintay mo, pasko? Marami tayong gagawin kaya nga ang dami kong dala, diba? Tara na wag na maarte!"
"What now?" Sabi ko pagkaupo ko sa tapat niya.
"Chill lang boss, kukunin ko pa yung listahan." Umirap na naman siya sakin.
"Ba't ba ang taray mo sakin?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Ba't ang lakas mo mang trip?" Sabay ngumiti siya sakin pero halatang sarcastic. Natawa na lang ako sa isinagot niya sakin. Parang bata si Red kung kumilos. May ibang babae na alam mo yun, pabatang kilos, na nakakairita, pero siya... Parang natural sa kanya ang pagiging kalog at makulit.
"Huy Jarred! Game na, mag question and answer portion na tayo." Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ako nakatulala. I shook my head.
Hawak na ni Red and isang pulang notebook. Dun ata nakalagay mga itatanong niya sakin.
Tinignan niya ako at nagsimula na siyang magtanong.
"Date of birth?" tanong sakin ni Red
"December 11, 1997" sagot ko sa kanya.
"Aba magkasing age lang pala tayo. Huy ibalik mo yung tanong sakin, para nalalaman mo rin yung sakin."
"Okay, how about you?" Walang ekspresyon kong tanong sa kanya.
"February 28, 1997." Sabay ngiti niya sakin.
"Feb ka pinanganak?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Kakasabi ko lang diba?" Pagtataray niyang sabi sa 'kin.
"Kaya pala kulang kulang ka eh." Bulong ko sa sarili ko.
"Anong sinabi mo?" Pinanlilisikan niya na ako ng tingin ngayon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.
"Wala, kaya pala maganda ka eh." Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Pero walang halong biro, totoong maganda si Red.
Hala ba't ba ako nagkakaganito? Sa buong buhay ko wala akong sinabihang maganda bukod sa ate ko tapos sa babaeng nanakit sa akin, tapos ngayon sa kanya?
BINABASA MO ANG
LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's Story
Novela JuvenilMasarap ma inlove, diba? Pero mas masarap kapag alam mo na si Destiny at si Oras ay nagkakasundo. Wala namang mas sasarap kung alam mo na ang mga nakapaligid sa inyo ay masaya dahil nagmamahalan kayo. Eh pano kung lahat ng yan hindi sumang ayon haba...