Chapter 12

663 18 1
                                    

Red Ivy Chua

Tinanghali ako ng gising dahil sa nagkaroon ng victory party ang basketball team tsaka nag celebrate rin kami dahil sa pagkapanalo namin ng Jarred sa competition. Buti na lang talaga at weekend ngayon.

Dahil dun nalate ako ng uwi, late ma rin akong nakatulog dahil sa tumawag pa si Jarred na nireremind yung pagkikita namin bukas.

Late na rin ako nakatulog dahil sa iniisip ko kung anong meron. Tapos naman na yung rehearsal namin. Kaya alam mo yun, wala nang reason para magkita kaming dalawa.

"Ma'am Red, pinapatawag na po kayo ni Madaam sa baba." Katok ng maid namin sa kwarto ko.

Wala na akong choice at bumangon na. Napakamot ulo naman ako. Gusto ko pa matulog eh.

Nag-hilamos at nag ayos muna ako ng sarili bago bumaba.

Habang bumababa ngayon ko lang narealize na nandito pala sila Mama at Papa.

"Hija, Red. Halika na, magbreakfast na tayo." Tawag sakin ni Papa. Kinusot ko naman ang mga mata ko baka sakaling nananaginip lang ako.

Never sa tala ng buhay ko na nakasabay kami mag breakfast ng mga magulang ko.

Lumapit naman na ako sa kanila at naupo na sa upuan ko.

"Ma, Pa." Tinignan ko silang dalawa. "Walang business trips?" Natawa naman sila.

"Sweetie. Wala." Malumanay na sagot ni Mama. Nakakapanibago naman. Madalas kong kasama ang sarili ko kapag kumakain ng umagahan eh.

Tinignan ko naman si Kuya Raymond at Kuya Alex na halatang natatawa sa naging reaksyon ko.

Kumain kami ng breakfast na tahimik, pero pag nagsalita si Mama at nagpapa kwento, ayun nagtatawanan na kaming lahat.

Having breakfast with my family is not bad at all. Nung una kinakabahan ako, pero nung tumagal tagal na. Naging okay na rin naman na ang nararamdaman ko.

Nang matapos na kami. Tinawag ni mama ang isa naming maid.

"Yes po, madaam." Sagot nito.

"Mag ayos na lang kayo sa labas, kami ng bahala ang maghugas ng mga plato." Ngumiti naman si Mama dun sa maid namin. Tumango naman ito at lumabas na.

Yung mga lalake, umalis na at nagpuntang salas. Kami na lang ni Mama ang naiwan dito sa kusina. Nagulat naman ako sa sinabi ni Mama.

"Ma, seryoso ka? Tayo maghuhugas? I mean, ikaw maghuhugas?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Natawa naman siya.

"Halika ka nga dito. At magsimula na tayo." Ngumiti na naman sakin si Mama.

Nagsimula na kami ni Mama maghugas ng plato. Siya ang taga sabon ako naman ang taga banlaw.

"Alam mo bang eto ang bonding natin nung bata ka palang." Napatingin naman ako kay Mama.

"Siguro, mga 3 years old ka palang. Sinasana kita sa lababo para maghugas ng plato. Tuwang tuwa ka nga, akala mo snow yung bula sa plato." Natawa naman kami parehas ni Mama. Meron pala kaming mga bonding ni Mama na hindi ko na natatandaan. Sana ngayon magkaroon kami ng bonding na dalawa.

LEE UNIVERSITY: Jarred & Red's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon