Chapter 5

9.1K 257 9
                                    

Chapter 5: Royalties

Twila's POV

"Iiiihhhh!! Fafa!"

"Wah! Bebe prince Vlad!"

"Beshy! Si prince Vlad baby ko oh!"

"Swerte ni girl."

Hirit ng mga tao sa gilid. Prince? Ang cringe naman ng pangalan. Tsaka Vlad? Ano yan, bampira? Char ang  judger ko naman. Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko, siguro hindi niya lang sinadya. Kakausapin ko na sana yung lalaki pero natameme ako, ang gwapo niya. 

Hinead to foot niya ako at nilagpasan lang. Tumaas naman ang kilay ko. Wala man lang sorry? Gwapo nga, pangit naman ugali. Ekis ka na sakin, EKIS! Nakakainis yung ganyang pagkatao. Hindi pala siya gwapo, author! I take it all back! 

(Ms. A: Okay sabi mo e)

---

It's already lunchtime at kasalukuyan kaming kumakain nila Ally at Freysha sa Food hall.

"Kamusta naman ang first day mo, Twila?" Ally asked while sipping her orange juice.

"It actually went well, not bad for a first day. Kung hindi lang sana ako napahiya kanina. Bwiset na nakabangga." Binulong ko ang last part, nairita lang talaga when I remembered that.

"Ha? May nakabangga sayo? Sino? Gwapo?" Sunod-sunod na tanong ni Ally. Naibuga ko ang kinakain ko kaya tinapik ni Freysha ang likod ko.

"Okay ka lang, Twi?" Tanong ni Freysha at inabutan ako ng tubig. I nodded and drank the water. I was taken aback sa sinabi ni Ally.

"Pangit. Lalo na yung ugali." I answered Ally's question and I continued drinking the water. Gwapo? heh. As if.

"Hmm. Describe mo yung nakabangga sayo, baka forever mo na---" 'Di natapos ang sasabihin ni Ally nang may sumigaw. I glanced to where those screams came from.

"Ang mga Royalties!"

"Royalties?" I asked, confused. Royalties amp, ang jejemon naman.

"They are the top students of Lemuria Academy, they are also literally a royl. They are the princes and princesses of the 6 kingdoms in the light realm." Bulong ni Ally saakin. Ay totoong royalties pala, kala ko joke time. I forgot may mga royalties pala talaga dito, my bad. Sa mortal world, this would be deemed as jejemon kasi.

Bigla nalang nagtilian ang mga babae. Napakunot ang noo ko sa mga sigaw, ang sakit sa tenga!

"Oh my gosh! Prince Flame! Ang gwapo mo!"

"Princesses! Pa-fansign!"

"Prince Vlad! Pakasalan mo ako!"

"Kyaaaaah! Ang pogi at gaganda nila!"

Sari-sari nilang sigaw. Marami pang pangalan ang narinig ko, pero hindi ko na matandaan.

Wait--- I choked on the juice I was drinking. Shoot. Ano daw? Prince Vlad?! Yung pangit na yun?  The arrogant guy who bumped into me so carelessly was actually a prince?

I wasn't gonna look at the group that they were shouting at pero, I was really curious. Anong klaseng mukha ba 'yan, magsisigawan talaga? I roamed my eyes around the hall, and I saw a group of people walking towards us. Huh? Si Ivy ba yan? No, it couldn't be, nahihibang na ata ako.

Napatingin ang mga Royalties dito sa inuupu-an namin. Which was weird? Sa dinami-dami ba naman ng vacant tables? I looked at my friends, and parang namumutla sila?

"Shoot, I forgot!" Ally said in horror at--- nataranta? Nataranta nalang din ako, gaya-gaya kasi ako. Pero, I'm literally confused.

"Bakit sila andito? They rarely eat here!" Sabi ni Freysha at nagligpit ng gamit. Niligpit ko na din yung mga gamit at pagkain. What the heck's happening?

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon