Chapter 46: Land of the Lost Souls

4.1K 114 18
                                    

Twila's POV

"Here we are." Mahinang sambit ni Aqua habang pinagmasdan ang madilim na gubat habang pababa sa Alicorn niya.

"Uhm? So where do you think they will hide the Queen and the Princess?" Ivy asked. Agad kaming napa-isip, pero syempre, before mag isip bumaba na muna ako sa Alicorn ni Vlad. Oo sa Alicorn ni Vlad. Kasalanan to ni Alisha talaga! Nakakailang.

"Sa tubig?" Flame said in a questioning voice. Napatango naman ang ilan.

"Obvious naman." Ivy said and rolled her eyes at Flame.

"Pwede din naman hindi sa tubig eh! Ang mga dark ay kilala na mga cruel na tao--"

"Alam na namin yan. Tumahimik ka nga." Masungit na sabi ni Ivy kay Flame, agad namang inirapan ni Flame si Ivy. Hay nako ang dalawang to.

Agad nagpalabas ng tubig si Aqua upang ma check ang kulay ng tubig. If they are in pain, or if they are dying, the waters everywhere will turn black daw. But the water is still blue. Meaning they're safe.. for now.

"Possible. Dahil kulay blue pa ang tubig, meaning they are safe." Aqua said at pinawala ang tubig na kanina lang ay nasa-kamay niya.

"Pero saan kaya sila itinago, or kinulong?" Ian asked. Napa-tingin naman sila saakin at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"It could be somewhere na di daling mapupuntahan." Vlad started.

"Somewhere maraming bantay." Dagdag ko pa. Kaya nagkatinginan kami lahat.

"Dark Kingdom." Sabay naming sabi.

~*~

"First, dadaanan nating ang The Land of the Lost Souls... which is where we are now." Aqua said. Napalunok naman ako ng laway dahil nakakatakot ang lugar na to. Ang ginaw-ginaw. Tapos ang dilim-dilim, marami ding fog. Creepy.

Hwaaahhh. Katakot. Shocks naman.

"T-the Land of the L-lost S-s-souls??" I asked. Tumango naman si Aqua.

"May mga ghost dun." Agad naman kaming napatingin sa Matandang bigla nalang nagpakita. Siyempre natakot kami. " Wag na wag niyong gambalahin at wag kayung matakot. Kasi humuhugot sila ng lakas sa mga takot niyo, baka kayoy atakehin." Sabi pa nito at naglaho na parang bula. Ghost ba yun??? Ano yun??

"S-sino yun?" Napatingin naman sila saakin na may nagtatakang mga tingin.

"Di mo kilala yun??" Di makapaniwalang sabi ni Flame. Inirapan ko naman siya.

"Mag tatanong ba siya kung kilala niya Flame? Isip nga minsan." Sabi ni Ivy sakanya. At nagsimula ang World War 3. Char langs.

"Siya yung tagapag-bantay ng The Land of the Lost Souls. Wala siyang kinakampihan, Kung sa White ba or Dark. Nagbabantay siya sa mga taong pumapasok diyan, para balaan o pigilan man sila." Aqua said. Tumango nalang ako. Ghost ba yun? "Oo ghost yun. Wag kabg ano, nabasa ko lang expression mo. Ang dali mong mabasa minsan eh." She said and chuckled.

"Sa mga takot like Flame, pawalain niyo muna nga takot niyo." Sabi ni Ivy. Sinamaan naman ni Flame ng tingin si Ivy.

"Di ako takot no. Baka ikaw nga takot diyan tapos bigla mo akong yayakapin tapo--"

*Plok* Binatukan ni Ivy si Flame.

"ARAY! Ano bang problema mo! Nambabatok ka bigla!" Flame said tapos hinawakan yung binatukan na part ni Ivy.

"Tsk! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Flame! Kadiri ka! Never akong yayakap sayo no!" Sabi ni Ivy at parang nandidiri talaga. "Tara na nga kadiri tong isang to!" Ivy said at nangungunang maglakad. Napakapit-balikat nalang ako sa inaasta ng dalawang to. Di na ako magtataka kung sila ang magkatuluyan promise.

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon