This was supposed to be a one shot story lang pero ayun pwede ko pala siyang pahabain so here we are. Another MikChel fanfic :) This would be a short story lang. So more or less around 20-25 chapters lang to. Enjooy!*****
Mika's
I was packing my things when I heard someone knocked at my door, nakabukas naman iyon kaya hindi na ako nag abalang tumayo para buksan to.
"Ye?" si Kim pala.
"Andito ako sa kwarto!" sigaw ko.
"Ye, tuloy na tuloy ka na talaga?" bakas sa mukha niya ang pag aalala.
"Oo naman Kim." Sagot ko at nginitian siya.
"So after 2 years you decided to move on?" tumawa pa ang mokong.
Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng isang ngiti. Yung ngiti na nagsasabing 'papatayin kita mamaya' kaya naman napahagalpak na siya.
"Di mo ko matatakot jan haha." sabay bato niya ng unan sa akin.
"Ano bang problema niyo? 1 month lang ako sa Paris!" inirapan ko naman siya. Di naman ako magbibigti don. Gusto ko lang mag unwind.
"Baka magtagal ka eh haha. Baka maisipan mong maghanap ng kaforever mo don." sabay gulo niya sa buhok ko.
Nang matapos na ako magligpit ay inaya ko muna si Kim saglit para uminom. Tinawagan na din niya si Vic para saluhan kami. Nang makarating si Vic ay may ilang cans din siyang dala.
"Ye pasalubong ha." sabi ni Vic.
"Ilang chicks ba gusto mo? haha." tanong ko at inakbayan siya.
"Loko. Loyal to." buong pagmamalaki niya.
"Eh loyal ba sayo?" natahimik naman siya bigla sa sinabi ni Kim.
Binalot naman ng katahimikan ang paligid baka magsuntukan nanaman tong dalawang to.
"Cheeers!!" pambasag ko sa namumuong tensyon. Tumawa na lang silang dalawa.
At dahil medyo maaga ang flight ko ay hindi na kami nagpakalunod sa alak. Baka pag naglasing ako eh iyakan ko nanaman ang aking ex at baka hindi pa ako magising on time. Hinatid naman ako ng dalawang mokong sa airport. Akala mo magmamigrate ako sa kadramahan nilang dalawa. Nakakahiya pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Ye ingat ka dun ah. Di bale alagaan ko muna si ate Cha para sayo." sabi ni Ara habang nagpupunas ng luha.
"Gago. Kaya nga ako aalis para lumayo sa kanya saglit." saad ko at binatukan siya.
2 fucking years pero hindi pa din ako totally nakakamove on sa kanya. Anuna self? What's yer problem?
"Cha please." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Mika I'm so sorry pero I really need to do this." sagot niya habang umiiyak.
"Anong nangyari? San ako nagkamali?" tanong ko sa kanya.
"Ye... Please do understand..."
"Hindi ko maintindihan. Ano yun? Bigla mo na lang naisip na 'ay gusto ko ng normal na buhay' ganun ba yun?" ang bigat bigat na ng loob ko.
"I want a normal life and Ray can give me that. I'm sorry but I hope we can still be friend." wow, nagpapatawa ba siya?
"Then I hope you get what you want." saad ko at umalis na.
Nainis ako sa naalala ko. Pero I really think nasa 80% na ako. Konti na lang. Konti pa. I think sa paglayo ko saglit makakamove on na ako totally.
Nang marinig ko na tinatawag na ang mga pasahero para sa flight namin ay yumakap na ako sa dalawang ugok. Ikikiss ko pa nga sana sila para mas makeso kaso ayaw nila, shy type daw sila haha.
"Ingat ka! Pasalubong!" sigaw ni Ara habang kumakaway.
"Di na ako uuwi! Hahaha!" Biro kong sagot kaya naman minura niya ako haha.
"Ye! Kami na bahala sa labidabs mo haha!" pang aasar ni Kim kaya siya naman minura ko. Mga sira ulo eh.
Nang makapasok naman ako ay agad na akong naupo sa aking upuan. Nagsuot ng earphones at eye mask. Nagseatbelt na din ako para di na ako maistorbo. Sa kalagitnaan naman ng byahe ay naramdaman kong may nakasandal sa balikat ko kaya naman sinilip ko ito. Isang babae na mukhang pagod na pagod. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natabunan ito ng mahaba niyang buhok. She really seems so familiar pero muli na lang akong bumalik sa pagtulog.
"Miss? Miss the plane just landed" rinig kong sabi ng katabi ko habang tinatapik niya ako. Agad ko namang tinanggal ang eye mask ko at nag stretch.
Nang mapalingon naman ako sa katabi ko ay nanlaki ang mata ko.
"Ikaw?!" sabay naming sabi. Nakakunot ang kilay namin pareho.
"Do we have any problem here?" tanong ng isang flight attendant.
"Ah nothing's wrong" ngumiti naman ako sa kanya at kinindatan ito.
Natawa ako nang makitang nagblush siya hahahaha. My smile never really failed me haha charot. Now back to this annoying human being.
"What are you doing here?" mataray kong tanong sa kanya.
"Wag mo akong taasan ng kilay Reyes kung ayaw mong ahitin ko yan." okaaay. Wala pa ding pinagbago. Ang sungit sungit pa din niya sa akin.
"Oh bat mag isa ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Ano bang pake mo?" tanong niya at tumayo na para kunin ang gamit niya.
Tumayo na din ako at kinuha ang gamit ko. Habang palabas na kami ay kinakausap ko pa din siya.
"So ano nga?" tanong ko ulit.
"Break na kami ng boyfriend ko. Huwag mo nga akong guluhin." sungit talaga neto.
"Wow. Akala ko Paris are for lovers. Pero hindi ko alam bakit dito tayo pumuntang mga sawi." ironic life.
"Wag mo nga akong daldalin!" ang sungit sungit pa din talaga.
"Nako Rad, don't tell me hindi ka pa nakakamove on sa akin? Galit ka ba sa pag iwan ko sayo?" sabay hagalpak ko.
"You are impossible." sabay irap niya sakin.
Natawa naman ako. Rad and I had a thing way back then pero ayun nga. Hindi ko naman siya totally iniwan, it was somehow a mutual decision pero ako ang nag initiate. Bata pa kasi din kami nun. High school pa nga ako nun eh.
"Hey wait up!" sigaw ko sa kanya dahil iniwan niya ako sa paglalakad.
"Don't go near me." sabay binigyan niya ako ng death stare.
Napailing na lang ako at dahil ayoko pa naman mamatay ay hindi na ako nag abalang sundan pa siya. Nakita ko naman siyang sumakay ng taxi. Sumakay na din naman ako at binigay ang name ng hotel.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]