Rachel's"Coffee?" tanong sa akin ni Jovs pero umiling ako.
Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako na siyang nagpaiyak nanaman sa akin.
"It's okay not be okay." sabi niya.
"Bakit mo kasi ako niyakap? Epal ka din eh." natawa siya konti at binatukan ako.
"Anong sabi ni Bryan?" tanong niya.
"Okay lang daw na pag gising na ni papa yung kasal."
Nakiusap kasi ako na pag gising na lang ni papa yung kasal. May operation pa si papa next week and hopefully maging successful.
"How is she?" tanong ko kay Jovs dahil nakiusap akong tignan tignan niya si Mika. It's been a week na din since that day.
"Wag mo na alamin." sagot niya.
"Epal mo talaga."
"Hindi siya lumalabas ng bahay niya."
Napayuko na lang ako. It's been a week since I left her. She respected my decision at hindi niya ako hinabol. Nakatanggap lang ako ng text mula sa kanya saying:
Ingat.
Yun lang. Yun LANG.
Pero wala naman akong karapatan magreklamo, ginusto ko to. Ginusto kong iwan at saktan siya.
"Babs, may babaeng medyo matangkad at may edad na sa bahay ngayon nila Mika. Hindi daw kahabaan yung buhok sabi nung binayaran ko para magmasid dun." sabi ni Jovs.
"Baka si tita." ngumiti ako ng tipid. I'm sorry tita.
"Hija, alagaan mo yan si Mika ha?" nakangiting sabi ni tita.
Nagkukwentuhan lang kami dahil umakyat na si Mika.
"Opo naman tita." ngiti kong tugon.
"Hindi ko alam na naghiwalay kayo nung nag college ka na. Hindi naman nagkwento sa akin si Mika nun kaya tuwing may okasyon sinasabi kong papuntahin ka." kwento ni tita.
"Pinalayo daw po siya ni papa. Syempre bata pa naman po kami noon, pero sure naman na po kami ngayon." sagot ko kay tita.
"Rachel anak, pag pinaiyak ka ni Mika sabihin mo sa akin ha?" natawa naman ako kay tita.
"Nako po, napalaki niyong mabuting tao yung anak niyo. Hindi po ako papaiyakin nun." sagot ko.
"Basta sabihin mo sakin, ikaw eh para ko na ring anak."
Natouch naman ako sa sinabi ni tita kaya niyakap ko siya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko, may pinagmanahan talaga si Mika. Napangiti nalang din ako at nagpaalam na din na pupuntahan ko na si Mika.
"Ang dami kong nasaktan na tao." sabi ko kay Jovs.
"Ikaw din naman nasasaktan, hindi mo naman ginusto to. For sure maiintindihan naman yun ng mom niya." pag comfort sa akin ni Jovs.
I'm emotionally drained, physically tired at mentally distressed. Hindi na ako productive, minsan na lang din ako makapunta sa mga photoshoots ko.
Namimiss ko na yung paghatid sundo sakin ni Mika. Namimiss ko na yung random flowers niya, I miss everything she does, I miss her.
*****
Mika's
Hawak hawak ko lang ang phone ko at nakatingin sa picture ni Rad habang nakadapa sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]