Mika's"Ye." sabi ni Kim na kakapasok lang sa kwarto ko.
"Tignan tignan niyo na lang paminsan yung bahay ko ha." bilin ko sa kanya.
"Gaano ka ba katagal mawawala?" tanong niya.
"Ewan ko , bahala na. Kung hanggang kailan aabot yung pera ko." sagot ko sa kanya.
"Yeyerz. Mag iingat ka ha!" sabi naman ni Ara.
"Oo naman, wala na kayong pasalubong ha. Magtatravel lang talaga ako."
Naintindihan naman nila yun kung bakit, kaya tumango lang sila at sinabing basta umuwi ako ng buhay okay na sila dun.
Dumating naman si mommy at chineck din ang mga dala ko.
"Mommy" sabay akap ko sa kanya.
"Wow daming pera ah, patravel travel na lang." biro ni mommy sa akin.
"Nag ipon ako noon ma diba, and yung birthday gift niyo sa akin diba. Sa lansangan lang talaga ako matutulog ma." biro ko din sa kanya kaya nabatukan ako.
"Ikaw talagang bata ka!" sabay kurot niya sa akin.
"Aray ko ma, mamimiss mo lang ako eh. Yieeee." sabi ko kaya nabatukan ako ulit.
Napakamapanakit ng mommy ko haaay. Yumakap naman siya sa akin.
"Mag iingat ka kung saan ka man dalhin ng mga paa mo at wag mo kakalimutan magparamdam sa akin bata ka." sabay pingot niya sa akin.
"Yes ma." sabay halik ko sa pisngi niya.
"Siya nga pala anak, nakalipat na kami doon sa bago nating bahay. Doon ka dumeretso pag umuwi ka ha."
"Ma di pa nga ako nakakaalis pinapauwi mo na ako kaagad."
Natawa na lang kami parehas ni mommy.
I'm going to miss everyone, bitter na kung bitter pero blinock ko si Rad at ang mga kaibigan niya. Ayokong makakita ng balita tungkol sa kasal niya o sa buhay man nila.
Alam ko kasing mahihirapan ako, hindi ko matanggap na ganun ganun na lang. Naiintindihan ko pero hindi ko talaga matanggap.
Para bang pinaglaruan lang ako ng tadhana. Akala ko okay na, na kami talaga. Pagkatapos ng mahabang panahon, nagkabalikan kami para lang maghiwalay ulit. Ang galing galing naman.
"Tara na Ye. Hatid ka na namin." sabi ni Kim.
"Sige sige."
*****
Rachel's
Nakatingin lang ako ngayon sa babaeng puno na ng kolorete ang mukha. Gusto kong burahin lahat ng nakalagay sa mukha ko.
"Babs?"
"Pasok."
"Aww, ang ganda mo naman." sabay akap sakin ni Jovs ngunit nginitian ko lang siya ng matipid.
"Dream wedding ko nga, pero hindi naman sa taong mahal ko ako ikakasal." halos maiyak nanaman ako ngunit pinigilan ko.
"Pwede mo namang hindi gawin to Chel." sabi niya habang hawak ang dalawa kong balikat.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]