Rachel's"Babe gising na." sabay tapik niyang mahina sa akin.
"Last day mo na sa Paris kaya tumayo ka na jan, last date na natin dito oh." pagyugyog niya.
Napatingin naman ako sa orasan. 5 AM palang! Nagtalukbong ako ng kumot ngunit hinatak niya ito at dumagan sa akin. Baby damulag pa din eh.
"Babe bangon ka na please. Nood tayo sunrise." sabi niya at inunan ang braso ko.
Yumakap naman ako sa kanya ng mahigpit. Hindi ko alam ang mangyayari sa amin pagbalik namin ng Pinas, kung ganito pa rin ba o ano.
"Babe. Bukas na lang pwede? Ganito muna tayo." sabi ko. Gusto kong magcuddle muna.
"Haaay pasalamat ka mahal kita, oo na sige na." tugon niya at pinaayos niya ako ng pwesto dahil gusto niya ako yung nakaunan sa kanya.
Nakatulog akong muli at pagmulat ko ng mata ko ay nakatingin na siya sa akin. Naconscious naman ako bigla at napatakip ng mukha.
"Bakit ganun Rad? Sa bawat umagang nakikita kita lalo kang gumaganda." sabi niya kaya nagtago ako sa dibdib niya dahil alam kong namumula na ang pisngi ko.
Narinig ko naman ang maliliit niyang hagikhik. Bakit ang cute niya tumawa? Kinurot ko naman ang tyan niya.
"Aray Rad. Totoo naman kasi sinasabi ko." sabi niya at hinawakan ang mukha ko.
Eye to eye kami mga besh. Feeling ko unti unti akong natutunaw sa titig niya lalo naman nung ngumiti na siya at humalik sa akin ng mabilis at tumakbo. Nalaglag tuloy ako, nalaglag yung puso ko.
"Siraulo ka talaga Reyes! Halik ka ng halik hindi naman tayo!" sigaw ko sa kanya na dumeretso sa banyo.
Totoo naman, hindi naman kami kaya parang ayoko na din umuwi kasi gusto ko ganito lang kami. Wala na kasing kasiguraduhan pag umuwi kami, dito kasi dalawa lang kami. Nagpunta na ako sa dining para pagkatapos niya ay maliligo naman ako.
After ng morning rituals namin ay inilahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko iyon at hinawakan ng mahigpit.
Sa nakaraang mga araw ay halos hindi kami mapaghiwalay, laging magkahawak kamay, laging magkasama pati bumili ng pasalubong sinamahan niya ako kasi ayaw niya daw akong mawala sa paningin niya. Pinigilan ko nga kiligin nun eh haha.
"Rad, tingin ka dito sa camera ko." sabi niya at ginawa ko naman. Kumukuha lang naman siya ng pictures ko.
"Patingin naman ako." inabot naman niya sa akin ang camera niya.
"Sayo muna. Bibili lang ako ng ice cream." tumango naman ako.
Nagtitingin tingin lang ako ng photos. Ang cute ng mga shots niya halos puro candid shots ko lang ang nandito at ng scenery.
"Ang ganda noh?" sabay tabi niya sa akin at inabot yung ice cream.
"Sira ka." sabi ko kasi picture ko yung nasa camera eh.
"Totoo naman. Wala ng mas gaganda sayo." sabay kindat niya. Iba din lumandi.
"Bolera." sabi ko at patuloy na nagscroll.
Agad naman din akong nagsisi sa ginawa ko. Dapat hindi ko na itinuloy kasi napunta ako sa picture niya at ni Cha.
"Mas maganda to diba?" sabay pakita ko sa kanya ng picture nila ni Cha.
"Kung noon mo ko tatanungin syempre oo ang isasagot ko pero kasi ngayon iba na." tumingin naman siya at ngumiti na halos mawala na yung mata niya.
"Style mo bulok." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]