Chapter 2

1.6K 56 11
                                    


Rachel's

Kakatapos ko lang ayusin ang mga dadalhin ko nang pumasok si Jovs dala dala ang iba kong kailangan dalhin.

"Chel, nasa labas yung boyfriend mo." sabay kamot niya sa likod ng ulo niya.

"Ayoko siyang makausap." matigas kong sabi.

"Eh hindi daw siya aalis kung di kayo mag uusap."

"Edi hayaan mong mamuti mata niyan kakaintay." tumayo na ako at pumunta sa kwarto ko para ilagay na ang mga dala ni Jovs sa bag ko.

Nang tapos na ako mag ayos ay humiga na din ako para matulog dahil maaga pa ang flight ko.

Sa kasamaang palad ay nalate ako ng gising. Pag labas ko naman ng bahay ay nandoon pa din ang ex ko. Wow, ngayon siya mag effort kung kailan break na kami.

"Rachel let's talk." sabi niya sabay hawak sa wrist ko.

"Not now. I'm gonna be late for my flight." saad ko at sumakay na sa kotse ni Jovs dahil ihahatid niya ako.

"Tibay, hindi talaga siya umuwi ha." sabi niya at pinaandar na ang kotse niya.

"Ikaw naman, bakit di mo ako ginising?! Late na tuloy ako." singhal ko sa kanya.

"Oh? Kasalanan ko? Akala ko nga nagbago nag isip mo eh." sabay tawa niya kaya inirapan ko na lang siya.

This Paris trip was supposed to be my gift for our 2nd anniversary, but I caught him cheating. Instead of throwing these tickets ay napagpasyahan kong ituloy na lang. Sayang naman kasi, magkano din to. Yung isa naman binigay ko kay Jovs pero nagparesched siya dahil may importante siyang aasikasuhin, so solo trip nanaman. Gustong gusto ko lumayo kaya naman hindi na ako nag paresched.

Nang makapasok naman ako sa plane ay habol habol ko ang hininga ko. Kamuntik muntikan na talaga akong maiwan ng eroplano jusko. Agad na akong naupo sa aking upuan.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog pala ako. Ang tibay nga netong katabi ko eh. Buong byahe namin tulog siya, as in wow. More than 16 hours siyang tulog.

"Miss? Miss the plane just landed" sabi ko habang tinatapik siya.

"Ikaw?!" sabay naming sabi nang mapagtanto kong si Mika ang katabi ko.

"Do we have any problem here?" tanong ng isang flight attendant.

"Ah nothing's wrong" ngumiti naman siya doon at kinindatan. Jusko. Napakalandi pa din niya.

Daldal siya ng daldal ako naman sagot din ng sagot. Nang makakita naman ako ng taxi ay sumakay na din ako agad dahil gusto ko na din makalayo kay Mika.



"Reservation for Rachel Anne Daquis." sabi ko sa receptionist at nginitian siya.

"I'm sorry ma'am but no reservations were made for Rachel Anne Daquis." sagot niya.

"Can you check please? Room 1303." muli niyang chineck pero umiling siya.

"What happened to my reservation?!" pasigaw kong tanong sa receptionist dahil hindi naman pwedeng wala akong tutuluyan dito.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon