Rachel'sI heard someone knock at the door kaya naman nagpatay malisya na lang ako kasi damang dama ko pa yung yakap sa akin ni Mika.
*knock knock*
I groaned at kinalabit si Mika, ayokong tumayo eh.
"Ye, open the door." Sabi ko at muli ng pumikit.
"Wag na." saad niya at yumakap ng mas mahigpit. Sige ganto na lang tayo.
*knock knock*
Nakakainis naman, dinadama ko pa eh.
"Ye baka yung breakfast na yan" saad ko at muli ng pumikit.
Naramdaman ko naman ang pagbangon niya, basta talaga pagkain ang bilis bilis. Pabalik na sana ako sa pagtulog nang marinig kong may sumigaw ng
"MMIIIIIIIIIIIIIIIKAAAAAAA!"
Agad naman akong sumilip sa may pinto at nakitang may babaeng nakayakap kay Mika. Wow! Nakakainit ng ulo.
"Ehem" pagtikhim ko at sinamaan ng tingin si Mika. Nakakasira sila ng tulog.
"Sino yan? Nagsama ka pa ng yaya mo dito?" tanong ng babaeng bansot.
Tinaasan ko siya ng kilay, sa ganda kong to? Pagkakamalan niya akong yaya?!
"Chill guys." Saad ni Mika kaya ipinaling ko saglit ang matalim kong tingin sa kanya bago ito muling ibalik sa babaeng bansot.
"What are you doing here?" tanong ko kay bansot.
"What are you doing here agad? Hindi ba muna hi or good morning? Or sino ako?" pagsagot niya.
"Uhmm Den, this is Rachel. Uhh Rachel this is Dennise or Den for short." Saad ni Mika.
"I'm her ex." She smiled as she offered her hand.
EX? Nanaman? Ilan ba ex ng taong to?
"BABE di ko alam na minsan ka din palang nahilig sa lamang lupa noh?" binigyang diin ko talaga yung BABE. Napataas naman ang isang kilay ni bansot.
1 point for me. Kitang kita ko yung inis sa mukha niya. Tumalikod na ako at nagtungo na lang sa kusina para magtimpla ng kape. Habang iniinom ko naman ang kape ko ay dinig na dinig ko yung pag uusap nila at kita ko din ang pagiging clingy ni dwende kay Mika.
"Pano mo nalaman nandito ako?" tanong ni Mika dun sa dwende.
"Kay Ara." Sagot niya. Ara? Yun ata yung best friend ni Mika.
"Ohh. So ano ginagawa mo dito?" tanong muli ni Mika. Oo nga, ano ba ginagawa niyan dito.
"Kasi miss na miss ko na yung pinakamamahal kong EX" bigay diin niya sa ex at pinisil ang pisngi ni Mika.
"ashfjsadh hadsfkb ahfk" hindi ko maintindihan yung sinabi ni Mika pero tumawa siya nang bumulong pabalik yung dwende sa kanya.
"Dito ako matutulog today. Okay lang ba? Last night ko naman na." sabi nung tiyanak.
"Sure, wala namang problema. Kasya naman tayong tatlo sa kama." Saad ni Mika.
Psh dapat hindi na siya pumayag eh at tatabi pa siya sa amin?! hindi ba pwedeng sa sofa na lang siya? sakto naman siya dun, baka nga may space pa na sobra eh.
Maya maya ay dumating na yung food namin at dahil for two lang naman yun eh naghati na sila. Wow sinusubuan pa siya ni Mika. Sana pala kami na lang yung nagshare.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]