Chapter 14

1.2K 46 16
                                    


Rachel's

"Budaaaaaaay!!!!" sigaw ni Jovs at nagkakakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Nakahiga lang ako, walang ganang kumain, walang gana lumabas ng kwarto, wala lahat.

"Buday may bisita ka!!" sigaw muli ni Jovs pero wala din akong gana sumagot.

"Rachel ano ba?! Magmumukmok ka na lang ba jan dahil sa ungas na yun? Jusko!" saad niya pa.

"Go away." tugon ko na sapat lang para marinig niya.

"Sakit mo sa bangs Rachel." saad niya at malamang napairap na lang siya.

2 weeks na mula nang makita namin sila sa mall pero hindi pa rin siya nagpaparamdam. Sabi na eh, sabi na talaga hindi na dapat ako naniwala kay Mika.

"Chel. Buksan mo to." saad ng isang pamilyar na boses.

"Sino yan?" tanong ko.

"Si Aby to bakla." sagot niya.

Dali dali akong nagtatakbo sa pinto at siya nga, si Aby nga kasama si Ange.

"Abyyyyyy!" sabi ko.

"Chellllllll!" sabi niya.

"Angeeeee!" sabi ni Ange sa sarili niya na nagpatawa sa akin.

"Ayun. Ngumiti ka din sa wakas." sabi ni Jovs.

"Group hug!" sabi ni Aby at nag akapan kaming tatlo.

5 years ko na din silang hindi nakasama o nakita man lang kaya agad akong nagpabili kay Jovs ng makakain para sa maghapon. Nagkamustahan lang naman kami at ayun. Sobrang saya lang na intact pa din yung friendship namin after all these years.

"Paano niyo pala nalaman to?" tanong ko kay Aby.

"Ayan kay Jovelyn chinat ako." sagot niya.

"Uhm Aby, Jovs na lang please haha." singit ni Jovs.

"Naikwento niya na sa amin yung nangyari gurl! Kalurkey!" sabi ni Ange na dahilan para mawalan nanaman ako ng gana kaya nilapag ko na yung platito ko na may cake.

"Wag ka nga bumusangot." sabay hilamos ni Aby sa mukha ko pero lalo lang naman itong kumunot.

"Nako paanong hindi bubusangot yan eh si Mika yun." saad ni Ange.

"Oo nga pala! The one and only. Ang paulit ulit iniyakan ng napakaganda kong kaibigan. Iba ang kamandag ni Mika." pang aalaska ni Aby kaya binatukan ko siya.

"Halaaaa! Hindi ko alam yun kwento!" sawsaw ni Jovs na akala mo tropa naming tatlo nyeeeeh.

-----

"What?! Break na kayo?!" sigaw ni Ange nang maikwento ko yung nangyari sa amin ni Mika.

"Kaya pala hindi ko na nakita pa ulit. Tinetext ko nga yun kung sasama siya ngayon, pass daw siya." sabi ni Aby.

"Handa naman ako mag uwian para sa kanya eh. Handa akong gawin lahat." at nagsimula nanaman akong umiyak.

"Wala pa nga ayaw na agad." pag irap ni Ange.

"Okay na din siguro. Atleast walang bitter endings, friends pa din." sabay punas ko ng luha ko pero patuloy pa din ito sa pag agos.

"Nako 'day, tara inom na lang." yaya ni Aby na pinaunlakan ko naman.

How can you forget someone who already become a part of you? And it sucks because every little thing I do reminds me of her, of us.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon