Chapter 6

1.7K 48 19
                                    


Rachel's

I woke up and realize na magkayakap kami ni Mika. I was hugging her, she was hugging me, we are hugging each other for pete's sake.

There goes my heart. Beating uncontrollably and I felt my cheeks burning. Feeling ko nagstop ang ikot ng mundo nang gumalaw siya at lalong yumakap sakin ng mahigpit.


Dug dug


Dug dug


Hindi ako makagalaw but at the same time ayoko na din umalis sa mga yakap niya. Her hugs are still the most comforting thing in the world.

-----

"Rad." rinig kong sabi ni Mika nang maupo siya sa tabi ko.

"Ye bakit ganun?" tanong ko kahit alam kong hindi niya naman din alam ang sagot.

"Rad baka God has a bigger plan for us kaya nangyari yun." sabi niya at hinagod ang likod ko.

"But can't they just work it out? Ganun na lang ba yun? Maghihiwalay na lang sila without thinking na paano naman kaming mga anak nila?" I broke down and cry.

My mom and dad decided to end their marriage. Just like that, ni hindi man lang namin alam kung bakit.

"Hindi naman ako Diyos para masagot yung mga katanungan mo Rad, pero whatever happens andito lang ako para sayo." hinarap naman niya ako sa kanya at pinahidan ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko.

"Stop crying na. Pumapanget ka eh." saad niya kaya nagpunas na din ako ng luha ko and tried not to cry anymore.

"Ayan maganda na ba ako ulit?" biro kong tanong.

"Yeah that's much better." she smiled at hinawi ang buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Thank you Ye." yinakap ko naman siya at yumakap naman siya pabalik.

It's amazing na after ko umiyak or sa tuwing umiiyak ako I want to feel Mika's hug. It's as if yun lang yung magpapakalma sakin totally.

I guess I found comfort in her arms. It's making me confuse, hindi ko alam kung ano ng nararamdaman ko.

-----

"Rad, I'm sorry." rinig kong sleeptalk niya kaya piningot ko ang ilong niya na siyang nagpagising sa kanya.

"Aww pango na nga eh pinapango mo pa, palibhasa matangos yung iyo. Kainis." pagmamaktol niya ang cutie niya talaga.

"Kape gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Ako na magtitimpla. Jan ka lang." Nag inat na siya at bumangon. "Stay where you are." muli niyang silip.

"Yes madam!" sagot ko.

Pagkatapos niya mag timpla ay pumunta muna kaming balcony ng makapag paaraw kahit konti at tignan ng sabay ang view.

"Ang ganda talaga dito noh." simula niya.

"Mas maganda ako." pabiro kong sagot.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon