Chapter 16

1.6K 41 24
                                    


Rachel's

Naramdaman kong may tumatapik sa mukha ko kaya nagtalukbong naman ako ng kumot dahil inaantok pa ako.

"Babe gising na. Pinagluto kita." rinig kong sabi ng pinakamakulit na nilalang na nakilala ko kaya napaupo na lang din ako sa kama ko ng pikit mata.

"Tara na. Kain na tayo." dagdag niya at hinihila hila ako pero ayoko pa din talaga umalis ng kama.

"Ah ganon ayaw mo ha." saad niya at hinalikan ako sa labi. Agad akong napamulat at nakitang nagtatatakbo na siya.

"Reyessssss!!!!!" sigaw ko at napabangon na din ng wala sa oras para habulin siya.

Hinabol ko siya hanggang kusina kung saan naghahain na si Jovs.

"Oyy kumain na muna bago harutan." wika ni Jovs pero patuloy ko pa din hinahabol si Mika.

"Busog na ako Jovs. Ang tamis nung breakfast ko eh." saad ni Mika na nagpapula sa mga pisngi ko. Aba loko loko talaga.

"Ayan yan tayo, di halatang miss na miss ano?" saad ni Aby.

Tumatakbo pa din si Mika kaya hinahabol ko pa din siya, ewan ko ba, para kaming mga malalaking bata.

Takbo pa din siya ng takbo kahit ang liit lang ng bahay ko at nang malapit ko na siyang abutan ay tumigil siya upang humarap sa akin at kinulong ako sa yakap niya. Napayakap na lang din ako at natawa.

"Nakapag exercise ka na hehe, tara kain na." saad niya at humalik sa noo ko. Aba't ninja talaga.

"Umagang kay Landiiii wooohooo!" sigaw ni Ange habang nag uunat.

"Sinong nagluto?" tanong ni Aby.

"Ako ate." sagot ni Mika.

"Ayy marunong na, pwede ng mag asawa Chel." natatawang sagot ni Aby kaya nabatukan ko siya.

"Sira ka talaga. Kain na tayo." paanyaya ko sa kanila.

Kumain naman na kami at nagprepare na din ako after dahil niyayaya ako ni damulag lumabas.
Nagmall lang naman kami bago pumunta sa isang coffee shop.

Pagpasok pa lang ay nagbago na agad ang aura ko, hindi naman sinabi kasi ni Mika na kikitain niya si Cha.

"Wag kang bumusangot, papanget ka niyan sige ka." natawa siya kaya natawa din ako, siraulo talaga. Napailing na lang din ako.

"Hi Ye." saad ni Cha at bumeso kay Mika.

"Cha si Rad nga pala." pagpapakilala sakin ni Mika.

"She seems so familiar."

"Rachel Anne Daquis." sabay abot ko ng kamay ko sa kanya at nginitian siya.

"Ohhh kaya pala, akala ko kung sinong Rad." sagot niya at inabot din ang kamay ko.

Umupo na muna kami. Katabi ko si Mika at kaharap naman niya si Cha.

"What brings you here Rachel?" tanong ni Cha. Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Mika.

"Baka makatulong siya." sagot ni Mika.

"Feel free to suggest, I really do need help." nakangiti niyang sabi.

"Sure." sagot ko at nginitian din siya.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon