Rachel's"Queenyyyy" pag gising sakin ni Mika kaya napangiti ako.
"Ayiieee ngumiti siya. My queen bangon na. You promised me manonood tayo ng sunrise." sabi niya sa akin.
"Buhat mo ko." sabi ko at narinig kong tumawa siya.
Binuhat naman niya ako na parang bagong kasal kami. I can't help but blush, napakagandang gwapo ba naman ng may akay sakin.
"Anong gusto mo for breakfast?" tanong niya ng makaupo na kami.
"Ikaw." sabi ko. Naramdaman kong tumingin siya sakin kaya napatingin din ako sa kanya.
Yung mga mata niya parang gulat na gulat.
Loading Loading...
"Halaaaa! I mean ikaw, kung anong gusto mo." pagpapaliwanag ko at napatago na lang ako ng mukha sa tuhod ko.
"He he. Awkward. He he." awkward niya ngang sagot lalo tuloy akong nahiya.
I felt her arm sa bewang ko kaya hinawakan ko naman iyon bale magkaholding hands kami ganon.
"Alam mo pinakagusto kong sunrise?" tanong niya.
"Ano?"
"Yung sunrise na una kong makikita pag tayo na ulit." sabay ngiti niya sakin ng pagkaamis tamis. Halaaaa.
"Gago wag ka ngumiti." sabi ko at umiwas ng tingin.
"May dumi ba sa ngipin ko? Hahaha sorry." saad niya.
"Baliw ka talaga Mika." sabay sandal ko sa chest niya.
"Baliw sayo." naramdaman ko namang humalik siya sa buhok ko kaya nakurot ko siya dahil kinilig ako.
"Ang amazona mo pa rin haha. Pero kahit ganun pa man mahal na mahal pa din kita Rad." sabi niya.
Natahimik naman kami parehas at pinanood na ang pag sikat ng araw. Panibagong umaga, panibagong araw para mahalin si Mika.
"Sa labas na tayo kumain, my treat." sabay tayo naming dalawa.
After ng morning rituals namin ay kinuha niya na ang maleta ko, palabas na sana siya ng...
(play the song 👌🏻)
"Wait may nakalimutan pala ako." saad niya na ikinataka ko naman.
"Ano yun?" tanong ko.
"Yung pinakamahalaga sa lahat ng mahalaga." ngingiti ngiti niyang tugon.
"Eh ano nga?"
"Eto." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko naman na umakyat ang dugo ko sa mukha ko.
"Gago ka talaga." sabi ko at sinuntok siya ng mahina.
"Diba nga don't leave your personal belongings unattended. Edi mali pala ako, ako pala dapat yung bantayan mo kasi ako'y sa'yo lamang." kumindat pa ang mokong kaya nabatukan ko siya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfic© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]