Chapter 7

1.5K 46 16
                                    


Mika's

Buhat buhat ko pa din si Rad medyo malayo pa pala yung hotel. Mukha lang palang malapit. Para akong may isang sakong bigas na dala.

"Bigat mo." pagrereklamo ko.

"Akala ko ba magaan pa din ako ha?" reklamo niya sabay kagat sa tenga ko kaya muntik ko na siya mabitawan. Sira ulo talaga tong taong to.

"Akala ko lang pala yun. Ang bigat mo na para akong nagbuhat ng isang baboy eh." biro ko kaya piningot miya ang tenga ko. "Araay ko naman Rad! Hulog kita eh."

"Ayan jan ka magaling. Bubuhatin tapos pag di sinasadyang mafall di na sasaluhin." sabay batok sa akin.

"Isa pang pananakit sakin hahalikan kita." pananakot ko sa kanya. Ayon natahimik ang bruha.

Pagod na pagod na ako para akong malulumpo sa sobrang bigat ni Rad kaya agad akong nahiga sa kama.

"Oyy massage mo naman binti ko. Sobrang bigat mo kaya." pagrereklamo ko sa kanya.

"At bakit? Sino ba kasing nagsabi maglakad lang tayo ha?" sabay higa niya din sa kama.

"Eh dali na binuhat naman kita eh. Please." pagmamakaawa ko dahil sobrang sakit na din talaga.

"Psh pasalamat ka." saad niya at pinaayos ako ng pwesto.

Minassage naman niya ang binti ko. Buti na lang talaga mabait tong taong to eh. Nagustuhan ko siya kasi sobrang ganda niya pero minahal ko siya dahil sa ugali niya. Sobrang bait na tao pero di ko din inexpect noon na papayag siyang ligawan ko siya mas di ko inexpect na sasagutin niya ako.

-----


Papunta ako ngayon sa bahay nila mag momovie marathon kasi kami kasama sila ate Aby. Nagdala ako ng favorite niyang ice cream at isang pirasong gumamela na pinitas ko sa bahay. Lagot ako kay mommy pero hehe para kay Rad okay lang.

Nagdoorbell na ako at pinapunta ni manang sa kwarto ni Rad dahil ako pa lang daw ang nandito. Pag kaakyat ko naman ay tulog pa ang señorita. Ayoko naman siya gisingin kaya naupo muna ako sa may chair ng computer niya.

Nakakita ako ng papel at sinulatan ko na lang iyon.

"Magandang umaga Rad, pero mas maganda ka pa sa umaga. Cliché pero yun yung totoo. Pinitas ko pa tong gumamela, fresh yan kanina lang 'to eh hehe. - Mika"

Iniwan ko naman yun sa table na nasa gilid ng kama niya at bumaba nalang. Doon na lang ako naghintay. Maya maya ay dumating na sila ate Aby at saktong bumaba si Rad. Natuwa ako ng makita kong nilagay niya sa tenga niya yung gumamela kong dala.

"Uyy Ye, kanina ka pa?" tanong niya. Natawa siya kaya natawa ako, kunyari pa eh.

"Feeling ko nga sa kanya galing yang gumamela sa ulo mo eh. Kailan pa nagkaroon ng gumamela sa kwarto mo ha?" sabi ni ate Aby na nagpablush sa akin.

"Huliiii" sabi ni ate Ange at hineadlock ako.

"Aray ate masakit." reklamo ko.

"Uyy Ange tamana yan" si Rad kaya kinilig ako yieeee

"Kilig ka naman. Hindi naman bagay sayo." At kinotongan pa ko. Siraulo talaga silang magkakaibigan.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon