Mika'sAng sakit ng likod ko.
Yun ang una kong naisip nang magising ako. Sino ba naman kasing 6 footer ang babaluktot sa sofa, ugh. Napangiti naman ako nang may makita akong kumot na nakabalot sa akin. So sweet naman my ex pero wala na siya sa kama nang magising ako.
Napukaw naman ng isang note na may pangalan ko ang aking pansin kaya binasa ko ito.
"Ye, nauna na ako maglibot. Ayoko magulo natin ang isa't isa so maigi we explore Paris seperately. Enjoy <3 - Rad "
Nahiga muna ako sa kama dahil masakit talaga ang likod ko. Nag open muna ako ng instagram at bumungad naman sakin ang mukha ni Cha at Ray.
No need to sulk. I am in Paris, I should enjoy this.
Tumayo na ako at naligo. After ko naman mag ayos ay tumungo na ako sa aking pupuntahan dala dala ang camera ko at isang mapa.
Para sa araw na 'to ay nagtungo lang ako sa mga may magandang architectural design sa paligid. Nakakamangha yung mga structures nila, masasabi mo ngang kakaibang art ang mga ito eh.
Nang pauwi na ako ay bigla akong nakakita ng ice cream. Mahilig si Rad dun kaya bumili na ako para din may makain kaming dalawa.
"Rad?" saad ko nang makapasok ako ng kwarto.
"Rad may dala akong ice cream." sigaw ko nang mailapag ko na ang ice cream sa mesa.
"Rad?" mukhang wala pa siya.
Napatingin naman ako sa aking relo at 8 pm na pala. Di ko maiwasang hindi mag alala. May pinagsamahan naman kami ni Rad kahit papaano.
(2 years lang age gap ni Mika at Rad here sa story na ito ✌🏻)
-----
I was a transferee. So dahil dun wala akong friends dahil hindi rin naman ako pala kaibigan. Ibang iba yung Mika ngayon sa Mika 12 years ago. I wear those frickin' huge glasses since malabo ang mata ko.
I was on my way sa canteen mang harangin ako ng isang babaeng sobrang angas at medyo malaki ang katawan.
"Bulag ka ba ha?" tanong niyang nakakatanga. Pag may salamin bulag agad? Nasaan ba ang utak niya?
"Patingin nga!" sabay kuha niya sa salamin ko.
"Akin na yan!" sabi ko sa kanya habang pilit na inaabot ang salamin ko.
Tinulak naman niya ako kaya napaupo ako sa semento. Fudge ang sakit sa pwet.
"Oh eto salamin mo. Hanapin mo girl labo." saad niya kaya kinapa ko naman ang salamin ko. Ugh why do I have to deal with these kind of people.
"Hoy ikaw!" rinig kong sigaw ng isa pang babae at agad naman tumakbo yung babaeng nambully sa akin.
Patuloy pa rin ako sa pag kapa sa salamin ko. Geeez.
"Eto oh." saad niya at inabot ang salamin ko at tinulungan ako tumayo.
"Thank you." at lumingon ako sa gawi niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]