Chapter 17

1.3K 38 16
                                    


Rachel's

Hindi ko alam kung matatawa ako kay Mika or kakabahan din eh. Namumutla na kasi siya tapos hindi na maipinta yung mukha kaya tumigil muna ako sa pagdadrive. Nagpresinta na ako na ang magdadrive kasi sobrang kabado niya.

"We don't have to do this now babe, saka na lang." I smiled baka sakaling mabawasan yung nararamdaman niya.

"Pwede ba? hehe di pa pala ako ready."

"Alam mo? Pasaway ka talaga." natawa na lang ako at pinunasan ang pawis niya sa noo.

"Gusto ko naman babe kaso parang di ko pa kayang harapin si papa." wow nakapapa na agad haha.

"Okay lang, tara date na lang tayo. Yayain mo na din sila Ara." pag yaya ko at nagpatuloy na ulit magdrive.

Nang makarating kami sa mall ay nagwindow shopping muna kami saglit dahil wala pa naman sila Ara. Nang makarating naman sila ay kumain na kami agad.

Dun kami kumain sa kakaunti lang ang tao. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay naaninag ko ang ex ko na papasok sa food chain kung nasaan kami. Mga clients niya ata yung kasama niya.

All smiles pa siyang lumapit sa akin pero biglang kumunot ang noo niya kaya tinignan ko kung kanino siya nakatingin, kay Kim at Ara.

"Kayo yung may kagagawan nito diba?!" biglang nag eskandalo naman itong lalaking to, kakahiya.

"Ikaw ba nag utos nito Rachel?!" tanong niya habang tinuturo yung bali niya sa kamay. Aba, pakialam ko ba sa kanya.

"Hindi niya alam yan, tinuruan ka lang namin ng leksyon." sagot ni Ara habang chill na chill kumain.

"Madaming nawalang clients sakin dahil sa inyo!" sigaw niya.

"Mas mawawalan ka ng client kung ipapakita mo ugali mo sa kanila." sabat ko kaya umalis na siya sa table namin.

Pag kaalis naman niya ay napayuko si Ara at si Kim. Napansin ko namang malalaki ang butil ng pawis ni Mika, aha, alam ko na.

"Bakit niyo ginawa yun?" tanong ko kay Ara at Kim.

"Ah eh kasi ano... kasi uhmmm..."

"Hindi niyo pa naman ako kilala that time, so ano? Napagtripan niyo lang?" mataray kong tanong sa kanila.

Tahimik lang silang dalawa na akala mo nalunok na ang mga dila nila at hindi na nakapagsalita.

"Reyes." cold kong sabi dahil alam ko may kinalaman siya dito.

"Hala babe sorry." lumuhod naman siya na kinagulat ko. Loko lokong to.

"Ano ba, isa ka pang mag eeskandalo. Umupo ka nga."

"Babe sorry talaga. Nainis kasi ako ng sobra nung nalaman ko na niloko ka niya eh.. Sorry sorry." with matching actions pa siya nagsorry.

"Ikaw sinunod mo naman?!" napatingin naman ako kay Den na pingot pingot na si Ara.

"Aww love naman, eh sabi ni Yeye turuan ng leksyon kasi saktan na daw lahat wag lang si ate Rachel. Aww aww"

Sa sinabi ni Ara ay parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Okay naiinis ako pero nagawa ko pa ding kiligin, anuna self?

Humarap naman ako kay Mika at tinaasan siya ng isang kilay, she doesn't have to do that naman eh.

"Babe I'm sorry talaga." bakas ang sinseridad sa mukha niya pero hindi ko na pinansin yun at muli na lang kumain.

Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon