Year 2088
The age of modern Science and Evolution. Nung unang araw na ako ay nagkamalay, isa lang ang pumasok sa isip ko nun. Bakit? Bakit ako nandito? Of course wala pa akong alam sa mga panahong iyon pero sa kalaaunan ay napagalaman ko na bunga lang pala ako ng syensa sa loob ng isang laboratoryo. Yea tama kayo, I'm a test tube baby. Sa pagkakaalam ko nasa isang research facility ako malayo sa syudad at civilization sa state of Michigan. Bakit kamo ako nakakapagtagalog? Kasi sa genes na ginamit sa akin ay galing sa Filipino gene pool na pinaghalo sa ibang lahi. Siguro naisip nila may something special sa mga lahi ng mga pinoy, resilience maybe? Who knows.
"Sir the patient is awake," sabi ng isang boses na nakasanayan ko na, isa sa mga scientist.
"Alright, prepare the testing now," sabat naman ng isa na kilalang kilala ko.
Sa tagal ko na ba dito sa lugar na ito di ko pa mamemorize kung sino sino ang tumutusok sakin at kung ano ang pinapagawa.
"Subject 008, can you hear me?"
Kanina pa ako nakapikit pero alam kong gising ang diwa ko. Tinurukan kasi ako ng pampatulog ng mga hinayupak na scientists na to.
Alam kong takot sila sa akin, I can sense it. Marahil di niyo alam pero makikita niyo din.
"Subject 008!" pasigaw ng tao halatang nauubos na ang pasensya.
Minulat ko na mga mata ko, nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin. Inadjust ko muna yung mga mata ko bago tuluyang bumangon sa hinihigaan ko. Heto nanaman tayo, nasa loob ako ng isang puting kwarto na napapalibutan ng puting foam yung wall at may malaking see through salamin sa bandang kaliwa ko kung saan nakikita ko ang mga punyentang scientists na to. Pansin niyo ba kung gaano ako kagalit sa kanila? Kayo ba e pagexperimintuhan na para bang guinea pig kung di kayo magalit.
"Good you're awake, we are to begin your psyche evaluation, can you understand me?" tanong ng matandang lalaki sa likod ng salamin.
Takot sila siguro na makasama ako sa isang kwarto.
Hindi ako sumagot, wala naman kasi ako ganang sumagot.
"Answer me Subject 008 or we will be forced to incapacitate you," halatang siya ang boss ng mga demonyong ito.
Maya maya naramdaman ko ang sobrang sakit na kuryente na dumaloy sa katawan ko galing sa leeg ko. Ah right may shock collar pala ako, meron din tong anesthetic kaya pwede nila akong patulugin kelan man nila gusto lalo na kapag di nila ako macontrol.
Natapos din yung sakit after ilang minuto. Napaluhod ako sa sahig.
"Do you understand Subject 008?" ulit ng matanda.
"Yes sir," ngit ngit kong sinabi.
"Good," at may narinig akong pinindot nila sa kabilang banda ng kwarto.
Maya maya ay may bumukas sa sahig na mechanical ang dating at unti unti lumabas ang isang steel table na may nakapatong dito na isang baso ng tubig.
Pssh, ano naman gusto nila ipagawa sa akin sa basong ito? Alam naman nila na di ko kaya pagalawin yun gamit ang isip ko. Isang bagay lang naman ang kaya kong gawin. Actually dalawang bagay pero di nila alam ang pangalawang kakayahan ko, di ko kasi sinasabi sa kanila plus di naman talaga to nakikita ng dalawang mata. Pero yung naunang kakayahan ko ang nakakatakot, kaya alam ko kung gaano sila naninigurado na di ako makawala sa nilagay na shock collar nila. Mas katakot takot pa sa kakayahan na pagalawin ang mga bagay. You'll see.
"008 can you focus on the glass of water?" utos ng matanda.
I rolled my eyes, focus daw alam naman nila kung ano mangyayari sa baso pero alam kong hindi naayon sa kagustuhan nilang resulta ang mangyayare.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...