CHAPTER 16- The Present

7.4K 206 17
                                    

YEAR 2088

 

 

 

 

VINCENT

It's been days nang patuloy kong napapanaginipan ang lahat ng memorya ni Manuel. Lahat nakita ko at kung paano niya mahalin ang bestfriend niyang si Kiko hanggang sa huling sandali na sila yung magkasama. Nakita ko din kung paano sunduin si Manuel ng mga tauhan ng Genesis lab facility. It was days after nang fire incident sa hacienda parang tulala si Manuel at napagalaman ng pamilya nila na kasamang natupok ng apoy ang ilang magsasaka at trabahador nila. Pinagtapat din ni Manuel na kasamang nasunog si Kiko sa kakayahan niyang gumawa ng apoy kaya ganon nalang ang kabigat sa loob ng dalawang pamilya ang nangyaring trahedya.

Days after the incident may mga kanong tumambad sa lugar nila Manuel at hiningi ang permeso nila na isama si Manuel sa America para sa isang rare opportunity na imanage ang condition niya. Walang patumpik tumpik pang pinagdesisyunan nilang lahat na ibigay sa kanila si Manuel. Halatang pinagtabuyan na siya ng pamilya niya dahil sa kakaiba niyang pagkatao. Lahat sila ay parang nanibago ng pakikitungo kay Manuel maliban sa isa, si Francheska.

"Gising ka na ba?" tanong ni Zeke habang nakayakap pa din sa akin sa higaan.

Nakasanayan na naming matulog na magkatabi sa barracks kaya ibinigay ko na yung pwesto kong higaan sa iba. Tuwang tuwa naman tong si Zeke.

"Ok lang," sagot ko habang nakatitig lang sa taas ng higaan. Natutulog pa din si Sophia kasi.

"May iniisip ka," sabi niya.

Meron naman talaga ako iniisip. Ang daming sumasagi sa isipan ko at lahat yun ay si Manuel. Lahat ng alala niya bumalik na sakin na para bang ako si Manuel.

"Nagtataka lang ako, bakit kaya hindi kaya ni Manuel makabasa ng isip, I mean clone ako niya diba pero naalala ko sa memories niya na wala siyang kakayahan ng pagiging telepath," taka kong tanong.

Nagshift naman ng position si Zeke at binaling ang atensyon niya sa akin.

"baka naman kasi ikaw yung upgraded version niya," natatawang sabi ni Zeke.

Upgraded version? Ano ako robot? Sabagay siguro tama nga si Zeke kasi though clone niya ako, pinagexpermintuhan naman ako ng mga scientist sa Genesis lab. San ka pa at binuka nila ang ulo ko at kung ano ano pang pinaggagawa sa akin.

"Ewan ko sayo," inirapan ko nalang siya sa pagtawa niya sa akin.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit sa higaan.

Hankyut talaga ni Zeke lalo na pag ganito siya kasweet sa akin. Hinayaan ko na lang siya.

Nagising na rin si Sophia at umaga na nang makabangon kami sa higaan namin. Dumerecho na kami sa main cafeteria hall para kumain ng agahan. Masasabi kong parang normal na lugar talaga yung base na ito. May mga nagtatawanan at nagkukumpulan na mga magkakaibigan. Yung iba abala sa mga trabaho nila. For once parang hindi kami lagi hinahabol ng mga zombies at naeenjoy namin ang kapayapaang binibigay ng lugar na ito. Sana nga lang e magtagal talaga ito.

"Oh ayan ka nanaman sa mga iniisip mo," sabat ni Zeke sabay subo sa kinakain niyang scrambled egg.

"huwag mo nga akong pakialaman," sagot ko na tumawa lang naman siya, para kaming magasawa kung umasta na. Bangayan dito lambingan doon ay nako.

"Kuya mamaya makikipaglaro ako kena Collin ah," bigay paalam ni Sophia sa amin.

Si Collin ay isa din sa mga bata ng base na ito, buti nga at may nahanap agad siyang mga bagong kaibigan na kasing edad niya dito. Kilala namin ang pamilya nila Collin, isa rin silang survivors at mabait na pamilya sila.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon