CHAPTER 13- Odd Changes

6.8K 184 8
                                    

Nasa harap ako ngayon ng kapatagan na napapalibutan ng mga punong manga. Nasa isang maliit na burol ako at nakaupo sa isang malaking puno na sinisilungan ko sa araw. Ito yung pinakapaborito kong lugar sa hacienda nina lola. Kitang kita ko kasi ang kabuuan ng kapatagan at tahimik ang lugar na tinatambayan ko. Maya maya may naramdaman akong papalapit sa akin galing sa likuran ko.

"Eman, tol kanina ka pa hinahanap nila tita," si Kiko pala.

  

"mamaya na, ayoko pa pumunta doon," sabi ko.

Ayaw ko naman kasi makihalobilo sa mga bisita nina lola at mga magulang ko. Kahit di pabor dad ko sa pakikipagkaibigan ko kay Kiko, yung pamilya nila e close family friend naman namin. Kung kena Kiko at Francheska man lang, halatang pabor yung dad ko kay Francheska na makaclose ko.

"Hay nako ayan ka nanaman sa pagkaloner mo," tumabi siya sa akin sa pagkakaupo.

Tanaw namin yung mga kakahuyan at pinagmasdan lang namin ito.

Maya maya e nagsalita ulit si Kiko.

"Alam mo may gusto sayo yung nakababata kong kapatid," ngumisi naman si Kiko at inakbayan ako.

Ano ibig niyang ipahiwatig?

Sa isip ko, hindi ko gusto ang kapatid mo, kung alam mo lang, ikaw ang mahal ko Kiko.

"Hindi ko gusto si Francheska," tipid kong sagot.

Nakita ko namang kumunot ang noo niya pero may halong pagkatuwa?

"Bakit di ka ba nagagandahan sa kapatid ko?" usisa nito sa akin.

"Maganda siya pero di ko lang talaga siya gusto sa ganong paraan," sagot ko habang nakatitig lang sa kapatagan.

"Bakit may iba ka bang gusto?" tanong niya sa akin.

Napalingon ako sa kanya, di ko alam kung ano sasabihin ko kaya ang ginawa ko nalang e binalik yung atensyon ko sa kapatagan at di sinagot ang tanong niya.

Hindi naman na nagusisa si Kiko kaya nanatili kaming tahimik mga ilang saglit lang habang pinagmamasdan namin ang kabuuan ng hacienda. Ewan parang ang payapa ng nararamdaman ko lagi kapag andito ako sa spot na ito at kasama ko si Kiko. Siguro matatawag na nga namin tong special tambayan namin.

"Ah nga pala Eman may ibibgay ako sayo," siya na bumasag ng katahimikan habang pangisi ngisi siyang may dinukot sa bulsa ng pantalon niya.

"Ano nanaman yan?" taka kong tanong.

"Basta bigay mo kamay mo," habang hinihintay niya iabot ko ang palad ko sa nakaabang niyang kamay.

Pinagbigyan ko na at inabot yung palad ko. Dinukot niya sa bulsa niya ang isang bagay tapos nilagay sa kamay ko. Nagulat ako, yung kwintas pala na binili niya nung nakaraang araw. Bakit naman niya to binibigay sa akin. Sa loob ko natuwa ako syempre. Di ko mapigilang mapangiti.

"Buksan mo," utos niya, kaya kinalikot ko na yung locket at may napindot nga ako na lock.

CLICK.

Bumukas yung locket at nakita ko ang dalawang picture namin ni Kiko. Nasa may kaliwa akong banda at yung sa kanan e picture ni Kiko. Ito yung picture na kinunan sa mall. Ginupit niya pala to para magkasya sa locket. Natuwa at napasaya naman ako sa regalo ni Kiko.

Tiningnan ko siya at bakas pa din sa muka ko ang sobrang saya.

"Para sa akin to?" tanong ko, tila di makapaniwala.

"Oo naman, para walang iwanan, diba tol?" nakangisi pa din ang loko pero halatang natutuwa din siya sa reaksyon ko.

Kinilig ako tuloy sa ginawa niya.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon