CHAPTER 19-Parting

6.3K 194 19
                                    

Here's Zeke's POV enjoy :)

-----------------------------------

ZEKE

Dammit! Ang sakit ng ulo ko, nasaan ako?

Naging alerto ang buong katawan ko nang may narinig ako na pamilyar na tunog, yung tunog na nakita ko sa isip ni Vincent, isang saw blade?

Nilingon ko ang paligid ko at nakita ko ang isang doctor na may hawak na isang saw blade, tama nga hinala ko. Nagpumiglas ako sa higaan ko pero nakatali ang mga kamay at paa ko, Shit!

"He's awake," narinig ko yung boses ng Colonel.

"It doesn't matter, he'll just have to endure the pain," sagot naman ng lalaking may hawak na saw blade.

Ako ba ang paggagamitan ng saw blade na yan? Oh shit I'm fucked up! Nasaan si Vincent? Sana ok lang siya, Damn di na ako mapakali sa kinahihigaan ko at patuloy pa din sa pagpupumiglas.

"Vincent," mahina kong sambit, mukang may epekto pa din yung anesthetics na ginamit nila sa akin, tsk.

"Just get it over with," inis na sabi ng Colonel.

Hayop tong taong to, kapag may ginawa siyang masama kay Vincent ako unang papatay sa kanya.

ZZZZZZZZZZZZZZZ

Narinig kong palapit ng palapit yung lalaking may hawak ng saw blade, tiningnan ko ito ng masama at patuloy na nagpumiglas sa pagkakagapos sa akin sa higaan. Gingamit ko na ang natitirang lakas ko pero ang higpit talaga ng pagkakagapos sa akin.

Nang malapit na siya sa akin at akmang ibabaon na yung saw blade sa ulo, napapikit ako ng mata. Shit ang sakit nito panigurado ko.

BOOOOOOOOOM!

Napamulat ako ng mata sa lakas ng pagsabog sa labas. Yumanig pati ang buong kwarto namin na para bang may lindol na umuga sa lupa. Napatigil yung scientist sa pagsabog at nakita namin may ilang dusts na nahulog sa kisame. Kung ano man yun thank God at perfect timing ito kundi hati na yung bungo ko.

"What the hell is that?" galit na tanong ni Colonel.

Biglang narinig namin ang sirena sa bawat sulok ng building na ito. Nagtaka din ako sa pangyayari pero masaya pa din ako at nadugtungan pa ang pagkakataon kong di mahiwa.

Biglang may pumasok sa loob ng kwarto namin na isang sundalo halatang hingal na hingal.

"Sir we have a problem," taranta nitong sabi.

"What?" galit na yung Colonel.

"The perimeter wall outside has been completely destroyed," sabi ng sundalo.

"What do you mean completely destroyed?" takang tanong n Colonel.

"It's gone, the wall, the fence, and the trucks are gone," halata pa din sa tono niya ang pagkataranta, "and worse part is, hordes of zombies have completely infiltrated the base outside while our walls and fences are being torn apart like some invisible force is doing it. You can see it for yourself, debris are floating everywhere!"

Ano daw? Sinira lahat ng pader at fence na nakapalibot sa base na ito at parang niyupi ito ng di nakikitang pwersa? Holy crap! Sana di totoo ang narinig ko, kung ganun man, isa lang ang naiisip kong tao na kayang gumawa nun, si 01!

Nahanap na kami ni 01 at andito siya sa base.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

Narinig ko ang napakaraming sigaw at hiyawan ng tao sa labas ng building namin. Nagalala ako bigla kay Sophia, shit sana ok siya. Nagtangka nanaman akong kumalas sa pagkakagapos ko pero sobra talagang hinigpitan nila ito sa mga kamay at binti ko.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon