Ilang araw na rin kaming palipat lipat ng lugar para makatakas sa mga bangkay na naglalakad sa paligid. Nasa isang maliit na town kami sa may county side ng Virginia. Malalawak na lupa na para bang nasa probinsya kayo pero may mangilan ngilan pa ding bahay na katulad sa nauna naming napuntahan nung nakatakas kami sa grupo ni 01. Magaganda talaga yung bahay yun nga lang inabandona na.
"Vincent, mabuti pang dito muna tayo magpalipas ng gabi sa bahay na ito, mukang safe naman tayo dito walang gumagalang mga zombies," suhestyon ni Zeke na sinang ayunan ko.
Nauubos na rin yung suppplies namin kaya pahirapan din yung pang araw araw naming pagkain. Minsan tintipid na nga namin lalo pat may kasama kaming bata. Kaya ko naman magtiis ng gutom, inaalala ko lang si Sophia.
Tiningnan namin muna kung may patay sa loob ng bahay bago tuluyang magsettle in at siguraduhing walang makakapasok na mga zombies. Inikot namin ang kabuuan ng bahay, salamat sa Dyos wala kaming nakita.
Pinagmasdan ko ang mga bawat sulok ng kwarto, halatang above middle class yung pamilyang tumira dito. May kwarto na pang teenager kasi kita ko yung mga posters ng rock band mga video games na nakastack sa sulok. Siguro masaya ang mabuhay noon na walang zombies sa paligid. Wala kang inaalala kundi maglaro gumimik and be a teenager.
Napabuntong hininga ako sa mga iniisip ko. Hindi ko naman kasi naranasan ang lahat ng yun, nakita ko lang yun sa utak ni Zeke kaya minsan di ko maiwasan pano kaya kung namuhay kami sa mundo ng walang zombie apocalypse, magkakakilala pa kaya kami ni Zeke?
"Ano nanaman iniisip mo?" biglang bungad ni Zeke nang pumasok siya sa kwarto nang teenager.
"Ah wala, naisip ko lang masarap siguro ang buhay ng may ari ng kwarto na ito noon," at pinagmasdan ko ang bawat koleksyon ng mga video games niya.
Naramdaman ko namang yinakap ako ni Zeke sa likuran na siyang ikinatuwa at nagpagaan ng loob ko.
"gusto mo bang maranasan ang buhay teenager noon?" habang nilalambing ako.
Well curious naman talaga ako sa buhay mayroon sila noon, masaya nga ba maging teenager nung kapanahunan na wala pa ang gulong ito na halos magunaw ang mundo? Ewan, pero isa lang ang alam ko. Hindi worth it ang lahat ng yun kung di ko makikilala si Zeke.
Ngumiti ako kay Zeke at tiningnan sa mata.
"Hindi na, mas ok na ako sa ano mang meron ako ngayon, ang makasama ka," sinsero kong sabi na nagpatuwa sa kanya.
Niyakap niya ako pero saglit lang, sapat na ang yakap na iyon para madama ko ang pagmamahal niya sa akin.
"Kahit na, tara laro tayo ng psp7," bungad nito.
"Huh?" di ko kasi alam kung anong pinagsasabi nitong si Zeke.
"Gusto ko ipakita sayo kung pano maglaro ng psp7, mukang kumpleto ang taong nangmamay-ari ng kwarto nito ng mga game consuls e," sabay halungkat sa mga gamit ng kwarto.
Maya maya may inabot sa akin na game controller na sing laki lang ng maliit na smartphone pero may kakaibang desenyo yung screen nito, parang holographic kapag in-on. Napagalaman kong solar powered pala yung game controller na ito kaya pwede magamit pa kahit wala nang kuryente ang mundo.
"Ang galing," bungad ko habang kinakalikot ko yung laruan, "nakakaaliw."
Para lang akong bata habang nilalaro ito at tumabi naman sakin si Zeke at niyakap ako sa likuran. Pinagmamasdan niya lang yung mga ginagawa ko sa game habang nakapatong yung baba niya sa balikat ko. Ang sweet niya talaga, di ko pagsasawaan ang lagi niyang pagiging sweet sakin. Nadidistract tuloy ako sa init ng katawan niya habang naglalaro ako.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...