CHAPTER 6- The Truth behind the Lies

10.7K 284 12
                                    

Hindi ako marunong magdrive kaya hinintay ko nalang si Zeke na magising ng tuluyan para makausap ko siya ng matino.

"Anong nangyari?" tanong niya habang hinihimas himas ang sentido niya sa ulo.

"Mahabang kwento pero buhay ang kapatid mo, buhay si Sophia," nanlaki ang mata ni Zeke at nabuhayan sa sinabi ko.

"Buhay siya? Nasaan siya?" at akmang bubuksan ulit yung pintuan sa driver's seat nang pinigilan ko siya.

"Wala siya dito," habang hinahawakan ko siya.

"Anong wala? nasaan siya?" halatang nawawalan na siya ng pasensya.

Nagbuntong hininga ako.

"May kumuha sa kanya, isa ring metahuman, ang alam ko lang nasa isang cabin daw 20 miles from here sa west side, kaya mo ba magdrive papunta doon?" tanong ko.

Nakita kong kumunot ang noo ni Zeke nang nasabi kong may iba pang metahuman maliban sa akin pero mas nanaig sa kanya ang makita ang sarili niyang kapatid kaya tumango siya. Pinaandar niya ang kotse at pinaharurot papuntang kanluran. Sabi derechuhin daw lang namin ang papuntang kanluran at may makikita kaming cabin sa gitna ng desyerto kaya pinagpatuloy nalang namin ang paglalakbay. Hindi naman kalayuan ang 20 miles kapag walang trapik, lalo nang nasa gitna kami ng desyerto kaya mga bente minutos din ang nakalipas nang may makita nga kaming parang lumang bahay. Walang bakas ng mga patay sa paligid namin which is a good sign. Pero kinakabahan pa din ako sa madadatnan namin sa loob, lalo pa't isang metahuman ang kakaharapin namin.

"Zeke, isang telepath ang may hawak kay Sophia kaya kung maari pwede ba kitang mahawakan?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko pero pinaliwanag ko na rin nang maintindihan niya.

"Kanina kasi madali niyang napasok ang isip mo, kung hahawakan kita pwede kong lagyan ng mental block ang isip mo at isara ito nang di niya madali daling makontrol ka," Nakita kong kumunot ang noo niya pero tumango din siya.

"Ok," sagot niya, "bakit kasi ang daming metahuman na nagkalat ngayon, no offense,"

Ningitian ko nalang siya. Alam ko namang naiiritar din siya sa pagsulpot ng iba pang metahuman. Di ko rin naman kasi akalain may iba pa na katulad ko. I was isolated my whole life diba? Nakakairitar nga naman ang iba nilang kakayahan na pwedeng ikapahamak namin.

Lumabas na ng kotse si Zeke at inihanda yung baril niya sa bewang niya. Inabot ko yung kamay ko sa kanya nang masimulan ko nang iblock ang mga isip namin sa telepath na nasa loob ng bahay. Ramdam ko kasi ang presence niya kahit na nasa labas kami, malakas na telepath nga ito.

Hinawakan ni Zeke ang kaliwang kamay ko at sinimulan ko nang lagyan ng mental blocks ito na di basta basta matitinag ng babaeng telepath. Kahit papano Class 3 telepath naman ako, mahihirapan pa din siyang makapuslit at bago pa niya tuluyang makontrol ang isa sa amin, totostahin ko muna siya hanggang sa maging abo.

Naglakad na kami papalapit sa may pintuan ng lumang bahay nang bigang bumukas ito at may lumabas na batang lalaki. Hindi muna kami gumalaw ni Zeke, halatang nagulat sa di inaasahang bata sa harapan namin. Isang musmos na bata na kasing edad ni Sophia. Ang liit niya at halatang inosente.

May dala dala siyang laruan na action figure at patuloy na naglalaro dito. Hindi kami pinansin ng bata, halatang hindi nakikipag eye contact. Pansin ko ang pagka autistic ng bata.

"Swooosh..." habang nilalaro sa ere yung action figure niya.

"Jeremy?" isang boses na babae. Nakilala ko yung boses na yun, ang babaeng telepath!

"Jeremy get inside and eat your lunch, we have guests," parang malumanay na utos nito sa bata.

Nakita kong tumigil sa paglalaro yung bata pero hindi pa rin nakikipageye contact samin ni Zeke. Tumakbo siya papalapit sa amin pero halatang walang gagawing masama at napakainosente nito. Tumigil siya sa harapan ko at hinablot yung laylayan ng damit ko na para bang kinukuha niya ang pansin ko kahit di siya nakatingin sa akin.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon