CHAPTER 9- McBenning

8.4K 237 10
                                    

Nagising kami nina Zeke na mataas at tirik na yung araw, tantya ko mga alas dyes na ng umaga. Hmm mukang pagod talaga kami at di namin namalayan na late na kami nagising. Nadatnan naming nasa front porch ng bahay yung bisita namin, pinagmamasdan ang kabuuang neighborhood na para bang look out. Di ko talaga maintindihan tong babaeng ito? Halatang walang survival skill sa zombie apocalypse. Matino bang maglook out sa labas ng bahay? Dapat nasa loob nalang siya at nakamasid sa mga bintana na binakuran ng tabla.

"Good morning, glad to see that you're finally awake," sarkastikong sabi ni Jessy. I rolled my eyes sa kanya tuloy.

"Sorry I guess we were just too tired," paumanhin ni Zeke pero tiningnan ko siya ng masama, bakit kami magpapaumanhin e siya yung nakisama sa amin, oh wait oo nga pala pupunta kami sa military base na safe place para sa mga survivors. Napabuntong hininga nalang ako.

"Let's get going," mandar ni Jessy.

Di naman na kami nagsalita pa at kinuha namin yung supplies na nakalatag lang sa living room. Dumikit naman sa aminng dalawa ni Zeke si Sophia.

Mga ilang oras din namin binaybay yung sementadong kalsada ng county area. Nakasabit sa bag ni Zeke yung isang galon ng tubig habang sa akin naman yung isa, muka kaming nagcacamping pero mainam nang handa.

"So do you know where we're going?" tanong ni Zeke kay Jessy.

"We were supposed to have a rendevouz point before I got lost, the plan was to look for supplies then head on to the meeting place at noon, we only have a few hours left to find it so we can join the group," paliwanag niya.

"Do you know by any chance where this rendevouz point is? And why can't we just head directly to the base?" tanong ulit ni Zeke.

Nakita kong nagalangan si Jessy, halatang may tinatago o nahihiyang aminin. Tiningnan ko siya ng maigi at napansin niya naman yun kaya di ko inalis ang mata kong mapangusisa kaya huminga siya ng malalim at nagpaliwanag.

"Because I don't know how to get there," nahihiya niyang sabi, "look I'm new to all these since it's my first time to be out of the base,"

Napataas tuloy ako ng kilay sa kanya, madaming tinatago tong babae na to. Halata sa kinikilos niya pero kahit na tempted akong pasukin ang isip niya, di ko ginawa. Marunong akong rumespeto sa privacy ng pagiisip ng iba kaya hinayaan ko na.

"Well do you know where this rendevouz point is?" tanong ni Zeke ulit.

"It's near an abandoned town's water station, do you guys know where that is?" tanong ni Jessy, aba ang loka di rin alam kung saan kami papunta, nu ba yan.

Napaisip ng malalim si Zeke halatang inaalala yung mga nadaanan namin bago mapadpad sa lugar na ito. Siya lang naman ang parang boyscout samin dalawa kaya nga siya nakasurvive ng ganitong katagal kasama kapatid niya. Maasahan talaga siya sa skills niya and hindi siya madali daling mag give up. Kaya siguro lalo nahuhulog ang loob ko sa kanya kasi kahit wala siyang kakaibang kakayahan, ang sarili niyang skills sa pagsurvive ang naghahatid ng security at peace of mind sa amin ni Sophia.

"I think I know where that is," biglang sambit ni Zeke, napalingon naman kaming dalawa ni Jessy sa kanya, "It's just right off the road outside this town, it'll be another 45 minutes walk I guess."

Hindi na nagreak pa si Jessy na walang alam, siguro kung wala kami ni Zeke baka nilapa na ito ng mga zombies. May something sa kanya kasi na parang di ko mapinpoint. She's like a spoiled brat?

Nauna nang maglakad si Zeke habang sumusunod sa kanya si Sophia. Nasa likuran lang nila ako at sa gitna ay si Jessy. Mahirap na baga may bigla lang lumabas na patay sa paligid namin at least makikita ko agad at nakabantay ako sa likuran namin.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon