Natulog kaming magkatabi ni Zeke sa sahig. Nakapatong ang kamay niya sa dibdib ko pero di ko na inalis pa ito. Di ko namalayan at napawi na pala yung bolang apoy na akala ko e magdamag na nakasindi sa ere. Siguro kapag unconscious ako e nawawala din ang bisa ng kakayahan ko, that makes sense.
Di ko alam kung umaga na o madaling araw pa lang, wala naman kasi bintana sa opisina ng manager kung saan kami natulog. Habang nakahiga ako at nakamasid sa dingding, di ko maiwasan isipin ang mga nangyari kahapon. Maliban sa lalong naging close kami ni Zeke, di ko maiwasan isipin ang ginawa ni Jeff. Iniwan lang niya ng basta basta si Zeke ng ganun? Ok lang kung ako pero sa tono ng pananalita niya, kaya niyang isakripisyo ang ibang tao para sa pansarili niyang kaligtasan? Madaming mamatay kapag sumunod sila dito. Di ko mapigilang magalit sa taong sanhi ng muntikan nang ikapahamak ni Zeke. Nagaalala tuloy ako kay Sophia, sana ok lang siya.
"Mmmm," gumalaw si Zeke sa pagkakahiga niya at lalo akong niyakap.
Napangiti ako sa kanya. Hindi pa rin ako sanay sa mga emosyong nararamdaman ko sa kanya.
"Gising ka na?" antok na tanong nito.
"Ngayon lang din," tipid kong sagot.
"Good morning," bati nito.
"Pano mo naman nalaman na umaga na?" tanong ko since madilim sa loob ng office.
"hindi ko alam, ala nga naman batiin kita ng good night," natatawa nitong sabi.
I rolled my eyes, palabiro din pala tong si Zeke.
KABLAG!
Natigilan kami pareho ni Zeke. May parang nabasag at natumba na bagay sa labas ng opisina. Napaupo na kami pareho, imposible naman may makapasok, chineck namin kahapon, sirado ang mga exits, maliban nalang kung bumigay yung roll up door sa entrance, mahinang klase lang kasi yun tsaka may isang bahagi na salamin lang ang pagitan sa loob ng Walmart at labas. Kum baga yung roll up door nakasara sa may entrance na mga pintuan, pero may malalaking bintana ang Walmart na kasing laki na pangwindow shopping na salamin.
Narinig namin ang ilang yabag ng paa sa labas. Shit nabasag nga ata nila yung salamin at nakapasok yung mga zombies. Buti nalang at di kami natulog sa may isle area kundi kanina pa kami inatake ng mga nun.
Ggrraaaaaawwwr
"Shhh," bulong ni Zeke.
Tinaas ko ang hintuturo ko at may maliit na bolang apoy na umikot hanggang sa lumutang ito sa ere na kasin laki ng holen lang. Sapat lang para makita namin ang paligid pero hindi gaanong kalakas ang sinag para makaagaw pansin. Mas matalas pa din kasi ang pangdinig ng mga ito, yun ang napansin ko.
"Paano tayo lalabas nito," bulong ni Zeke.
Wala naman kasi problema sa akin ang paglabas kaya ko naman sila tostahin gaya ng ginawa ko dati, ang problema kung sobrang dami nila. Kahit papano may risks pa din maipit kami at may isang makakagat sa amin. Shit problema nga ito.
Kung nasa open area kami medyo ok sana kasi may chance na hindi sila makalapit sa amin kahit madami pa sila. Gagawan ko nalang ulit ng barrier na nakapalibot sa amin yung apoy. Ang hirap kasi kapag nasa closed space ka, may tsansang madaganan ka ng mga dingding kapag magpakawala ka ng apoy.
"malapit lang diba yung exit dito sa office, pwede natin takbuhin palabas at kapag nasa labas na tayo wala na tayo masyadong problema kahit magkumpulan pa sila, susunugin ko nalang sila" sagot ko.
"Hindi ba pwede sunugin mo nalang sila dito sa loob?" tanong niya.
"Pwede pero mahirap, baka masunog din ang buong building at madaganan pa tayo, mas mainam na makalabas muna tayo,"
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...