MANUEL
Date? Sabi niya date daw? Oh shit kinakabahan ako at naeexcite. Pero alam ko namang yung term niyang date ay taliwas sa term kong date. Sadyang malambing lang talaga na kaibigan tong si Kiko, hays. Pero kahit ganun pinapairal ko pa din ang pagkadelusional ko kahit ngayon lang.
Kanina pa natapos yung klase namin ni Kiko at inihatid niya muna ako sa bahay namin, sabi kasi niya susunduin nalang niya ako maya maya since gabi yung napili naming time para manood ng sine. Sabagay para makapagbihis naman kami bago gumala, for sure manchichix nanaman ang mokong na yun sa gimik namin ngayon. Yun pa e lapitin yun.
Tiningnan ko muna yung relo ko mag aalasais na pala ng gabi. Nagayos na ako para sa date namin ni Kiko, este gimik pala hahays.
Matapos ko magayos at magpaporma, bumaba na ako ng hagdanan. Nadatnan ko naman yung dad ko na kakauwi lang galing sa business namin.
"Oh Eman bakit wala ka sa hacienda ng lola mo kanina?" tanong nito sa akin.
Napahawak tuloy ako sa leeg ko at parang naguilty, ngayon lang kasi ako sumuway sa utos ng mga nakakatanda, kainis kasi tong si Kiko.
"Ah eh, sorry dad may importante lang kasi ako na gagawin," pagsinungaling ko.
Nakita ko ang dissapointed look ng dad ko sa akin na nagpalungkot sa akin, sinabi ko na bang mataas ang expectations nila sa akin? Kaya ni katiting na dissapointment galing sa kanila parang mas matindi pa sa latigo na tumatama sa puso ko. Nanliliit ako sa sarili ko.
"Mas importante pa sa lola mo?" yung tono niya halatang di natutuwa.
Napayuko nalang ako at mabigat ang dinaramdam.
"I'm sorry dad," yun nalang nasambit ko.
Ramdam ko ang dissapointment niya sa akin na lalong nagpabigat sa loob ko. Ang hirap naman naman talaga kasi kapag madissapoint sayu ang mga magulang mo. Sabagay only child kasi ako kaya mas mabigat ang epekto nito sa akin. Yung tipong kailangan ko i-please sila always, hays.
Nakita kong lumapit sa akin si Manang na bakas ang pagaalala sa muka nito.
"Iho ok ka lang ba?" tanong nito sa akin.
Parang lola ko na rin kasi tong si Manang eh, mabait talaga siya sa akin at kadalasan siya naman talaga ang nakakasama ko sa bahay.
Tumango nalang ako kahit hindi talaga.
Hinawakan ni manang yung kamay ko saka nagsalita.
"Intindihin mo nalang daddy mo, mahal na mahal ka talaga ng mga magulang mo, sayo lang naman talaga napupunta ang lahat ng pansin kasi nagiisa kang anak at apo ni Donya Esmeralda," pagpapagaan ng loob nito sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat Nang ha," medyo gumaan na ang loob ko.
"Ay nako iho wala yun, nga pala yung kaibigan mo nasa labas ng gate naghihintay na sayo," pahabol ni Manang na nagpakunot sa noo ko. Bakit ayaw niya pumasok e kaninang umaga lang kung makaasta e dito siya nakatira, hays tong si Kiko talaga.
Nagpaalam na ako kay Manang at naglakad papunta sa gate namin na may kalayuan sa main house. San ka ba e may malaking oval sa harap ng bahay at bermuda grass kaya medyo may kalayuan ang main gate sa house. Kung sino mang nagisip ng architecture ng bahay ay halatang pinapahirapan ang mga maid namin para pagbuksan kung sino man ang papasok sa gate, hays.
Binuksan ko na yung daanan ng tao na pintuan sa napakalaking white gate. Tumambad sa akin si Kiko na nakapustura at poging pogi sa suot niya habang nakasandal sa hood ng kotse niya. Nakajacket pa ang ungas kung aakalain mo artista ang loko. Sabagay papasa naman artista tong bestfriend ko. Sumali kaya siya sa PBB teens, ay huwag na pala baka dumami pa kaagaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...