CHAPTER 7- Metahumans

11.6K 269 13
                                    

Inimbitahan kami ni Wanda na magpalipas ng gabi sa bahay nila. Napagalaman namin na isang Class 5 Empath pala si Jeremy, kaya niyang kontrolin ang mga emosyun sa paligid niya, ang nakakatakot lang ay dahil nga Class 5 siya, hindi lang yun ang nagagawa niya. Naranasan niyo na bang masunog ng buhay, kinoryente, binalatan ng buhay at binuhusan ka ng isang baldeng asin? Gawin niyong sampung beses pang malala sa mararamdamang sakit, yan ang kayang gawin ni Jeremy. Ang istimulate ang libo libong pain receptors sa katawan ng tao na sabay sabay at nagiinduce ng neurogenic shock na pwedeng ikamatay mo, a painful death, literally.

Katakot takot na abilidad na taglay ng isang autistic na bata. Kaya pala sabi ni Wanda na huwag pasumpungin yung bata kasi baka mamilipit ka nalang sa sakit sa sahig pag nagkataon.

May guest room naman sina Wanda na pinagamit samin nina Zeke. Siguro di naman kailangan ng psychic power niya para malaman na meron namamagitan sa amin ni Zeke, pero di na niya pa ito inusisa pa.

Natutulog na si Sophia sa kama at nasa sahig ako, may ginawang make shift bed. Tiningnan ko yung locket na binigay sa akin ni Wanda. Hinimas himas ko yung bilog na locket na kulay silver. Pagmamayari nito ang original ko, bakit parang wala man lang ako maramdaman na hatak o lukso ng dugo man lang tulad nang kapag kadugo mo ito. Sabagay, hindi naman ako anak niya, isa akong clone. SIYA ay AKO.

Napabuntong hininga nalang ako nang may tumabi sa akin at yinakap ako sa likod.

"Ok ka lang ba?" tanong ni Zeke.

Bumilis ang tibok ng puso ko, kahit kailan talaga di ko to makakasanayan, iba sa pakiramdam, ang saya ko kapag kasama ko si Zeke, parang baliwala ang mga panganib na kinakaharap namin bastat magkasama kami. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Ang saya ko kapag kasama kita Zeke, bakit kaya?" inosente kong tanong.

Nakita kong ngumiti sa akin si Zeke na para bang natuwa siya sa sinabi ko. Ang lalim ng titig niya sa akin, yung tipong ramdam kong espesyal ako sa kanya.

"Hayaan mo lang sarili mo maging masaya, kung ang nararamdaman mo ay pareho ng sa akin, ang tawag doon ay pagmamahal," bulong nito sa tenga ko na siyang ikiniliti ko.

"Pagmamahal?" binigkas ko yung salitang yun na para bang inuunawa ko, tama nakita at naramdaman ko na man na ang saloobin ni Zeke sa akin e, parehong pareho ang nararamdaman namin sa isat isa, "Mahal nga siguro kita Zeke."

Naramdaman kong lalong lumakas ang tibok ng puso niya. Isang kakaibang init na walang katulad sa apoy ko. Isang init na nakapagpapasaya sa akin at nagpapatalon sa puso ko. Ito nga siguro ang pagmamahal na sinasabi ni Zeke.

Nilingon ko pa siya lalo at nakita ko naman sa mata niya ang matinding emosyun na nararamdaman niya para sa akin. Napatingin ko sa mga mapupula niyang labi at napakagat ako sa labi ko. May kung ano sa akin na nagudyok para halikan ko siya. Napapikit kami pareho habang nilalasap ang bawat mapupusok naming halik. Nakakaadik talaga tong si Zeke halikan. Hindi ako nagsasawa, ang sarap niya kasing halikan.

Bumitaw na kami sa halik at ramdam namin sa isat isa ang naguumapaw na pagmamahal na kailanman di ko papakawalan pa.

"So ano yang kwintas na yan?" biglang tanong ni Zeke habang yakap yakap niya ako sa likuran.

Tiningnan ko ulit yung kwintas at inangat to para makita namin pareho ni Zeke.

"Di ko alam, binigay sakin ni Wanda, sabi niya galing to kay Manuel yung original ko," naramdaman kong lalong humigpit yung yakap sa akin ni Zeke.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga bago hinalikan ang balikat ko na tila ba naglalambing.

"Alam mo Vincent, huwag mong isipin na isa ka lang kopya o siya ay original, di yun importante. Ang importante buhay ka at may sarili kang pagiisip, so what kung pareho kayo ng genes ng Manuel na yan, hindi siya ikaw at lalong lalo naman hindi ikaw si Manuel. May sarili kang identity and ikaw si Vincent Sandoval, ang lalaking mahal ko. Ang lalaking inosente at alam kong mabait. Lagi mo tatandaan yan Vincent."

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon