Unti unting nagkaroon ng lamat sa pagkakaibigan namin ni Kiko. Hanggang ngayon di pa rin kami nagpapansinan masyado. Wala naman akong pakialam sa kasal na yan na iniisip ng mga pamilya namin, hinayaan ko na sila sa gusto nila.
Nasa loob ako ng kwarto ko ngayon habang pinagmamasdan yung locket na binigay sa akin ni Kiko. Di ko mapigilang malungkot habang pinagmamasdan ito. Hinimas himas ko ito at pinindot yung lock at sabay bukas yung locket. Kita ko ang picture ko sa kaliwa at sa kanan naman ay si Francheska. Napabuntong hininga ako.
Ang totoo niyan di ko kayang itapon ang picture ni Kiko kaya ang ginawa ko pinatungan ko lang yung picture niya ng picture ni Cheska para kahit papano andyan pa din siya. Pinahiran ko yung namumuong luha sa mata ko. Nasasaktan kasi ako sa nangyayari sa amin.
Ilang buwan na pala ang nakakalipas nang nagsimula yung pagbabago kay Kiko. Hindi ko na nga siya maintindihan e. Huminga nanaman ako ng malalim.
"Eman! Eman..." natatarantang tawag sa akin ng mom ko sa baba.
Napabangon ako bigla sa higaan ko, hindi basta basta natataranta si mommy kaya nung narinig ko siyang tinatawag ako, bumaba na agad ako sa sala.
Nadatnan kong nasa telepono pala si mommy habang natatarantang kinakausap kung sino man ang nasa kabilang linya.
"Bakit ano meron mommy?" pagtataka ko, ayaw ko naman magpanic na tulad niya.
Nakita kong binaba na niya yung telepono at tiningnan ako.
"Yung anak ng Tita Ruth mo, naospital," biglang bungad nito na ikinagulat ko.
Mom nila Kiko at Francheska si Tita Ruth so ibig sabihin either si Kiko or si Cheska yung nasa hospital ngayon kaya nataranta na rin ako.
"Sino ho?" halatang di na rin mapakali.
"Si Francis," sagot nito na biglang naramdaman ko nalang na gumuho ang mundo ko.
Kahit inis ako kay Kiko, syempre di ko pa din mapigilang magalala kaya di na ako naghintay sa sasabihin ni mommy at nagtungo na ako sa labas para hanapin si Mang Berto, sumunod naman si mommy sa likuran ko habang tinatawagan niya si daddy para ipagbigay alam kung saan kami pupunta.
Si mommy na ang nagbigay direksyon kay Mang Berto kung saan kami pupunta na hospital. Umupo lang ako sa backseat habang pinagmamasdan ang mga gusali at sasakyang dinadaanan namin. Lumilipad ang isip ko sa mga nangyari sa amin ni Kiko for the past few months. Kahit ganun, hindi pa din nawala ang pagmamahal ko sa kanya kaya lalong sumukip ang dibdib ko nang maalala yung sinabi ni mommy kanina lang, nasa hospital si Kiko.
Nakarating na kami sa hospital at agad agad naman kaming nagtanong sa receptionist sa kwarto ni Kiko. Pinagbigay alam naman niya kung saan ito at hindi na nagaksaya ng oras na tinungo namin.
Nadatnan naming andun lahat ang pamilya ni Kiko, nasa labas sina tito, tita at Cheska habang hinihintay ang paglabas ng doctor sa silid niya. Nasa ICU kasi siya and nang malaman ko ngang nasa ganung lugar siya mas lalo akong nabahala.
"Ok ka lang ba mare?" tanong ni mommy kay tita.
Halatang humahagulgol pa din si tita habang bakas sa muka nila tito at Cheska ang sobrang pagaalala.
"Hindi ko alam bakit siya nagkaganito, nawala lang siya ng ilang araw, akala namin gumigimik nanaman at nadatnan nalang namin siya sa sala na sumusuka ng dugo at nagaapoy na lagnat," paliwanag ni tita.
Ano bang nangyari kay Kiko? Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lalong magalala sa kanya. Sana ok lang siya.
"Ano sabi ng doctor?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomansaPinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...