CHAPTER 21- ENDING

10K 296 142
                                    

5 months later

 

 

 

Nagising ako sa isang kaluskos sa labas ng bahay na pinagtataguan ko. Umaga na rin pala, di ko man lang namalayan. Bumangon ako sa hinihigaan ko at dahan dahang dumungaw sa bintana sa 2nd floor ng bahay. Kita ko ang mangilan ngilan na zombies na pakalat kalat sa labas, buti nalang at nasara ko yung pintuan sa baba. Kung hindi kami magiingay for sure aalis din yung isang zombie na yun. Ganun naman talaga lagi, kailangan lang namin maging tahimik magdamag at babaliwalain din kami ng mga zombies na yan.

"Oh great you're awake, how're yah feelin' ?" napalingon ako sa likuran ko at nasa door way ang isang di katandaan na lalaki na may balbas.

"Fine I guess, I still feel like crap though," sinabi ko lang ang totoo.

"Well we need to go, I think more of them are coming, anytime soon they'll get inside the house," mahinahon na sabi ng lalaki.

Tiningnan ko ulit yung labas ng bahay, oo nga, padami na ng padami sila. Ano kaya ang naguudyok sa kanila para matunton kami? Ingay? Siguro pati na rin sa amoy, naamoy din kaya nila ang dugo namin, ewan.

Nagbuntong hininga nalang ako at lumingon ulit sa lalaki.

"Alright," tumango na ako sa kanya.

Siguro panahon na para umalis ulit. Ganito ang buhay ko for the past months, palipat lipat ng matitirhan para lang di kami makagat ng mga zombies.

I honestly don't know kung ano ang nangyayari sa mundo, nung nagkamalay ako, ni isang ala-ala ay wala ako. Sila lang ang kauna unahang nilalang na naencounter ko nang nagkamalay ako.

"Let's go Jeremy!" sigaw niya sa anak niya.

Lumapit sa amin ang isang anak niya na medyo may pagkaautistic pero magaan ang loob ko sa kanya. Para kasing nakababatang kapatid ko na siya e.

Hinawakan ni Joseph si Jeremy at inabot ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko naman ito at alam ko na ang sunod na mangyayari. Hinigop kami sa kawalan at biglang nagiba yung paligid at dinala kami sa isang suburban neighborhood nanaman pero halatang inabandona ulit ito, kagaya ng mga naunang neighborhood na aming pinagtataguan ng ilang araw lang.

Alam kong dapat magtataka ako at matatakot kapag may ganong tao ako na makilala. Hindi ordinaryong tao si Joseph at sa pagkakaalam ko ganun din ang anak niya.  Kung bakit ako napasama sa kanila? Yun din ang malaking palaisipan sa akin. Wala talaga kasi akong maalala kahit ano. Ni pangalan ko nga di ko matandaan kung di pa sinabi sa akin ng taong ito. Mukang kilala nila kasi ako.

"Let's stay on this house for a while, it seems secured enough," utos ni Joseph.

Tumango nalang ako.  

Hinawakan ni Jeremy kamay ko at hinila ako papaloob ng bahay. Isa sa ikinatutuwa ko kay Jeremy ay hindi siya naiilang sa akin na dapat e typical sa mga autistic children. Kumportable siya sa akin kaya mas lalong nakagaanan ko ng loob ang mag-ama.

Nang pumasok na kami sa bahay, sinigurado muna naming walang mga patay na nasa loob. Nang all clear yung bawat kwarto, sinimulan na naming ireenforce yung mga bintana at mga pintuan nang sa ganun e maging tirahan namin to for the next few weeks, hanggang sa kailangan na nanaman ulit namin lumipat.

Napansin kong malamig yung loob ng bahay sa gabi. Kalagitnaan na kasi kami ng winter at nung isang araw nga e nagsnow pa sa lugar na pinagtataguan namin. Kung di pa sinabi sa akin n Joseph ang lahat ng tungkol sa akin, di ko malalaman na isa rin pala akong metahuman kagaya niya. Isa raw akong pyrokinetic at kaya kong kumuntrol ng apoy. Sa unang mga buwan na natagpuan nila ako, di ko masyado makuntrol ang apoy na sinasabi nila. Para kasing naninibago ulit ako at naalala ko pa, nung tinangka kong gumawa ng apoy nagliyab sa ibat ibang direksyon ang kulay asul na apoy na ikinatakot ni Jeremy, buti nalang e makalipas ng ilang buwan medyo nakasanayan ko ang kakayahan ko.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon