Ayoko mapahamak si Zeke. Kaya sa isang iglap nagliyab ang katawan ko. Uminit ang paligid at dumaloy yung apoy galing sa katawan ko pumalibot sa lupa na kinatatayuan ko. Ang tindi ng init na halos ang mga bakal ay nalusaw malapit sa akin. Ramdam ko ang lakas ng pwersa ng apoy na dumadaloy sa katawan ko.
Nakita kong papalapit ang ilang zombie kay Zeke kaya sa isang iglap nabalutan sila ng kulay asul na apoy at nagliyab. Para silang nagdisentigrate sa hangin at kumalat ang abo. Nakita kong natulala si Zeke sa nakkikita niya pero mas importanteng masalba ko buhay niya.
GraAAAAAr!
Pinalakas ko ang pwersa ng apoy na nakapalibot sa katawan ko at parang isang bombang sumabog na halos lusawin at gawing abo ang bawat bagay o bangkay na madaanan ng asul na apoy ko. Pero bago pa man makarating kay Zeke yung apoy, parang may sariling buhay ito at pumalibot lang sa kanya para di siya masama sa pagtupok ng mga zombie na nakapalibot sa amin.
Sa ilang segundo lang, naubos lahat ng bangkay na nakapalibot sa amin, ni buto nila walang makita kundi ang mga itim na abo nalang na nagkalat sa hangin. Hindi ko pa din pinatay yung apoy pero kinuntrol ko ito para mawala sa katawan ko kundi pumalibot lang sa amin ni Zeke habang naglalakad ako papunta sa kanya. Gumawa ako ng sariling barrier ko na walang pwede makalapit sa amin. Parang sumasayaw sa hangin yung kulay asul na apoy na pumapalibot lang sa amin mga ilang metro ang layo. Kita ko naman na ang ibang zombies na nagtatangkang lumapit e natotosta agad at nagiging abo bago makapasok sa loob ng circle na apoy.
"Pano mo nagagawa ito?" gulat at takang sabi ni Zeke, bakas sa muka niya ang di pagka paniwala sa nakikita niya.
"Saka na ako magpapaliwanag sa ngayon di pa tayo ligtas, tara na," inalok ko yung kamay ko sa kanya. Nakita ko ang pagalinlangan sa mata niya pero kinuha din naman niya ito at hinawakan ito.
Nang hinawakan ni Zeke yung kamay ko, naglagablab lalo yung nakapalibot na apoy sa amin at tumakbo na kami papalayo sa lugar na yun. Parang may sariling buhay yung asul na apoy na nagbigay daan sa amin palabas ng circular barrier nito. Maya maya e unti unti din itong napawi na parang tinangay ng hangin.
Pumunta kami sa walmart, yun lang kasi ang medyo di masydo crowded ng zombies. Bumalik kami sa likuran kung saan nakita namin ang mangilan ngilan na patay na pakalat kalat lang. Isa isa ko silang sinunog, bawat tingin ko sa kanila, nagliyab agad ang mga katawan nila ng asul na apoy at sa isang segundo lang e naging abo sila. Yung tipong tulad sa bampira kapag binilad sa araw e biglaang nasusunog ang kalamnan nila hanggang sa maging alikabok nalang sila. Yun nga lang mas matindi pa yung nagagawa ko kasi parang halos lamunin sila ng asul na apoy ko.
Nakarating kami sa backdoor na pintuan kung saan kami nanggaling kanina ni Zeke, hindi naman lock yun kaya pumasok na kami.
Block yung entrance ng Walmart kasi nakasara yung roll up door nito at alam kong nakaweilding yung isang exit sa kabila namin kaya ang tanging pwedeng pasukan lang ng mga patay ay yung pinagdaanan namin. Buti nalang at may lock ito kaya nilock ko na yung pintuan.
Lumingon ako kay Zeke, kitang kita ko na pawisan siya, siguro sa init na rin at walang humpay na pagtakbo makatakas lang sa mga patay.
"Nasisiraan ka na ba?" napasigaw ako sa kanya habang hawak hawak ko ang mga balikat niya, "Pano kung nakagat ka, o di kaya namatay, bakit ka ba nagpaiwan?"
Nakita kong nagalit din siya, siguro stressed lang kami pareho.
"Pasensya ha, ako na nga tumulong ako pa napasama," inis na sambit nito.
Napabuntong hininga nalang ako.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya, hindi naman sa galit ako sa kanya, galit ako kasi pano kung napahamak nga siya. Nagaalala ba ako?
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomansaPinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...