VINCENT
Mabigat sa loob ko na gamitin ang telepathic ability ko kay Zeke. Alam kong pinangako ko sa sarili ko na di ko na yun gagamitin sa kanya kahit kelan pero wala akong choice. Alam ko kasing makikipagdiskusyon lang siya para manatili sa lugar na ito. Nilalagay ko lang sa panganib ang buhay nila. Kaya kahit masakit man sa puso, I have to let him go.
Ginamit ko ang telepathic ability ko kay Sally. Pinakita ko sa kanya yung memories ko kay Manuel. Gusto kong dalhin niya yung sinasakyan nilang eroplano sa Aklan, may gut istinct kasi ako na safe ang lugar na iyon. Kung kumalat man ang zombies sa mundo, mahihirapan kumalat yung virus na yun sa isang bansang hiwa hiwalay ng pulo. Kung may naapektuhan man sigurado ako yung mga major cities na may international flights ang unang bumagsak. Manila, Cebu, Davao, major cities ng pinas na alam kong hindi safe sa zombie apocalypse. I guess we'll take our chances na safe nga ang ibang isla sa pinas na malayo sa mga major cities. Sana nga mailigtas sina Zeke at Sophia.
GraaaaaaaaaaWR!
Naputol ang pagmumuni muni ko nang may papalapit na mga zombies sa paligid ko. Di ko na kinailangan pang gumalaw, hindi ko na rin kailangang magself control sa kakayahan ko. Wala na rin naman nang natira sa lugar na ito kaya wala na ako pakialam sa lakas ng apoy na kaya kong gawin kapag di ko limitahan ang sarili ko.
Tiningnan ko lang yung mga lumalapit na zombies na may halong lungkot. Isang babae at binata, halatang isa sa mga survivors sa lugar na ito bago sila minalas at makagat ng mga patay, hays.
Graaaaaaaaawwwwr.
Ilang dipa nalang sila sa akin at parang baliwala pa rin sa akin ang presensya nila. Naglakad na ako papunta sa harap at nagliyab yung dalawang zombies habang nilampasan ko lang sila. Di ko na kailangan pa lingunin ito, abo rin naman ang kahihinatnan nila.
Alam ko kung saan ako papunta, sa isang pwersang kilalang kilala ko, kay 01.
Bawat zombies na pumapalibot sa akin at biglaang lumiliyab at nagiging abo, ni hindi ko na nga sila pinapansin pa.
Buti nalang at hinayaan ni 01 ang eroplanong makatakas sa lugar na ito. Siguro hindi na niya ito pa pinakialaman kasi nagpakawala ako kanina lang ng isang napakalakas na pagsabog ng apoy na halos lamunin ang lugar para lang di makita ni 01 yung umaandar na eroplano sa airfield. Sinadya ko talagang palakasin at pataasin na kasing laki ng isang 7 storey building yung asul na apoy na bumabalot sa paligid. Kalat kalat yung apoy kaya nagmistulang binomba yung base na ito sa unang tingin habang pakalat kalat din yung mga patay na naglalakad dito.
Nakita ko sa di kalayuan ang isang hugis bola na force field na pinapalibutan ng asul na apoy ko. Buti nalang at nadistract ko sila bago mapansin ni 01 yung eroplanong papalayo na sa himpapawid.
Nang maramdaman ko yung parang pinipigang sakit sa ulo ko, narealize ko di pala magisa si 01. Kasama din niya pala yung telepath na si Beth.
"Finally, I've found you 008," biglang nagexpand yung force field ni 01 para mapawi yung apoy ko palayo sa kanila. Tsk, ang lakas pala talaga nitong si 01. Kung tutuusin, mukang dehado ako sa kanya.
Kaya kong kumuntrol ng apoy, given na yan pero kaya naman niyang kuntrolin ang kahit anong bagay. Mahirap na kalaban ang isang telekinetic na metahuman lalo pa't Class 5 to.
"My name is Vincent, don't you ever forget that," matigas kong sabi habang nagpakawala nanaman ako ng rumaragasang apoy sa paligid at nilamon ang grupo ni 01 ng apoy ko.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...