CHAPTER 11- The Past

8.2K 185 22
                                    

Year 2014

 

 

MANUEL

 

 

"Eman bilisan mo na diyan, diba may pasok ka?" tawag sakin ni mama  sa baba.

Kanina pa ako natapos magayos papunta sa local college namin dito sa Aklan. Actually nakapasa naman ako ng mga entrance test sa Manila for college kaso ayaw talaga ng ermats ko na papuntahin ako doon, siguro kasi ako lang ang kaisa isang tagapagmana ng hacienda namin sa probinsya ng Aklan. Masasabi kong mayayaman ang angkan namin kaso nga lang minsan nakakasakal din ang mga expectations nila sa akin. Buti nalang at andyan ang bestfriend kong si Kiko.  Siya lang naman talaga ang nakakaintindi sakin at kadamay ko sa mga kaemohan ko sa buhay. Masasabi kong mayaman din ang angkan nila Kiko, sila kasi ang may ari ng ilang business establishments dito sa Aklan at pulitiko din ang iba niyang kamaganak.

Narinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto. Kahit kelan talaga hindi makapaghintay ang mom ko.

TOK TOK TOK

"Andyan na," kakulit oo.

Pagbukas na pagbukas ko nagulat ako, si Kiko pala at nakabihis na rin siya ng uniporme niya. Same college kasi na pinapasukan at ang totoo niyan pinili ko ang exact same course niya kasi nandoon siya. Tama matagal na akong may lihim na pagtingin sa bestfriend ko. Kababata ko kasi siya at halos lahat ng sekreto ko alam na niya, except lang yung sexualidad ko. Straight ako sa paningin niya at wala naman akong balak ipaalam sa kanya ang totoo. Bakit kamo? Kasi kung malaman niya yun, alam ko namang di niya ako iiwan, kaya mas lalo lang akong mahihirapan sa nararamdman ko sa kanya. Mas maganda na ito, straight bestfriends ang turingan, pero minsan may pagka pilyo at mahilig sa bromance tong si Kiko kaya lalo ako nahuhulog sa kanya e, tsk.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya na pangisi ngisi lang sa pintuan ko.

"Sinusundo kita," sabay kindat ang loko.

Ano ako babae para sunduin niya, kahit kelan talaga tong si Kiko may pagkaweird din e.

"Di mo na ako kailangan sunduin, ihahatid ako ni Mang Berto," at lumabas na ako sa kwarto naglakad pababa ng hagdan.

Sumunod naman si Kiko sa akin.

"Sa akin ka na sumabay dala ko naman kotse ko, tara na," at hinila ba naman ako sa kamay hays, kakulit talaga.

"Di pa nga ako kumakain ng breakfast at minamadali mo na ako, mauna ka nalang kasi," pangungumbinse ko sa kanya.

Nagpout naman tong si Kiko, hay nako nagpapacute nanaman tong bestfriend ko.

Alam na alam niya kasi na di ko siya matatanggihan kapag ginaganun niya ako grr.

"Fine oo na sasama na ako, happy?" bulalas ko na nagpangiti sa kanya na abot tenga talaga, hankyut lang hays. Sana akin nalang siya,tsk.

"Oh Eman di ka pa ba kakain ng breakfast pinaghanda ka ni Manang Lucy," tawag sa akin ni mama at napansin niyang andito din si Kiko, " kumain ka na rin Kiko, sabayan mo na si Eman,"

Tumango naman ang ungas, kahit kelan talaga wala siyang hiya, kung lumamon pa naman nito e daig pa ginutom ng isang buwan. Pero huwag ka, ang ganda ng katawan ng ungas na ito, ang yummy kapag nakatopless na, shit ano ba tong pinagiisip ko. Umiling nalang ako nang maiwaksi ko sa isip ko yung pinagnanasaan ko.

"Tara na tol," at inakbayan niya ako, amoy ko ang pabango niya na nagpainit ng katawan ko, "kain muna tayo mukang masarap ang ulam ah."

"Patay gutom," bungad ko sa kanya, ngumisi lang naman siya.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon