Ilang araw din ang nakalipas at napansin ko ang panglalamig na pakikitungo sa akin ni Kiko. Kahit man lang sa paglalambing niya bilang bestfriend na lang ay tuluyan na ring nawala. Sobra akong nalungkot sa ginagawa niya. Oo nga at pinapansin niya ako, hindi naman niya ako nilalayuan pero ramdam ko yung wall sa pagitan namin e. Kahit di na niya sabihin pa, ramdam ko yun tsaka kahit ganun ang inaasta niya, minsan nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot din. Ibang iba na si Kiko sa dati kong kaibigan.
"Manuel," tawag sa akin ni Francheska habang nakaupo lang ako sa isang bench ng skwelahan namin na magisa, "Nasan si kuya bakit mag-isa ka lang?"
Hindi ko alam pano sasagutin ang tanong niya, nasan nga ba si Kiko. Minsan kasi bigla bigla nalang yun nawawala at di namin mahagilap. Kung makita man namin parang sobrang pagod at ang laki ng pinagbago niya.
"Di ko alam," yun nalang nasabi ko na may halong lungkot sa tono ko.
Nakita ko namang di na nagusisa pa si Francheska.
"Uhm gusto mo magmeryenda muna tayo?" alok ni Cheska sa akin.
Napatingala ako sa kanya at medyo nahihiya pa siyang alokin ako. Why not? Gutom na rin naman na ako.
"Ok," yun nalang nasagot ko at nakita kong nagblush tong si Cheska, nagkibit balikat nalang ako.
Ang boring ng hapon ko, after namin kumain ni Cheska pumasok na ulit siya sa klase niya. Ako naman eto papunta sa next subject ko. Hindi na ako nagulat at absent nanaman si Kiko. Napapadalas na ang pagabsent niya ah, nagaalala na talaga ako pero kahit anong kulit ko kay Kiko puro segway naman ng usapan, hays. Minsan gusto ko nababasa ko ang isipan niya, kaya ko lang naman gawin e tostahin ang paligid ko tsk.
Umuwi nanaman ako ng bahay na walang gana, di ko kasi nakasabay si Kiko at ang saklap pa nun e wala man lang text o tawag galing sa kanya. Kung tinatawagan ko naman e out of coverage area, hay nako.
-----------------
Mga ilang araw din na ganun ang set up namin, hindi pa rin ako nasasanay kasi miss ko na ang bestfriend ko. Nasa hapag kainan kami nina daddy at mom ko.
"Eman," tawag sa akin ni daddy na nagpatingala sa akin nang makita ko siya ng maayos.
"Bakit po?" tanong ko.
"Tumawag ang dad ni Francheska," panimula nito.
"Oh bakit, ano meron po?" pagtataka ko.
"Napagkasunduan namin na ikasal kayo ni Francheska, tutal nasa hustong edad naman na kayo tsaka makakabuti to sa business natin since magmemerge ang dalawang angkan," pasabog ni daddy na nagpatulala sa akin.
Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko, galit? Inis? Pagtutol? Hindi man lang nila inisip kung ano yung nararamdaman ko at yung desisyon ko?
"Dad 2014 na tayo, hindi kaya medyo old fashioned na ang arranged marriage?" protesta ko.
"Look Manuel we don't care kung anong taon na or di uso ang arranged marriage pero nang sinuggest to ng kumpare ko, I have to admit my point siya, ikabubuti to ng dalawang pamilya tsaka," natigilan muna siya at tumingin sa akin ng seryoso, "ideya to ni Francis, di ko nga alam bakit yung anak pa ni kumpare ang naudyok sa kanya na ipakasal si Francheska sayo,"
Napanganga ako sa narinig ko. Ano daw? Si Kiko ang nagpumilit sa kanila na ikasal ako sa kapatid niya. Nangngitngit ako sa galit, di ko namalayan napahawak na ako sa tinidor ko ng sobrang higpit na halo mamuti na yung kamao ko. Naiinis na ako sa Kiko na yun, pati pakiramdam ko pinapakialaman na niya. Sino siya para magdikta kung sino mamahalin ko, ipagpilitan talagang ikasal kami ni Cheska na alam niyang di ko yun mahal. Ano bang pumasok sa kukote niya at nagawa niya ito sa akin.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...