CHAPTER 3- The Unexpected

14K 338 24
                                    

"Let's go!" utos ng nakakainis na Jeff. Kung makaasta parang hari harian e.

Nagpaalam na si Zeke kay Sophia at sumakay na ako sa sasakyan nila. Pinahiram na rin ako ni Zeke ng kanyang damit since magkasing build lang naman kami.

"Here you'll need this, do you know how to handle this?" binigyan ako ng isang baril, sa totoo lang di ko naman kailangan nito pero since ayoko malaman nila na metahuman ako tinanggap ko na rin. Tumango nalang ako sa kausap ko kahit di ko alam pano gamitin to, besides if worst scenario comes ako na mismo ang tutupok sa mga zombie na sinasabi nila.

Nakita kong may baril din si Zeke at isang jungle knife na nilagay niya sa belt niya.

"Marunong ka bang gumamit ng baril?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan e, kaya natutunan na rin pero as much as possible bro huwag natin gamitin to, mas lumalapit kasi sila kapag maingay,"

Tumango nalang ako.

"Kahit anong mangyari huwag kang aalis sa tabi ko," sabi niya sa akin, napataas ng kilay tuloy ako sa kanya.

Binaling nalang niya atensyon niya sa harapan.

Hindi naman ako sumagot kaya nagsalita ulit siya.

"Ayoko lang mapahamak ka," dagdag niya.

Sa loob ko natuwa ako sa sinabi niya, kahit papano hindi tulad nung nasa lab ako, kulang nalang idisect ako pero heto isang tao, ayaw niya ako mapahamak? Nakakapanibago lang ng feeling. Di ako sanay pero nagustuhan ko naman.

"Ok," yun nalang sagot ko sa kanya kaya napangiti siya.

Mga ilang minuto din ang tinahak namin na byahe at nakapasok na kami sa may highway entrance ng syudad. Kitang kita ko ang nagkalat na mga sasakyan at parang inabandona na. Nagmistulang ghost town yung highway, ni isang tao wala kang makikita.

Pinatay na rin sa wakas yung makina ng sasakyan na kinapapalooban namin ni Zeke, sumunod din naman yung nakaconvoy sa amin. Bali tatlong sasakyan kami. Nasa gitna kami kasama ang isang lalaki na african american. Sa unahan si Jeff at may ksama din siyang isang lalaki. Sa likod namin may dalawa din kami kasama, so bali pito kaming lahat, ganyan ka konte kami. Mabuti nalang may ilan din naman kababaihan na nagbabantay sa camp site.

Narinig kong lumabas ng sasakyan si Jeff sa unahan kasama ang buddy niya. Lumabas na rin kami ni Zeke at yung kasama namin sa sasakyan.

"We'll head on foot from here, noise will attract them to us, it's best if we walk in get our supplies and walk out, simple and easy, got it?" mandar ni Jeff. Di na ako nagsalita pa, wala naman kasi ako pakialam sa kanya, sinisigurado ko lang hindi maging suicide tong gagawin nila.



Nakatago ang baril na binigay nila sa may sinturon ko. Di ko naman talaga kailangan to. Naglakad na kami papunta sa may papaloob ng highway na papasok sa syudad. Dahan dahan kaming naglakad na para bang pinagmamasdan namin kung may biglang susulpot na panganib pero sa awa ng Diyos wala naman.

Nakakailang minuto na rin kami na naglalakad nang may marinig kami na yabag ng paa sa bandang kaliwa namin.

Sumenyas si Jeff na magtago kami sa mga nagkalat na inabandonang sasakyan kaya sinamahan ko si Zeke sa likuran ng pulang Honda Civic.

Nakita namin may tatlong zombie na paika ikang naglalakad na parang wala sa sarili. Ramdam kong ang pagpigil ng hininga ni Zeke para di makagawa ng kung anong ingay. Kita ko sa kanan na nakatago din yung iba naming kasamahan.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon