Ilang oras din naming binaybay yung kalsadang pabalik sa kampo. Una kong napansin yung pagkonti ng mga zombies sa paligid nito. Siguro effective nga masyado yung nagawa namin Zeke. May ilan pa ding pakalat kalat na naglalakad sa mga eskinita pero di na namin pinansin at patuloy na dumerecho sa base.
Una kaming nakita nung sundalong nagbantay bago kami palabasin. Huminto kami sa harap ng gate.
"Are you going to let us in?" tawag ko sa kanya.
Mukang wala pa atang balak papasukin kami sa pagmumuka niya, sabagay di ko naman siya masisisi, ikaw ba pagsabihan na papasabugin ka ng granada, sino matutuwa dun diba? Pero no choice e, malapit na kaya kaming maover run ng zombies kung di namin ginawa yun ni Zeke. Nang di pa gumagalaw yung sundalo, magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa kanya sa loob. Sumaludo naman ito at labag man sa loob niya e pinagbuksan din kami sa wakas.
"Kung di lang siya tao baka kanina ko pa yun natosta e," inis kong sambit nang umupo ako ng maayos sa sasakyan.
Napatawa naman ng bahagya si Zeke sakin, hmf.
"Lax lang, hayaan mo na, ikaw naman kasi muntikan mo na pasabugin sila e," pigil na tawa pa din ang ungas.
Hindi nalang ako nagsalita at sumandal sa upuan ko hanggang sa makapasok na kami sa base kung saan pinagbuksan kami ng gate na may metal plates.
Sa una kala ko may kung anong inaabangan yung mga tao sa loob ng base. Ang dami nila na nagkukumpulan sa harap namin. Naghalo na yung sundalo at mga sibilyan.
Napakunot ng noo kami pareho ni Zeke hanggang sa hininto namin yung sasakyan sa harapan ng Colonel na nagaabang sa amin. Nakapaligid sa kanya ang mga sundalo niya at kitang kita namin si Sally sa kabila.
Sinara na rin agad yung gate baka may makapasok pang zombies at lumabas na rin kami ng sasakyan. Laking gulat namin nang nagsipaghiyawan ang mga tao sa loob na para bang may nanalo ng lotto ay ewan.
"What's this?" taka kong tanong nang sinalubong kami ng Colonel.
"We saw what you two did," ganun pa din siya makapagsalta parang pormal at matikas, "you saved a lot of people today."
Hinawakan niya yung balikat ko at binaling din niya yung atensyon niya kay Zeke na nakapoker face nanaman. Parang nasesense ko ayaw ni Zeke sa Colonel na ito and I don't know why, hiinayaan ko na.
"Kuya!" may tumawag galing sa mga nagkumpulan na sibilyan at tumakbo papunta sa amin si Sophia.
Niyakap naman agad ni Zeke ang kapatid niya bago tumakbo ito papunta sa akin at yakapin ang bewang ko.
"Ok ka lang ba?" tanong ko.
Tumango naman to sa akin.
"Alright everyone back to your posts," utos ng Colonel pero mostly sa mga sundalo niya, "Sergeant, reinforce the fenced gate on the west side of the camp."
May inutusan siyang sundalo at sumludo naman ito at naglakad papalayo. Nagsimula nang magsibalikan sa mga barracks at sa kani kanilang gawain yung mga sibilyan. Yung iba tumulong sa mga sundalo para lalong pagtibayin yung fenced gate. Dinagdagan nila ng mga trucks na pangharang para di maitulak ito.
Nang naglakad na kami pabalik sa barracks nakita naming nakatayo si Jessy sa isang poste malayo sa amin at mukang nakasimangot sa amin. Nakapgtataka naman. Gusto ko sanang lapitan pero umalis na siya nang malaman niyang nakita namin siya.
"Ano kaya problema ng babaeng yun?" tanong ko kay Zeke.
Nagkibit balikat lang naman siya.
---------------------------
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...