CHAPTER 10- Enigma

8.5K 227 15
                                    

"Welcome to Fort McBenning,"

Bati samin ng lalaking nasa harapan namin. Hindi kami sumagot, wala din naman kami maisip na maisagot. Ano sasabihin namin? Thank you? Di ko pa rin kasi kilala sila ng lubusan, malay ba namin e baka may tinatago itong kasamaan tsaka lalo pa't prejudice sila sa mga kauri kong metahuman.

Baliwala lang naman sa kanya kahit na nakatitig lang kami sa kanya at walang imik. Mga ilang sandali pa e may narinig kaming nagtatakbo sa likuran ng mga sundalo at tinulak ang mga nasa harapan niya para lang makadaan patungo sa amin.

"Jessy!" sigaw ng isang babae na parang kahawig ni Jessy pero medyo bata bata pa, "Oh my God I was worried sick!"

Dali dali siyang pumunta kay Jessy at sinalubong ng yakap. Halata namang medyo may iba kay Jessy kasi tiningnan niya yung lalaking nasa harapan namin ng masama.

"Kayla, take your sister down to my office and we'll talk," bungad ng lalaki.

Ah so anak niya pala si Jessy at kapatid ni Jessy tong si Kayla? Kaya pala may kakaibang vibe tong si Jessy na pagkaspoilbed brat, anak pala siya ng isang mataas na rango na opisyal dito pero teka sino nga ba tong tao na ito?

"Who are you?" tanong ko sa lalaki.

Tiningnan nama niya ako agad pero ganun pa din, matikas pa din ang tindig niya.

"Colonel Mathew Knowles, the one in command in this base," pagpapakilala niya. Nagulat ako syempre na malamang hindi lang pala basta basta ang ama ni Jessy, "well I have important matters to attend to, someone will make sure that you three will fit in well here."

Nakita naming lumingon siya sa mga sundalo sa likod niya at sinenyasan niya ang isang babae na lumapit sa kanya. May binulong ito sa kanya at tumango naman yung babae.

"Right, first off what are your names?" tanong ng Coronel.

"Zeke, Vincent and Sophia," tipid na sagot ni Zeke habang turo niya sa amin.

Tumango naman yung Colonel.

"Alright this is Lieutenant Sally O'neil, she'll be the one take care of your needs to settle in with the base," paliwanag niya at nagsimula na siyang maglakad patungo sa napakalaking command base nila. Sa asta palang militar na militar na, siguro di ko masisisi kung bakit ganun ang paguugali ni Jessy, nakakasakal naman kasi ang magkaroon ng ganung magulang.

Nang nagsibalikan na sa mga pwesto yung mga sundalo, nagpaalam na rin sa amin sina Carlo at Ade habang yung dalawa naming kasama na sundalo ay di na namin nakita pa nung pumasok kami, siguro nauna na kung saan sila papunta.

"Well c'mon, I think I need to show you around," bati samin ni Sally na nakangiti, "how did you guys survive all this long? You're just kids,"

Ininsulto ba kami ng babaeg to? Di porket teenagers kami at may bata kaming kasama e di na kami marunong mabuhay sa mundo ng mga zombies, besides metahuman ako. Nagflashback sa akin yung sinabi ni Jessy na huwag daw ipaalam sa kanila na metahuman ako kaya di na ako nagsalita pa.

"No offense but we are very much capable of surviving on our own and we're not kids, my sister sure she is but not the two of us," depensa ni Zeke habang tinutukoy niya kaming dalawa.

"Right, sorry my bad," paumanhin naman ni Sally at ngumiti na sa amin. Hindi naman talaga masamang tao si Sally kaya alam kong makakagaanan ko ng loob siya. Hindi kasi siya katulad ng ibang sundalo na napaka strikto. Para lang siyang katropa kung umasta sa amin, siguro dahil sa hindi nalalayo yung agwat ng edad namin sa kanya? Bata pa kasi siya nang nagenlist sa pagkasundalo kaya siguro ganun.

"How about you? Why did you join the military?" tanong ko dito habang naglalakad kami sa kabuuan ng base.

Ngumiti lang naman si Sally habang iniisip niya yung rason.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon