Nakita ko kung paano nagmistulang gyera ang kinalabasan ang syudad ng Detroit. Tanaw na tanaw ko ang umuusok na mga gusali nito habang padami ng padami ang nagsipagpuntahan na mga helicopter at jet plane papunta sa syudad. Di ko alam kung anong nangyayare, naguguluhan ako pero ang importante buhay ako and isa sa mga nalaman ko. Mukang kung ano man yung sinasabi ng scientist na chemical warfare e nagagawang halimaw nito ang mga tao. Isa din sa nalaman ko, kapag mamatay ka sa kagat nila magiging isa ka din sa kanila. Kahit naman sa loob ako ng facility lumaki hindi ako bobo, mataas ang IQ ko kasi genetically engineered ako kaya alam ko pansinin at iassess ang nangyayare sa paligid ko lalo pa't nakasalalay dito ang kaligtasan ng buhay ko.
Kaya una, di dapat ako makagat ng mga halimaw na yun. Pangalawa mukang wala naman epekto sa akin kung malanghap ko yung poison, or sadyang nagevolve lang ito na kung saan magiging halimaw lang ako kapag nakagat? For now ok pa naman ako so saka ko na proproblemahin yan.
Tama numero uno sa priority ko ang hindi makagat at mamatay.
Napansin ko nakakabit pa din yung collar sa leeg ko. Hinawakan ko ito at isang iglap nilusaw ko yung collar na tipong parang yelo na natunaw sa pagkakahawak ko. Alam kong kaya ko tong gawin nung nasa lab ako pero sa oras na gawin ko yun, alam ko din hindi sila magdadalawang isip na patayin ako on the spot. Life insurance ko na rin tong collar para di nila ako patayin. Sabi ko diba, ayoko mamatay. Gusto ko mabuhay, di ko nga alam bakit ganun, pero ang iniisip ko nalang, siguro naman may magandang naghihintay sa akin sa labas ng impyernong pinangggalingan ko.
Yun nga lang, isa rin palang impyerno ang madadatnan ko sa labas. Napagbuntong hininga nalang ako.
Naglakad na ako papunta sa desyerto, naririnig ko na kasi na dumadami yung mga halimaw na nagtitipon tipon sa loob ng pintuan na pinanggalingan ko. Buti nalang nasara ko ito kung hindi baka nagkumpulan na sila sa labas.
Wala masyadong tao sa desyerto pero may nakita akong kalsada kaya doon na ako nagtungo para baybayin ang papunta sa nakikita kong syudad na umuusok sa harapan ko.
Kung ano man madadatnan ko dun, mas mabuti na siguro na doon ako kesa dito. Bahala na kung anong mangyari.
Kung sa normal na tao e nanghina na sila sa tindi ng sikat ng araw, para sa akin sanay na ako at di ako naapektuhan nito. Ang problema lang e gutom na ako at uhaw. Tao pa din naman ako kaya nakakaramdam din ako ng gutom at uhaw no. Binaliwala ko nalang yun at naglakad sa kalsada.
Naka ilang oras din akong nasa kalsada na iyon at naglalakad pero parang ang layo layo ko pa din sa syudad. Nahihilo na ako sa gutom, pero kinakaya ko pa din. Naubos din ang lakas ko para makatakas sa laboratoryo kaya alam kong nanghihina na ako sa gutom at pagod.
Di ko nalang namalayan at bumagsak na ako sa lupa, at napapikit sa sobrang pagod.
---------------------
Narinig kong may kaluskos sa tabi ko, mga bulong bulongan. Nakatulog siguro ako sa pagod. O shit baka may mga halimaw na malapit sa akin kaya yun ang naririnig kong kaluskos at mamatay ako dito.
Bumangon agad ako at para bang inahahanda sarili ko nang makita kong nasa isang tent ako at may nakatingin sa akin na mga tao. Yea tao, buhay na tao.
"Are you ok?" may isang binatang lalaki na nakared tshirt ang lumapit sa akin.
Mukang tisoy siya pero halatang may asian features din. Gaya ng sabi ko well educated ako sa loob ng facility kaya alam ko ang mga bagay bagay, ultimo mga race at history ng bawat bansa alam ko. Kaya alam ko din na hindi pure caucasian tong kaharap ko ngayon.
Minabuti ko munang di sumagot at mas mainam di nila makita kung ano kaya kong gawin at baka kung ano gawin nila sa akin. Sa panahon ngayon, alam kong prejudice sila sa mga metahuman. They fear the unknown, kung noong unang panahon takot at ayaw nila sa LGBT ngayon iba na ang takbo ng mundo, acceptable na sa kanila ang mga ganun pero siya rin naman ang pagsulpot ng prejudice sa mga metahuman tulad ko.
BINABASA MO ANG
SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]
RomancePinoy Sci Fi and Horror themed series. Paano kapag may kapangyarihan kang tupukin ang lahat sa isang iglap lang. Sa mundo ng katapusan at napapalibutan ng kamatayan, tutulungan mo ba ang tao mabuhay o hahayaan silang magunaw. Vincent Sandoval isan...