CHAPTER 18- Unveiling the Mask

5.9K 180 7
                                    

Nagising ako na may neuro shock collar nang nakakabit sa leeg ko. Ang masaklap pa, tulad nung ginawa sakin noon sa Genesis lab sa Michigan e may cognitive impairment inducing medication ang nakatarak sa system ko gamit nung collar na yun. Ibig sabihin gising nga ako at nararamdamn ko ang panghihina ng katawan ko pero yung utak ko e parang nahihilo at hindi makapagfocus. Ganun pa man nasanay na ako sa ganitong pamamaraan nilang i-restrain ako. Alam nilang metahuman ako, pero paano? Sinubukan ko iangat yung kamay ko pero parang isang mabigat na bato lang ito at nahulog pabalik sa sahig. Napansin kong nasa sahig pala ako, nakasandal sa pinakadulo ng pader. Nasa isang kwarto na medyo madilim at ang liwanag lang sa labas ang nagbibigay ilaw dito. Rehas? Ano to? Bakit may rehas na nakikita ko sa harapan ko. Nasa isang parang presohan na style na kwarto ako.

Sa labas kita ko ang isang operating table at mga operating equipment. Pero nagulat ako sa nakita ko kung sino ang nakahiga doon, si Zeke!

“Good you’re awake,” may boses na nagsalita, parang may hangover lang yung pakiramdam ko habang tinitingnan ko ng maigi yung nasa labas ng rehas.

Si Jessy pala yung nakatayo sa harapan ko.

“What?” nahihilo kong tanong, di ko pa kasi maprocess yung train of thoughts ko pero nagpatuloy lang si Jessy.

“You guys should’ve left, I knew this would happen. If you two have left the base after that horde incident, you wouldn’t be here right now.” Eksplekar ni Jessy.

Huh? Ano ang pinagsasabi niya?

“You didn’t snitch us out?” medyo umaayos na yung pagiisip ko pero andyan pa din ang paminsan minsang pagkahilo.

“No,” at huminga ng malalim si Jessy, “that day when you guys helped the soldiers get rid of the horde, I was pissed. You could’ve just let it be and let all these fucking bastards die but NO, you had to save their sorry ass and where did it get you now?”

Halatang may halong pagkainis yung tono ni Jessy. Kahit hilong hilo ako, naguguluhan pa din ako sa pinagsasabi niya, bakit gusto niyang hayaang maoverrun kami ng zombies, hindi ba sya naawa sa mga taong nasa loob ng base?

Mukang alam ni Jessy na wala ako sa sarili para kausapin ng matino kaya siya nalang ang nagpatuloy sa pagrarant niya.

“Yea I think you’ve got it by now, I fucking hate this place, ever wondered why I’m so pissed at the Colonel?” dagdag niya, napansin kong tinawag niyang the Colonel ang dad niya instead of daddy or ano pa mang tawag niya sa ama niya, halatang malaki ang galit niya sa taong yun.

“It’s not only because he wanted me to behave like a soldier but because I knew of this place, he’s insane!” bulalas ni Jessy.

“You didn’t tell him about me?” taka kong tanong.

Pero bago pa man makasagot si Jessy may nagsalita sa likod niya na nagpagulat sa aming dalawa.

SURVIVAL (Pinoy BoyxBoy Sci Fi/Horror)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon