Chapter 4

25 3 1
                                    

Chapter 4

Depende

Maraming beses na akong nasaktan ng dahil sa kanya.Maraming beses na akong lumuha ng dahil sa kanya.Maraming beses na akong nanghinayang ng dahil sa kanya.

Pero...

Kahit na ganon.Nagiging masaya parin ako ng dahil sa kanya.

Dahil sa kanya..

Ng dahil sa kanya natuto akong maging desperada.Hindi ko alam kung ikasasama ko ba yon o ikabubuti dahil kung ikasasama ko yon,bakit napakaraming tao ang nagpapakadesperada para sa mga taong mahal nila?Dahil ba ipinaglalaban nila ang kanilang nararamdaman?Dahil kung wala silang karapatan tanging damdamin na lang nila ang kanilang alas.Tanging damdamin na lang nila ang kanilang maipaglalaban.Pero sapat nga ba yon?Sapat ba na mahal mo ang isang taong hindi ka naman mahal?

Bakit ba kasi napakaraming taong nagpapakatanga?Kung hindi ka nga naman gusto,bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo kung mayroon naman diyang nangangarap na makapasok sa buhay mo.

'Pag may mahal ka at ayaw sayo,hayaan mo,malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya,naunahan ka lang.'

Kaya ko nga ba?Mawawala nga ba?

Pwede rin namang sa mga susunod na araw ay mahalin niya na rin ako.

Heto nanaman tayo sa mga 'malay' at 'pwede'.Mga konklusyong walang kasiguraduhan.Hanggang sa pagbabakasakali na lamang inaasa.

Dapat ko na nga ba siyang iwan gayong may mahal naman siyang iba?

Asan na ang binitawan kong salitang hindi ako susuko?Bigla na lamang naglaho ito.Pero laging sumasagi sa isip ko ang panghihinayang.Dati pa lamang ay nagpapansin na ako.Andami ko nang nagawang kahihiyan ngayon pa ba ako susuko?

Ang gulo ko.Ang gulo ng utak ko.

Ano nga bang dapat sundin?

Puso o Utak?

Puso.
Ito ang nakakaramdam kung para kanino ito titibok.

Utak.
Ito ang gumagawa ng desisyon.

Bakit hindi na lang sabay hindi ba?

Kung magmamahal ka gamitin mo na ang puso at utak mo.

Puso para malaman kung kanino nga ba tumitibok ito at Utak upang magdesisyon kung ipagpapatuloy pa ba ang nararamdaman mo.

Kasi kung isa lang ang gagamitin mo,kahit ano sa dalawang ito,ay matatalo at matatalo ka rin.

Ang mga taong puso ang sinusunod ay nasasaktan,Ang mga taong utak naman ang hinahayaang magpasya ay nasasaktan din.Kaya bakit hindi na lang sabay?Bakit hindi sabay kung hindi kaya ng isa lang?

Pero depende pa rin sayo kung ano ang mas pipiliin mong sundin.

Sa akin..Hindi ko alam kung puso nga ba o utak ang sinusunod ko.

Siguro ang puso ko ang mas sinusunod ko.

Kasi kung utak ang sinusunod ko..Matagal na akong sumuko.Dahil alam ko naman na may mahal siyang iba,dapat ay tinigilan ko na siya noon pa lang.Pero hindi e.Hindi naman utak ko ang mas sinunod ko.Ang puso ko.

Kaya dapat ay pantay lang ang pag gamit ko sa kanila.

"O,tulala ka a.Anong nangyari sayo?Nag iimagine ka nanaman na nakasakay ka sa unicorn?"napatingin ako kay Bien sa kanyang sinabi.

"Tss.Hindi na ako yung batang Leemie na isip ng isip tungkol sa mga unicorns.E ikaw?Pinapangarap mo pa ring makuha ng aliens?"tanong ko habang tumatawa.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon