Chapter 11

13 2 1
                                    

Chapter 11

Coleen Amie Santiago

Tulala akong umupo sa sofa sa sala dito sa bahay.

Hindi ko alam kung paanong magrereact sa sinabi ni Erquine kanina..Manliligaw..Kailan pa siya nagpaalam sa akin?Ni hindi nga nya ako tinanong kung pwede ba siyang manligaw.Napaka unfair niya talaga..Naguguluhan tuloy ako kung totoo ba ang sinasabi niya o nagbibiro lang siya..Baka nga nakikipag biruan lang siya kay Bien?

Imposibleng magkagusto siya sa akin dahil si Faye ang mahal niya.Lagi niyang pinapamukha sa akin kaya paniguradong hindi niya ako magagawang gustuhin.Kahit na ipinagpipilitan ko na ang sarili ko ay wala pa rin..

Naputol ang pag-iisip ko nang tumabi sa akin si Papa at kausapin ako.

"Ayos ka lang ba,Anak?"tanong ni Papa na may halong pag aalala.

Sa nagdaang taon nasanay na kaming si Papa lamang ang kasama..Nasanay na kami na walang ina..Tinanggap na namin na hindi sapat ang pagmamahal niya sa amin dahil nagawa niya kaming iwan.

"Ayos lang po..May mga gumugulo lang sa isip ko,pa."sagot ko at bahagyang ngumiti upang maibsan ang kanyang pag aalala.

"Tungkol ba sa lalaki?"natigilan ako ng tanungin niya ito.Sa halip na sumagot ay nagbuntong hininga na lamang ako.

"Paalala lang Anak..Huwag mong ibigay masyado ang tiwala mo dahil diyan din ako nasaktan..Masyado akong nagtiwala na mahal ako ng mama mo..na hindi niya ako iiwan pero heto..tingnan mo..iniwan niya ako at sumama siya sa ibang lalaki.Kaya dapat ay kung magmamahal ka ay sigurado dahil kung may kulang..hindi tatagal ang magiging relasyon niyo."naiisip ko tuloy..Kung kami ngang anak niya ay nasaktan paano pa kaya si Papa?Panigurado'y sa aming lahat ay siya ang mas nasaktan sa ginawang desisyon ni mama.Dapat ko pa ba siyang tawaging mama kung tinalikuran niya na ang obligasyon niya sa amin?

"Paano kung tanga ako,Pa?Makakaya ko bang hindi masaktan?Baka kasi mamaya mabulag ako sa pagmamahal ko..Hindi ko alam ako na pala yung naaagrabyado."

"Basta sundin mo lamang ang alam mong tama,Anak."tumango na lamang ako sa kanya at tinignan ang pag akyat niya sa hagdan.

"Magpapahinga na ako,nak!Goodnight!Goodluck sa lovelife!"sigaw niya bago siya pumasok sa kanyang kwarto.

Napailing na lamang ako.

**

Sabado ngayon at napagdesisyonan ni Papa na lumabas kaming kumpleto.Matagal tagal na rin simula nang makapagpasyal kami ng kumpleto.

"Saan ba ang punta natin?"iritadong tanong ni Conrad..pinsan ko..Ang aga aga ang init agad ng ulo..Ano kayang nangyari dito sa lalaking 'to?

Siniko ko siya."Huy,Ano ba?Anong oras palang mainit na agad ang ulo mo."

"E kasi naman e.Pakipot pa yung babae na yon."sabi niya habang ipinapadyak ang paa.

"Ang hilig mo talagang mambabae 'no?Hindi naman kasi lahat ng babae makukuha mo."sabi ko at tinarayan siya.

Nakita ko naman itong ginaya ang pagsasalita ko kaya mabilis ko siyang tinadyakan sa paa.

"Aww!"

Napalingon sa amin sina Tito Ruel,papa niya."May problema ba dyan hija?"

"Meron po dad..eto kas--"tinakpan ko agad ang bibig ni Rad.

"Nako,wala po tito..Namiss lang po talaga ako ni Conrad tapos nahampas ko yung kamay niya kasi niyakap niya ako ng mahigpit kaya ayon.."pagdadahilan ko..Mukha naman napaniwala ko si Tito dahil tumawa lamang ito at umalis na.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon