Chapter 8

16 2 1
                                    

Chapter 8

Like

Nakatayo ngayon ay ang lalaking dahilan kung bakit ako sinugod nitong si Faye.

Erquine.

Matalim ang titig niya.Sinundan ko ito.Una niyang tinignan ang mga alipores ni Faye,sumunod ay kay Faye at sa akin..pati sa kamay ni Bien na nakahawak sa aking siko.Umigting ang kanyang panga.

Hindi pa man din siya nagsasalita ay ramdam ko na ang galit niya.

Hay.Ganito mo bang naimpluwensyahan ang sistema ko?

Si Faye kaya ang ipagtatanggol niya?

Of course!He loves Faye,so he will really defend Faye from me.Even if she's the one who started the fight.That's what love can do.Make people blind.Believing their love ones even if it's not right.

The moment his eyes laid back at me again,my heart beats fast.

Pakiramdam ko ay ako ang gusto niya.Kahit na hindi naman.

His eyes is full of hatred and disgust while staring at me.

Pero okay lang.Atleast alam kong may nararamdaman siya sa akin.Kahit pagka muhi lang.Maayos na sa akin yon dahil alam kong kahit papaano ay nakukuha ko ang atensyon niya.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso at ang pabalik-balik na kirot nito.

Umayos ka!Hindi ito ang tamang panahon at lugar para magmukhang kawawa!

Naglakad si Erquine patungo sa pwesto ni Faye.

Wow.

Love can really make a person blind.

Binitawan na ako ni Bien at pumwesto sa harap ko na para bang pinoprotektahan ako sa isang masamang tao.

Kaya ko naman ang sarili ko pero nagpapasalamat pa rin ako kay Bien dahil nandito siya at pinoprotektahan ako.

Kung wala siya dito ay baka hindi na ako nakalaban sa mga hipokritang 'to.Hindi siguro ako magkakaroon ng lakas ng loob kung wala siya dito.

"Are you that desperate?"nagulat ako ng magsalita siya sa harap ko.Hindi ko siya gaanong nakikita dahil nakaharang sa akin si Bien.Sumilip ako at at kitang nakatingin siya kay Bien.Madadamay nanaman ata ang isang 'to.Umusog ako sa bandang kanan para makita niya ako.

Mula kay Bien,Ay inilipat niya ang tingin niya sa akin.

"Pinapakitunguhan na kita ng maayos..pero nanggugulo ka pa rin.Ilang beses mo ba gustong marinig na hindi ikaw ang mahal ko?"galit niyang sabi.

Ouch.

Parang nagkandabasag-basag ang mga piraso ng puso ko.

Namuo ang luha ko pero pinigilan kong tumulo 'yon..Ayokong makita niya akong nasasaktan sa mga sinasabi niya.

Akala ko okay na..Akala ko magiging maayos na ang lahat sa aming dalawa..

Masyado lang pala talaga akong nag-assume.

Yumuko ako.Hindi ko siya kayang tignan kung masyadong mapang-akusa ang mga mata niya.Baka bumigay ako.

Humarang muli sa akin si Bien."Dahan-dahan ka sa mga salita mo."banta niya.

Hinawakan ko siya sa braso at pinatabi.Tutol ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngunit pinilit ko siya.

Tinignan ko si Erquine sa mga mata.

"Siguro nga..Masyado na akong desperada..Pero Erquine,nagmamahal lang naman ako.Ikaw ba?Diba hindi ka naman na mahal ni Faye,pero pinipilit mo pa rin yung sarili m---"

"You shut up!Hindi ito tungkol sa amin ni Faye.Sumosobra ka na!Hindi mo dapat siya dinadamay dito!"

Napatingin ako kay Faye na nakangisi at ibinalik kay Erquine ang tingin.

Talo na ako.

"I-im s-sorry..I w-won't do it again."mahina kong sabi.Tumulo ang luha ko.Hirap na hirap na akong pigilan.Gusto ko na lang tumakbo at umiyak sa kung saan.

I guess,this is the right time to stop.

"Titigil na ako.Lalayo na ako."pinigilan ko ang hikbi ko tumalikod na.

Napahawak ako sa bibig ko upang mapigilang humagulgol.Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa soccer field.

At doon..Inilabas ko ang lahat.Ang sakit...panghihinayang..

Humagulgol na ako ng tuluyan.

Kailangan ko na talagang tumigil.Hindi na makabubuti sa akin ito.

Ang sakit.Sobrang sakit na gustong-gusto ko nang sumigaw.Napaluhod ako sa panghihina.Niyakap ko ang sarili ko.

Mahal niya talaga si Faye.

"Leemie!"narinig kong sigaw mula sa malayo."Asan ka!Leemie!"siguro ay si Bien 'yon."Coleen!"

May narinig akong bakas ng pagtakbo malapit sa akin.Paniguradong nakita niya na ako.

"Coleen!"sigaw niya at mabilis na dumalo sa akin.Niyakap niya ako isinandal ang ulo ko sa kanyang dibdib.

And with that,Napahagulgol akong muli.

"Sshh.."pag aalo niya at hinaplos ang likod at braso ko."Tahan na."

Kung siguro ay hindi kami iniwan ni mama ay siya ngayon ang karamay ko.Siya ang napagsasabihan ko ng mga problema.Pero maski siya ay hindi kami minahal..Hindi sapat ang kanyang pagmamahal sa amin dahil mas pinili niyang sumama sa ibang lalaki.

Nakita ko kung paanong nasaktan si Papa nang iwan kami ni Mama.Akala ko noon ay kapag kasal na ay hindi na naghihiwalay..Dahil kapag nagpakasal ka ay dapat sa taong mahal mo..pero mali pala ang paniniwalang iyon.

May mga nagpapakasal na hindi naman mahal ng isa't-isa..Meron ding napipilitan lamang..Merong nagsasawa...At merong nagloloko.

Pinangako ko sa sarili ko dati na hinding-hindi ko lolokohin ang taong papakasalan ko..Na hindi ako gagaya kay Mama..Dahil kung minahal niya si Papa ay bakit niya kami iniwan?Bakit niya kami ipinagpalit sa isang lalaki lamang?

Sa mga nagdaang taon..Napagtanto ko..She's selfish..She'll do anything just for her own..It's okay for her to leave and hurt someone just to be happy..Para lang mapunan ang gusto niya.

While me?No,I won't do the same thing..I can be happy by myself..I don't need anyone just to maintain my happiness..I don't want to depend my happiness into someone.

Mas pipiliin ko pang masaktan at malungkot kaysa manggamit ng ibang tao para sa ikasasaya ko.

"I-i don't k-know what's w-wrong with me..Ano bang k-kulang sakin?Hindi ba ako karapat-dapat m-mahalin?"I'm stuttering!

"Sshh..Walang kulang sayo..maraming nagmamahal sa'yo."

Really?

Nang medyo kumalma na ako ay sumandal na muna ako sa kanyang balikat.

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako dahil sa pag-iyak.

Gusto kong matulog.

"I don't know if it's the right time to tell you this.."pagsisimula niya."I...I like you,Coleen."natigilan ako sa kanyang sinabi.

Syempre!Kaibigan mo 'ko e.

"Of course,you like me.I'm your bestfriend."sabi ko at mahinang tumawa.

Tiningnan ko siya at nagbuntong hininga lamang siya.

"Siguro ay dapat ko na nga siyang tigilan.Marami pa namang iba diyan."

Napatingin ito sa akin.

"Parang elevator pang yan e,bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo.E,meron namang hagdan,ayaw mo lang pansinin."

Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi.

Pumikit ako at hindi namalayang nagpadala na sa antok.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon