Chapter 3
Taga Advice
Ilang araw,weeks,months ko nang nakikitang nagd-date sina Faye at Erquine.Ilang araw na akong nagbubulag-bulagan.Hindi ko alam kung niloloko nanaman ba ni Faye si Erquine.Sa mga araw kasi na yon ay paminsan-minsan ko ring nakikita si Faye na may kasamang ibang lalaki.
Sa tingin ko'y hinahayaan lang ito ni Erquine dahil nga mahal niya si Faye.
Ayokong sabihan siya ng martyr o tanga dahil maski ako ay natatamaan sa salitang yan.
"Ano,Leemie?Suko na?Wala ka man lang bang gagawin para mapasayo na yang martyr na Erquine na yan?"lagi na lang niya akong tinatanong tungkol sa bagay na yan.
"Nagpapahinga lang ako pero hindi ako susuko."maikling sambit ko.
Pahinga lang,hindi susuko.
Hindi uso sa'kin ang salitang susuko dahil kung uso sa akin yan baka matagal ko nang inayawan si Erquine.
"Ayon lang..Hanggang kelan naman ba yang pagpapahinga na yan?Kapag dinire-diretso mo yan.Nako!Ako na nagsasabi sayo,super proud ako sayo at hindi lang ako ang magiging masaya kundi pati yang puso mo."sabi niya at itinuro pa ang bandang puso ko.
"Wala nang mas isasaya pa 'to kundi ang mahalin ng pabalik.Kapag nangyari yon,Maghihilom lahat ng wasak na pira-piraso nito."sabi ko at pinanood na lamang ang game nila Erquine.
Bakit ba kasi sa dinami rami ng mga nag gagwapuhang lalaki sa mundo,e,sayo pa ako nahulog?
Nahulog pero hindi sinalo.
"Leemie..Tingnan mo yung lalaking nakasuot ng number 14 na jersey.Pansin mo,Kanina pa tingin ng tingin sayo yun?"napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya kanina pa tingin ng tingin?
Hinanap ko ang lalaking ito at nang mapadapo ang tingin ko sa kanya ay parang pamilyar nga ang isang 'to ngunit hindi ko makita ang kanyang mukha..Nakatalikod kasi siya at kinakausap ng kanilang coach dahil nag time out ang kabilang koponan.
Napatayo ako sa gulat ng masilayan ko na ang kanyang mukha.
BIEN!?
Siya ba talaga yon?
Siya ba talaga si Biengot ko nung bata ako?
OWEMJI!
"Si Bien!"napalakas ang sigaw ko dahilan para mapatingin sa'kin ang mga estudyanteng nanonood din ng game nila Erquine.
"Bien?Kilala mo siya?Akala ko panaman hindi.Sayang.Akala ko tinitignan ka niya dahil may gusto siya sayo."bigong sabi nito.Para namang natalo siya sa bingo sa sobrang kabiguan.
"Hindi naman kasi lahat ng taong titingin sayo ay may kahulugan.Kaya tayo nasasaktan e.Nag aassume tayo agad."
"Ano ka ba!Libreng mag assume!"
"Libreng mag assume,Libre ring masaktan ganon?"
Nagkibit balikat lamang siya at nanood nang muli ng laro.
Ako naman ay palipat-lipat ang tingin kina Erquine at Bien.
Nag iba na siya.Mas nagmatured ang hitsura niya ngayon.Siguro dala na rin ng pagbibinata.Mas na excite tuloy akong kausapin siya.Siguro naman hindi na siya engot ngayon?
##
NAng matapos ang kanilang game ay dali-dali akong bumaba at nilapitan siya.
Hindi niya ako napapansin dahil nandito ako sa likuran niya kaya naman binatukan ko siya.
Pero nagulat ako ng pagharap nito ay hindi si Biengot ko ang nasa harap ko kundi si Erquine.
Shet!Binatukan ko pa man din!
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3