Chapter 1

51 4 10
                                    

Chapter 1

Mahal

Coleen's POV

"Pa naman..Diba sinabi ko na sa inyo na wag na kayong iinom pa ulit ng alak."mahinahon kong sabi kay papa.

"Anak..Hindi pa naman ako lasing eh.Tsaka ano naman kung iinom ako?Kasalanan 'to ng nanay mo!Kung hindi sana s'ya sumama sa lalaki nya edi sana buo pa tayo!"galit nyang sabi

Tuwing anniversarry nila ni mama,umiinom sya ng alak.Tapos bigla bigla na lang sasabihin na kasalanan ni mama kung bakit hindi kami buong pamilya.

Hindi ko rin alam kung bakit ganyan si papa.Dapat ay ibinabaon n'ya na lang sa limot ang ginawa ni mama.Tutal wala na naman e.Kahit ano pang pagmamaktol,pag iinom o pag liliwaliw ang gawin nya,hindi nya na rin naman mapapabalik si mama sa amin

Yan ang laging eksena namin ni papa tuwing anniversarry nila ni mama o di kaya'y tuwing naaalala nya si mama.

"Lalim ng iniisip ah?"tanong sa'kin ng kaibigan ko dahilan upang mapabalik ako sa reyalidad.

Naglalakad kami ngayon papuntang gymnasium dahil isu-surprise daw ni Erquine ang kanyang ex-girlfriend.Yes,ex nya na si Faye pero hindi ko alam kung bakit at para saan pa.Maybe he's just too inlove with his ex.

Too inlove na kahit pagsalitaan na sya ng masama ni Faye ay wala lang sa kanya.

"Are you really that dumb?Kaya nga nakipagbreak na ko sa iyo kasi hindi na kita gusto diba!?"-faye

'Hala,kawawa naman si Erquine'

'Sa totoo lang ang tanga nya'

'Napaka martyr'

Yan ang bulong bulongan ng mga taong nakiki intriga sa gilid.

Si Erquine ay nakayuko lang at hawak ang kanyang gitara.Siguro'y hinarana nya ito.Kitang kita ko ang bigo at sakit sa kanyang mukha.

Bakit kasi kailangan mo pa syang habulin?

Andito lang naman ako e.Naghihintay na mapansin mo.

"Akala ko kasi magugustuhan m---"hindi na pinatapos pa ni Faye ang sasabihin ni Erquine at sinampal ito sa kaliwang pisngi dahilan upang mapatahimik ang lahat.

"I don't like you anymore!I will never ever love a guy like you!Hindi tayo pareho ng level.Nasa baba ka habang ako naman nasa taas.Sa tingin mo magandang tingnan yon?Isa ka lang tanso samantalang ako naman ay isang dyamanteng hindi pwede sa mga hindi ka uri.So,please!Tigilan mo na 'ko!"gigil na sabi ni Faye

Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Erquine..Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba o talagang may dumaang sakit sa mukha niya.Sino ba namang hindi masasaktan kapag sinabihan ka ng masasakit na salita ng taong mahal mo sa harap ng maraming tao.

Padabog na umalis si Faye kasama ang mga kaibigan nito.

Unti unti na ring nawawala ang mga taong nakikiusosyo sa nangyari hanggang sa si Erquine,ako at ang kaibigan ko na si Alice ang natira.

"Ah..Leemie,Kausapin mo..Kailangan ng karamay nyan..Baka magpakamatay bigla dito tayo pa masisi."sabi ni Annette

Pinandilatan ko naman sya ng mata at nagpeace sign sya tsaka umalis.

Sakto namang pagka alis ni Annette ay syang pagbagsak ng ulan mula sa langit.

Tinignan ko ng mabuti si Erquine.Saulo ko na ang mukha nya pati ang ngiti.Nakayuko sya kaya't hindi ko gaanong makita ang natatakpang bahagi ng kanyang mukha.

Lumapit ako sa kanya at inabot ang aking panyo..

Kahit matabunan pa ng tubig ulan ang mga luha mo..Mananatili akong nandito sa tabi mo para lang punasan ang luhang papatak sa mga mata mo.

Hindi niya ito kinuha at nanatiling nakayuko.

Kinuha ko ang kamay niya at inalagay ang panyo sa kanyang palad.Doon niya inangat ang kanyang paningin.

Sa wakas!nakuha ko rin ang atensyon nya.

Tinignan ko sya sa mga mata.Pinaghalong sakit at pagkadismaya,yan ang unang kong nakita sa mga mata nya.

Ang tubig naman na galing sa ulan ay unti unting sinasakop ang parte ng kanyang damit na hindi pa nababasa.

"Para saan pa ang panyong 'to kung mababasa lang din naman ako ulit?"sabi niya at pagak na tumawa

"Kahit mabasa ka man ulit..At least,napunasan mo yang mga luha mo.Para kapag mabasa ka ulit..Wala nang luhang hahalo..Puro tubig ulan na lang."hindi ka na masasaktan..Puro saya na lang

"Luha?Ano 'ko bading?Bakit naman ako iiyak ng dahil lang doon?"tanong nya sakin na para bang magbibiro lamang ako sa sinabi.

"Bakit nga ba?"balik kong tanong sa kanya dahilan para matigil sya sa pagtawa."Bakit ka nga ba iiyak para lang don?Bakit hindi ka sumusuko gayong talo ka na?Tapos na.Wala ng kayo."sana'y wag nya na lang makita ang lungkot na bumalatay sa aking mukha kasabay ng pagbigkas ko ng mga tanong na iyan.

"Kaya nga tinatry ko ulit diba?Kasi talo na ako.Talo na ako pero pwede pa rin namang umulit.Pwede ko pa rin naman sigurong itry kung mananalo na ako."

"Pero paano ka mananalo kung sa pag uumpisa mo pa lang ng pagtatry ay talo ka na?Pwede ka namang sumuko e.Pwede kang pumili ng bagong laro kung saang alam mong sa umpisa palang panalo kana.Pwede namang ako e."hangga't kaya ko ay pipilitin kong wag mahulog ang luha sa aking mata.

"Hindi ako susuko hangga't hindi ko sya nasusubukan ulit."determinado nyang sabi

"Bakit hindi mo 'ko subukan?"matatag na tanong ko sa kanya.

Tumawa sya ng malakas na para bang iyon na ang nakakatuwang biro na narinig niya.

Bumagsak ang balikat ko.Bakit ba hindi mo magawang seryosohin ang mga sinasabi ko?

"Bakit kita susubukan kung hindi naman ikaw ang taong mahal ko?"may halong pang iinsulto niyang sabi at umalis.

Ganito ba talaga kakomplikado ang pagmamahal?




****
Pasensya na po kung maikli lang ang update na ito.Hanggang dito lang kasi gumana ang utak ko ˊ▽ˋ
*

***
Don't forget to Vote,Comment amd Just Cessieffy!

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon