Chapter 22
Coleen's PoV
Hindi bumaba si Axcel kanina para magdinner kaya naman todo todong guilt ang nararamdaman ko. Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang nakatitig lang sa kisame ng kwarto ko. Hindi pa siya kumakain hanggang ngayon. Aish! Bakit ko pa ba kasi iniisip 'yon?! Hindi ko na kasalanan kung hindi siya kumain ng dinner noh! Pero kasi... Baka naman hindi siya bumaba dahil galit siya sakin? Eh, bakit naman siya magagalit diba?
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa frustration. Hay! Nababaliw na ako! Bakit ba ako nagiguilty ng ganito?! Totoo naman na wala siyang karapatan eh. Pero... Hay!
Padabog akong tumayo at bumaba sa kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang soda, mga chichirya at umakyat na patungo sa kwarto niya. Nakatayo ako ngayon sa harap ng kanyang pintuan. Nakaipit ang mga chichirya sa braso ko at ang dalawang soda naman ay hawak ko. Kagat- kagat ko naman ang isang supot ng gummy bears. Ang siko ko ang ginamit ko para kumatok sa pinto ng kwarto niya.
Nang makalimang katok ako ay sa wakas binuksan niya rin! Buti na lang talaga gising pa siya! Akala ko pa naman tulog na siya. Buti na lang talaga.
Inangat ko ang aking tingin sa kanya at halos magulat nang makitang topless ito at nakaboxer lang. Napalunok ako at napadiin ang pagkagat ko sa supot ng gummy bear kaya naman tumingin na lang ako sa kanyang mukha. Oh god gracious gabayan niyo po akong huwag maakit sa lalaking nasa harap ko at baka kung ano pang magawa ko!
"What? You need anything?" Tanong niya sa malamig na tono. Shit! Ngayon lang ako tinamaan ng hiya. Ano nga ba kasing gagawin ko?! Yayain siyang manood ng movie?! Tss. Walang kwenta!
Umamba akong aalis na lang nang magtanong nanaman siya, "Where are you going?" Napatingin lang ako sa kanya dahil hindi ako makapagsalita dahil sa supot na kagat kagat ko. Nang mapansin iyon ay nagulat ako nang hawakan niya ang aking bewang at hatakin papasok sa kanyang kwarto. Napalunok ako nang makitang nilock niya ang pinto. Oh shit.
"Anong kailangan mo?" Malamig pa rin ang kanyang boses. Tinanggal niya ang supot ng gummy bear sa bunganga ko at hinagis 'yon sa kanyang lamesa.
Isang pasada lang ng tingin ay malalaman mo nang kwarto ito ng isang lalaki. Red and black walls, white-thick curtains, king size bed, small wooden round table, flat screen t.v. and posters of the bands 5 seconds of summer and The 1998. Hindi ko alam na fan pala siya niyan.
"Uhmm.. Movie marathon tayo?" Nakangiti kong tanong. Hindi ko alam kung matatawag bang ngiti iyon o ngiwi. Hehe.
"Ba't di mo ayain yung Pester mo?" Pester? The fuck?
"Pester?" Balik kong tanong. Si Peter ba ang tinutukoy nito?
"Oh. Nakalimutan mo na agad. Yung 'kaibigan' mo. Siya ang ayain mo tutal naman ay 'magkaibigan' kayo," Diniinan niya pa ang pagkakabigkas sa salitang kaibigan.
"Yes, we're friends but that doesn't mean that we're really close. I mean, dati close kami pero ngayon hindi na. But still, I call him my friend because he used to be one of my friends."
"How about me? Ano mo ba ako? Anong karapatan kong makipag movie marathon sa'yo?" Madilim ang kanyang mga matang nakatitig sa akin.
"We are... nothing..?" Hindi ko siguradong sinabi. Nag-igting ang kanyang panga at napakagat na lamang ako sa aking labi at napayuko. Galit siguro siya dahil hindi natuloy ang dapat 'date' daw namin.
My eyes shot up to his. Hindi ko alam kung guniguni lang ba ang nakita kong sakit sa kanyang mga mata dahil nagbago agad ito at lumamig ang kanyang titig. Dinilaan niya ang kanyang labi at napatitig ako doon. Mas lalo itong pumula.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3