Chapter 10
Lito
Erquine's POV
Nandito ako sa gymnasium dahil sinorpresa ko si Faye..Ang girlfriend ko.Well,I don't consider her as my ex.Hindi dahil nakipag break na siya ay susuko na ako.
Katatapos ko lang siyang kantahan..I thought she'll like it..Ganon naman diba?Ang mga babae gustong sinusuyo sila.They want all of the attentions of their boyfriend.So,I'm here.Surprising her.
Pero imbes na mangyari ang tulad nang nasa isip ko ay kabaliktaran ang nangyari.
Mula sa pagyakap niya sa akin..Pagsabi ng matatamis na salita..makipagbalikan sa akin ay wala ni isang nangyari.
"Are you really that dumb?Kaya nga nakipagbreak na ko sa iyo kasi hindi na kita gusto diba!?"sigaw sa akin ni Faye.
"Akala ko kasi magugustuhan m---"
Lumipad ang kanyang kamay sa aking kaliwang pisngi.She slap me.Yeah,She just slap me.She didn't even let me finish my words."I don't like you anymore!I will never ever love a guy like you!Hindi tayo pareho ng level.Nasa baba ka habang ako naman nasa taas.Sa tingin mo magandang tingnan yon?Isa ka lang tanso samantalang ako naman ay isang dyamanteng hindi pwede sa mga hindi ka uri.So,please!Tigilan mo na 'ko!"nagmadali siyang umalis na para bang siya ang napahiya.
Oh.
Why are you doing this to me Faye?
Nanatili akong nakatayo dito sa labas ng gymnasium bang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nagulat ako ng may biglang maglahad ng panyo sa akin.Hindi ko ito pinansin ngunit kinuha niya ang kamay ko af inilagay doon ang kulay pink na panyo.
Tiningnan ko siya."Para saan pa ang panyong 'to kung mababasa lang din naman ako ulit?"sabi ko at tumawa.
"Kahit mabasa ka man ulit..At least,napunasan mo yang mga luha mo.Para kapag mabasa ka ulit..Wala nang luhang hahalo..Puro tubig ulan na lang."marahan niyang sabi.
Luha?!
"Luha?Ano 'ko bading?Bakit naman ako iiyak ng dahil lang doon?"tanong ko sa kanya.Ano nanaman bang kalokohan ang pinag-gagagawa ng babaeng 'to.
"Bakit nga ba?"balik niyang tanong sa akin."Bakit ka nga ba iiyak para lang don?Bakit hindi ka sumusuko gayong talo ka na?Tapos na.Wala ng kayo."ramdam ko ang lungkot niya sa mga binitiwang salita.
"Kaya nga tinatry ko ulit diba?Kasi talo na ako.Talo na ako pero pwede pa rin namang umulit.Pwede ko pa rin naman sigurong itry kung mananalo na ako."
"Pero paano ka mananalo kung sa pag uumpisa mo pa lang ng pagtatry ay talo ka na?Pwede ka namang sumuko e.Pwede kang pumili ng bagong laro kung saang alam mong sa umpisa palang panalo kana.Pwede namang ako e."tinitigan ko siya sa mata.
May kung ano sa akin ang gustong lapitan pa siya at yakapin pero hindi pwede.Baka may makakita sa amin at ikwento kay Faye.
"Hindi ako susuko hangga't hindi ko sya nasusubukan ulit."determinado kong sabi.
"Bakit hindi mo 'ko subukan?"nagulat ako ng itanong niya sa akin ito.Nagpapatawa ba siya?
"Bakit kita susubukan kung hindi naman ikaw ang taong mahal ko?"balik kong tanong sa kanya at iniwan na siya doon.
May parte sa akin na na-guilty pero kailangan kong gawin 'yon para lang hindi na siya umasa pa.Ayokong may masaktan akong ibang babae ng dahil lang sa nasasaktan ako ni Faye.
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Genç KurguHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3