Chapter 5

30 3 1
                                    

Chapter 5

Pareho

Dito sa garden.Alam kong nandito siya.

Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niyang tumambay sa garden.

I mean,That's just unlikely for a man.Bihira lang ang mga lalaking ganoon.Ang iba ay mas pipiliin pang tumambay sa computer shop kesa sa garden.

Bien likes the smell of the flowers.

Parang si Erquine.

Tss.That guy.Masyado niya na akong sinasaktan.But this is my choice..Choice to love him no matter how hurt I am.

Tinitigan ko ang likod niya.Naka upo siya at nakaharap sa mga bulaklak.Minsan ay hindi ko alam kung bakla ba siya o hilig niya lang talaga ang mga bulaklak.

"Tatayo ka na lang ba dyan?"nagulat ako sa tanong niya.Paano niya nalaman na nandito ako?May mata ba siya sa likod.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"How did you know that I'm here?"

"Ramdam ko...Ang titig mo."marahan niyang sabi.

Oh.

Buti pa siya.Sana ganyan din si Erquine.Nararamdaman ang pagmamahal ko sa kanya.

Napasimangot ako sa aking naisip.Asa ka pa!Bulag yon kay Faye e.

"Hindi mo sinundan?"tanong niya sa'kin ngunit ang tingin ay nasa mga bulaklak pa rin.

"Hindi."ngumuso ako at napayuko.

Naalala ko nanaman tuloy yung eksena kanina.

Masyado siyang pakipot.Kung hindi niya gusto si Erquine dapat ay hindi niya na pinapaasa pa ito.

"Bakit hindi?"nakita ko ang gulat sa kanya mukha.

"Bakit ko naman siya susundan?Wala naman akong atraso sa kanya a."inosente kong sabi.

"Tss."umiwas siya ng tingin sa akin at ginulo ang buhok na para bang sobra na siyang naguguluhan sa nangyayari.

"Shit,Hindi pwede 'to."mahina niyang bulong sa kanyang sarili pero dahil nga magkatabi kami ay rinig ko pa rin iyon.

Hindi pwede ang alin?

Nasisiraan na ata ng ulo 'to e.

"Hindi naman porket ganon ang inasal ni Erquine kanina..Susundan ko na siya at tatanungin..Nakailang asa na ako...Nakailang heartbreaks na rin ako ng dahil sa kanya.Hindi ba pwedeng..Palagpasin ko muna ng isang araw?Pagapapahingahin ko muna ang puso ko sa sakit."malungkot kong sabi.

Nakatingin lamang siya sa akin at para bang may gustong sabihin.

"Hindi naman ako susuko e."dugtong ko.

Iniwas niyang muli ang tingin niya.

"Dapat alam mo kung kelan ka susuko at hindi."

Alam ko.Dapat ay matagal na akong sumuko dahil wala naman na talaga akong pag asa kay Erquine.Pero sadyang taksil ang puso ko.

Game over na dapat ako pero hangga't may nakikita akong paraan para lang ako naman ang mapansin niya ay gagawin ko.

Tanga.

"Alam ko pero...Hanggang ngayon kasi umaasa ako na kahit papaano..Mapapansin niya ako at magkakaroon ng lugar sa buhay niya."

"Mahirap pumapel sa buhay ng tao,lalo na akung hindi naman ikaw ang bida sa script na pinili niya.Ikaw at ikaw lang din ang masasaktan..Hindi siya."seryosong sabi niya at tumingin sa akin dahilan para ako naman ang mag iwas ng tingin sa kanya.

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon