Chapter 17

13 3 1
                                    

Hindi ko na po naedit ito kaya 'sensya na kung may typo or grammatical error.

***

Chapter 17

Nandito kami ngayon sa isang food court na puro street foods ang tinitinda. Simple pero masaya. Feeling ko nga date na rin 'to eh. Sana ganito na lang lagi.. Yung masaya lang. Walang lungkot at walang problema.

"Gusto ko non! Do'n tayo!"hinatak ko siya dito sa may mga tokneneng, fishball, kikiam, squidball at palamig. Grabe, Ang dami! Nakakatakam!

"Hinay-hinay ka lang, sabi sa'kin ni Mama madumi daw ito."natawa ako sa sinabi niya. Aba! Minsan lang makakain ng madumi kaya sulitin na!

"Hindi ko naman uubusin 'tong mga pagkain na 'to."tumango lang siya sa sinabi ko. Kumakain din pala sa ganito ang mamaw na 'to.

"Ate, painit po nitong tokneneng, twenty-pesos po tapos pati rin po nitong fishball, kikiam, squidball tapos hotdog. Tig twenty-pesos po."mabubusog yata ako ng wala sa oras ah! Hihihi.

Tinignan ko si Erquine, laglag ang panga niyang nakatingin sa'kin. Hindi pa pala siya bumibili.

"Oy, hindi mo pa ba sasabihin kung anong iyo?"tanong ko sa kanya. Napasinghap naman siya.

"Sa'yo lahat 'yon?"gulat niyang tanong. Aba, syempre sa'kin 'yon kaya nga tinanong ko siya kung bakit di pa siya bumibili eh. May pagkapobloks din pala 'to.

"Oo naman, asa ka namang ililibre kita. Ano ka chicks? Walang libre-libre sa pagkain, tol."nagtingin-tingin pa ako sa mga pagkain dito. Ay! Nakalimutan ko yung fries! "Ate, pasamahan na rin po ng fries thirty pesos po. Ay, tsaka po palamig, ten pesos."sabi ko do'n sa nagluluto.

Tiba-tiba na naman sa pagkain! Wahaha!

"Itong siomai sa'kin, ate. Tsaka fries tig twenty pesos, tapos palamig, ten pesos." Ang konti naman ng kanya.

"Mabubusog ka na sa gano'n?"nakangiwi kong tanong. Ang hina naman pala neto. Mas maganda kung matakaw ang kasama ko para naman hindi ako mahiyang lumamon dito.

"Kakain pa 'ko sa bahay eh. Tsaka may pinag-iiponan ako."woah! Ano naman pinag-iiponan nitong mamaw na 'to? Hay! Bahala na nga. Hindi na 'ko magtatanong tungkol diyan.

"Nga pala, kumakain ka pala sa ganito?"tanong ko sa kanya habang kinukuha ang mga in-order ko.

He chuckled."Of course, pagkain pa rin naman 'to noh. Tsaka hindi naman ako lumaking mayaman eh."nagpatulog siya sa pagkain. Konti lang naman kasi ang kanya kaya mas inunang initin yung kanya. Hmp! Kadugaan!

Napatango na lang ako sa kanya.

~after a few minutes~

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Erquine. Ihahatid niya daw kasi ako sa bahay. Ang totoo niyan kanina pa ako kinikilig pero syempre pigil-pigil muna.

Naisip ko nanaman tuloy yung narinig ko kahapon. Paano kung sabihin sa'kin ni Papa na aalis kami kung kailan araw na ng flight? Ayoko talaga!

"Umm.. Erquine. May itatanong sana ako."ibinaling ko sa kanya ang tingin ko. Malapit na ang bahay namin dito dahil nakapasok na kami sa village.

"Hmm.. What is it?"humarap din siya sa akin at tinitigan ako sa aking mata habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Paano kung.. kung aalis ako? A-anong gagawin mo? Pipigilan mo ba ako o hahayaan mo 'ko?"kinakabahan kong tanong. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako kinakabahan ng ganito.

"Hmm.. Kung 'yon naman ang gusto mo, syempre hindi kita pipigilan. Pero syempre kailangan ko ng valid reason at dapat magpa-alam ka sa'kin. Baka kasi mamaya iwan mo lang ako bigla eh."nakangiti niyang sagot. Ginulo niya ang buhok ko 'saka siya umakbay.

"Pero teka, Ba't mo nga pala natanong? Aalis ka ba?"kunot noong pasunod na tanong nito. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya.

"Huh? H-hindi noh. Sa'n naman ako pupunta. Tara na nga para makauwi ka ng maaga."tumawa na lang ako para mabawasan ang kaba. Ano ba kasing meron at kinakabahan ako? Hayst.

**

Padilim na nang makarating kami ni Erquine sa harap ng bahay. Naglalakad lang naman kasi kami eh. Sayang nga at hindi ako naka-chansing sa kanya eh! Tsk! Gusto ko sana ng piggy back ride kaso baka naman mabigatan siya sa'kin, nakakahiya >.<

Nasa harap kami ng bahay ng mapansin ko si Conrad na nakapamulsang nakatayo sa veranda sa second floor at nakatingin sa'kin. Bakit nandito nanaman ang monggoloyd na 'to?

"Dito na ako. Salamat sa paghatid sa'kin hanggang dito sa bahay."tumango siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"I had so much fun with you, I guess we can do this again?—I mean.. hangout like this?"ako rin eh. Sobrang saya ko nga dahil dati ko pa iniimagine kung paano ka kasama, ganito pala! Ang saya ko kasi dream come true na 'to para sa'kin!

"Syempre naman, pwedeng-pwede.--este! Oo, wala rin naman akon ginagawa dito sa bahay eh."dinaan ko na lamang sa tawa ang sinasabi ko. Syemper! Pampa- iwas hiya!

Ngumiti siya at mas lumapit pa sa akin. Teka? Anong gagawin nito? Baka mamaya makita kami ni Conrad!

Hinalikan niya ako sa noo."Goodnight, Coleen." Kinagat ko ang aking labi upang pigilin ang kilig 'saka tumango sa kanya at bahagyang kumaway. Pagka-alis niya ang 'saka ako nagtatatalon!

"OMYGULAY! I KENT BILIB DIS! OWEMJII! SHIT! LUMELEVEL UP NA KAMI! MAHAL NIYA NA KAYA AKO?! SAGUTIN KO NA KAYA SI--" Naputol ang paglabas ko ng kilig ng marinig ko si Conrad na magsalita.

"Hindi ka pa ba papasok?"malamig na tanong niya. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan. Napakunot ang noo ko ng makita ko siya. Bakit parang wala yata sa mood 'tong pinsan ko?

"Hindi ka yata good mood?"nakakunot noo akong lumapit sa kanya. Hindi naman kasi agad 'to nawawala sa mood lalo na pag may naaasar siya. Nabasted kaya 'to?

"Wala 'to, pumasok ka na."nagbuntong hininga muna ito bago pumasok. Hala? Anyare ba dun? Bahala nga siya mag emo diyan. Basta happy ako! Hihi.

Nasa ika-apat na hakbang na ako nang may mahagip ang tingin ko. Umatras ako pababa ng hagdan habang nakasilip ang aking ulo at nanlilit ang aking mata.

Oh, si Dad lang pala! Sa kanang kamay niya ay may hawak siyang wine glass. Bakit umiinom 'to? Pati ba siya ay may problema?

"Dad!"sigaw ko at nagmadali papunta sa kanya. Napa ubo naman siya. Oh? Kanina wala naman siyang ubo ah?

"Ano ba, Leemie! Bakit nanggugulat ka!" Hala? Assuming din 'tong si Papa, ginulat ko daw? Tinawag ko lang naman siya ah? Hindi naman ako nag pik-a-boo at nag bulaga para magulat siya. Tsk!

"Ewan ko sayo, Pa. Nasisiraan ka na ng ulo."tinarayan ko siya.

"Aba't!--" hindi ko na siya pinatapos dahil nagtanong kaagad ako.

"Bakit naglalasing ka? May problema ba, Pa? Hindi niyo naman anniversary ni mama ah?"tanong ko.

"Nagbuntong hininga siya." Wala lang 'to, Anak. Magpahinga ka na." What the heck? Parang ganyan din ang sinabi ni Rad sa'kin ah? Ano bang problema nilang dalawa? Sila ba ang mag-ama dito?

"Hay! Osige. Goodnight, Pa."kiniss ko siya sa cheeks at umakyat na sa kwarto para makapaglinis ng katawan.

Ang problemado nilang dalawa! Psh! Basta ako masaya lang! Sobrang saya! Ano naman kayang gagawin namin bukas ni Erquine? Hayy! Iniisip ko pa lang na makikita ko siya bukas ay kinikilig na ako!

Ano kayang mangyayari bukas? Hoho.

**

Hindi ko na naedit 'to kaya 'sensya na kung may typo or grammatical error.

So, ayon. Hindi pa dito nagsisimula ang love story ni Leemie ˊ▽ˋ
Oh diba? Paechos ako masyado eh. Chapter 17 na pero di pa nagsisimula love story niya. Hihi.

Abangan niyo lang po, Soon. >^_^<

Don't forget to Vote, Comment and Just Cessieffy!

(Just Cessieffy po meaning follow niyo ako. HAHAHA dami ko kasing arte kaya may pa ganyan ako!)

Yun lamang. (^_^)/

Lovelots,
~Cessieffy<3

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon