(Super short)A/N:
Sorry for the late update(ToT)
Naging busy sa school at pinahirapan ako ng sobra ng statistics(ToT)
Chapter 12
Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito ang pakikitungo ni Erquine sa akin.Parang nung mga nakaraang araw lang ay si Faye pa ang hinahabol tapos ngayon ako na ang kasa-kasama niya.
Love is really complicated..Yung tipong papasakitin nito ang ulo mo sa pag-iisip kung tunay bang mahal ka ng isang tao.
"Hey,Tara sama tayo sa mga pinsan mo."pag aya niya sa akin.Naglalaro kasi ang mga pinsan ko ng truth or dare..Nagtatawanan sila samantalang kami nandito pa rin sa silong ng puno at naka upo.Siguro ay naboboring na ang isang 'to.Tumayo na ako at naglakad na.
Nagulat ako nang hawakan ni Erquine ang kamay ko..Woah!Baka makita kami ng mga pinsan ko!Pinilit kong tanggalin ang kamay ko sa kanya pero masyado siyang malakas kaya pinagbigyan ko na lamang.Mauubos lang ang lakas ko sa lalaking 'to.
"Gusto mong mahawakan ang kamay ko..Alam ko 'yon.Ako na ang gumawa dahil alam kong nahihiya ka."bulong niya sa akin.
Aba!Ang lakas din ng saltik nito sa utak ah!Masyadong mahangin!
"Asa ka.Masyadong kang mahangin ayoko na sa'yo."sabi ko at tinarayan siya.
"Ouch!"hinawakan niya ang kanyang dibdib na parang bang nasaktan talaga sa sinabi ko.Nang-asar pa ang loko.Tinapakan ko ang kanyang kaliwang paa."Aww!!That hurts." Sabi niya at hinila na ako paupo sa isang telang nakalatag.
Nasa harap ko sina Ate Melovie,Ate Shaun,Quez at Brina samantalang nasa kaliwa si Lester...Ang sa gilid ko naman ay sina Conrad,Conner at Erquine.
"Sasali kayo insan?"tanong sa amin ni Ate Melovie.
"Obvious ba, Mel?"sarkastikong tanong ni Conrad na tinarayan lamang ni Ate Melovie.
"Sali din!"parang batang sigaw ni Zera.Cute siya at siguro ay masaya rin siyang kasama..Teka?Bakit hindi niya kasama si Ellie?Wala rin si Bien..
Don't tell me?
OH MY GOD!
Magkasama sila?
Hindi man lang sinabi sa'kin ng mokong na 'yon.Ramdam ko na na may something sa kanila e.Tama ang hinala ko!
"Hey, Sa'yo natapat yung bote."naputol ang aking pag-iisip nang ilapit ni Erquine ang kanyang mukha sa'kin at sabihin ito.
Uminit ang aking pisngi..Alam kong sinasadya niya 'to..pero kasi...
"Okay, Ako na lang ang magtatanong!"taas kamay na sabi ni Conrad na agad ko namang ikinailing.Puro kalokohan nanaman ang papasok sa utak ng sinto na 'to.
"Wag na!Si Quez na lang!"tutol ko.Alam kong si Quez lang ang matinong kausap sa mga 'to dahil nakasama ko siya noong bata pa ako.
"Psh. Kj naman."dinig kong bulong ni Rad at tumingin kay Quez.
"Anong meron sa inyong dalawa?"kuryosong tanong ni Quez na siyang nagpalaki ng mata ko.Mali pala ang nasabi ko kanina!Isa ka rin sa mga mapanghinala, Quez!Akala ko pa naman hindi ka magtatanong tungkol sa amin..Wait..Wala namang kami.
"Wala."taas noo kong sabi at tumingin kay Erquine na nakakunot ang noo at nakayuko.
Bumuntong hininga ito."Manliligaw niya ako."matapang niyang sabi sa harap ng mga pinsan ko.Napatunganga ang mga ito sa narinig.
"Seryoso?"-Ate Shaun
"Ows?"-Brina
"Oh my god!"-Ate Mel
"Di nga?"-Lester
"Tss."-Conner
"Shit!"Conrad
Kanya-kanyang reaksyon sila ng marinig ito.Mga OA!Para namang ngayon palang ako naligawan.
Tumango lamang si Quez at pinaikot nang muli ang bote.Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Erquine.
"Maglilibot lang ako."pagpapaalam nito.
Nagkatinginan kami ng pinsan ko at nagdesisyong sundan ito ng tanguan ako ng mga pinsan ko at ituro si Erquine..maliban lang kay Conrad at Conner.Well, ganyan naman talaga sila.
"Erquine!"sigaw ko at sinundan ito.Anong problema niya?Parang kanina lang okay pa siya a.Siya pa nga ang nag- aya na sumali doon e.
Hindi ako nilingon nito at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad.
Hinawakan ko ang kanyang braso"Hey!What's the problem?"mahinahon kong tanong.
Matalim lamang itong tumingin sa akin.Ano nanamang nagawa ko?
Hinaplos ko ito patungo sa balikat at ipinatong ang kamay doon saka siya tinignan sa mata.
Nagbuntong hininga siya"I told you that I am now courting you right?"nakakunot noo niyang tanong.
Seryoso ba talaga siya doon?
"Akala ko kasi..."kinagat ko ang ibabang labi, hindi malaman kung anong isasagot.Pansin kong napatingin siya sa aking labi, parang uminit nanaman ang pisngi ko.Sana lang ay hindi ako namumula ngayon.
"Don't seduce me when I'm mad."matalim nitong sabi.Nanlalalaki ang mata kong yumuko.Ayokong makita niyang namumula ako sa gitna ng inis niya.
"Akala mo nagbibiro lang ako?Bakit pa ako pupunta dito kung para lang naman sa wala, diba?Pero hindi..Gusto kita kaya ako nagpunta rito.Gusto kong makilala ka pa, gusto kong makilala ang pamilya mo."
"Hindi ba masyadong maaga para manligaw ka?I mean..Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa sinasabi mo pero..Masyado pang maaga para sa lahat."mahina kong sabi.
"You can tell me if you're not yet ready for this..I can wait, Coleen."marahang sabi nito.
"Erquine kasi..Paanong ako?Ako, gusto mo?Sigurado ka bang ako na talaga?I mean...Nakapag..nakapag move on ka na ba talaga kay Faye?Nakalimutan mo na ba?Baka mamaya kasi gusto mo pa pala siya diba?O kaya naman rebound lang ako tapos..tapos ikaw at si Faye——"sunod-sunod kong tanong.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi"Sshh..Don't worry..I won't be here if I'm still stuck with Faye."tumingin siya sa aking mata..Malambot na ekspresyon ang nakita ko.
"P-pero k——"naputol ang pagsasalita ko ng bigyan niya ako ng isang mababaw na halik.
Shemay!!
Una ko yon!!!Hindi na virgin ang malambot kong labi!(T_T)
"Erquine Cyrus Gallo is now officially courting you, Coleen Amie Santiago."hinalikan niya ko sa aking noo.
He's officially courting me!I can't believe this!Dati ay pinapangarap ko lamang na mapansin niya..pero ngayon ay sobra sobra pa!Sana lang ay huwag munang bawiin sa akin agad ang mga 'to!
***
Yep, I know..Short update nanaman..
Sorry na(´▽`)hanggang dyan lang talaga inabot ng utak ko kaya pasensya kung maikli lang.Don't forget to Vote,Comment and Just Cessieffy!
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3