Chapter 16

10 3 2
                                    


Chapter 16

Maingat kong binuksan ang pinto upang walang makarinig.. baka kasi puntahan ako nung nurse kanina, siya pa naman ang nagbabantay sa akin.

Nang maisira ko ito ay parang may na achieve akong kung ano, para akong naging spy tulad ng mga napapanood ko dahil tahimik din sila kung gumalaw.

Pagkaharap ko sa aking kama ay napanganga ako ng makitang nando'n si Erquine at prenteng nakahiga. Nakangisi ito sa akin.

Fvck! Bakit nandito siya ka-agad? Ang alam ko ay mas nauna ako kaysa sa kanya na umakyat dito sa building? Ginamit ko pa ang elevator pero siya? Saan naman kaya dumaan ang mamaw na to?

"Where did you go?"nakangisi at mahinahong tanong niya ngunit mababakas ang diin.

"Dyan lang nagpahangin."nakangiti kong sagot. Thank god hindi ako nautal!

He chuckled before raising his eyebrow to me.

"U-huh? Nagpahangin?"he asked sarcastically

"Y-yeah.. I want fresh air."shit! Bakit bigla akong nautal?! "Ikaw? Sa'n ka galing?"agad kong tanong. Baka mamaya mabuking pa ako nito.

"Bien and I talked.. But I feel like someone is eavesdropping us a while ago.  Sino kaya ang tsismosa na 'yon?" Nakatingin lang siya sa aking mga mata.

What the?! Tsismosa agad?! Diba pwedeng napadaan lang yung tao!

"Tsismosa agad? Baka naman pusa lang 'yon o kaya naman ay may napadaan lang na nurse?" Iritado kong sagot. Kasi naman! Napaka judgemental!

"Nah I think she purposely did it." Nakatingin pa rin siya sa mga mata ko. Aba! Kung makatingin naman 'to parang may nagawa akong kasalanan! Pero teka! She daw! She!!! Paano niya nasabing babae 'yon?!

"S-she?"kinakabahan kong tanong.

"Yes, she."nakangisi niyang sabi at lumapit sa akin kaya ako naman ay napapa atras."Do you know who she is?" Tanong niya muli sa akin.

"Hindi! Hindi ko alam kung sino siya!--aray!--" napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ito.

"Liar"

"Hindi ko nga kasi kilala--aray! pucha!--" napasigaw nanaman ako ng pitikin niyang muli ang noo ko. Namumuro na 'tong mamaw na 'to ah!

"It was you, nakita kita." Napanguso na lamang ako sa sinabi niya. Nakita niya pala ako? Bakit hindi ko man lang napansin?! Nakakainis!

"Tsismosa. Bakit ka nakikinig sa usapan namin?" Minsan lang naman ako makinig sa pinag-uusapan ng iba tsismosa agad?

"Napadaan lang ako noh.. Wag kang assuming. Tsaka wala naman kayo gaanong napag-usapan ni Bien e." Nakanguso ko pa ring sagot.

"Napadaan." He smirked.

"Totoo naman! Kung ayaw mong maniwala edi wag."nakanguso ko pa ring sagot.

"Tigilan mo yang pagnguso mo."hinampas ko ang kanyang kamay nang hilahin niya ang nguso ko.

"Nakainom ka na ba ng gamot?"yakap yakap niya ako nang tanungin niya ako. Kung pwede lang na ganito kami buong araw, Ay nako! heaven!

Umiling lang ako at isinandal ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Oy, chansing ka ah!"tumatawa niyang sabi. Aba! Ako pa chansing, eh siya nga 'tong unang nangyakap!

"Coleen."tawag niya sa'kin.

"Hmm?"

"I love you"hinalikan niya ang buhok ko patungo sa aking noo. Napangiti ako.

"I love you too."mas lalo ko pang isiniksik ang aking mukha sa kanyang dibdib dahil baka makita niya akong pulang-pula na!

I Love That Martyr | On-Hold|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon