Pasensya na kung may makita man kayong typos o grammatical error. Nauubusan kasi ako ng oras palagi kapag ieedit na.
~Cessieffy
Chapter 15
Nandito pa rin kami sa gilid ng kalsada dahil nasira pala ang makina ni Bien.Hindi pa rin humihinto ang ulan..At kanina pa ako nanginginig sa lamig.. Nakapatay na ang aircon at pinahiram na rin ako ni Bien ng jacket ngunit hindi pa rin ito sapat upang mainitan ako.
At sa mga narinig ko kanina.. Hindi ko alam kung makakapag-isip pa ba ako ng maayos. Kinakabahan ako.. Hindi para sa nararamdaman ko kundi para sa nararamdaman ni Erquine.
"Coleen, Ayos ka lang ba? Kanina ka pa nanginginig."nag-aalalang tanong ni Bien. Lumapit ito sa akin at hinipo ang aking noo at leeg gamit ang likod ng kanyang kamay.
"Shit! You have a fever! Siguro ay dahil natuyuan ka ng tubig ulan."inayos niya ang jacket na suot ko.
"Give me your phone.. Tatawagan ko si Erquine.Kailangan na nating makauwi dahil baka lumala ang lagnat mo."tinuro ko ang bag ko at kinuha niya ang cellphine doon..Kinonekta niya ito sa kanyang speaker.
"Coleen!I'm sorry, I'm busy maybe you can call lat—"busy sa ano Erquine?
"This is Bien.. Pick us here near in Layug Supermarket.. May lagnat si Coleen dadalhin ko siya sa ospital at ipapacheck up.. Nasira ang makina ng kotse k—"naputol ang sasabihin ni Bien ng magsalita si Erquine.
"The call somebody! I'm busy Bien.. I'm with Tacia right no—"ouch..Wag mong sabihing mahal mo parin siya?Akala ko ay si Faye ang magiging matinding karibal ko pero hindi pala..Napag laruan lang din siya.. At dumating na ang dapat kong katakutan.
"Bakit mas inuuna mo pa si Tacia! I thought you love Coleen? Nagpakita lang si Anastacia sa'yo ay naging marupok ka nanaman? Sinasaktan mo si Coleen!"tumulo ang luha ko.. He loves me.. Alam ko 'yon.. Ramdam ko 'yon.
"Alagaan mo muna siya habang wala ako.. Hindi ako nakikipagmabutihan kay Tacia.. Tinitignan ko lang kung maayos lang ba siya."bahagya akong napangiti sa sinabi niya.
Ako ba? Hindi mo man lang ba ako titignan o tatanungin kung maayos lang ako?
Ba't di ikaw ang pumunta dito, Erquine?
"Kung mahal mo siya, Ikaw ang pu—"
"I love her, Bien!So, please.. Take care of her while I'm not there to give her the kind of care that she deserves. Please.. She's important to me."binaba niya na ang tawag. Napangiti ako ng mapait sa narinig. Am I?Am I important to you Erquine?
"I'm sorry for that, Leemie."pag hihingi ng paumanhin ni Bien.
It's okay.. I totally understand.. He don't love me the way i love him.. because my love for him is pure and his love for me is fake.
Tumango na lamang ako at isinandal ang aking ulo sa upuan."I'm tired."pinikit ko na ang mga mata at nagpadala na lamang sa antok.
**
Nang idilat ko ang aking mga mata ay bahagya pang nanlabo ang aking paningin kaya ipinikit ko muna ito saglit at dinilat muli.
White bed sheets, White curtains, White tables and chairs.. Purong puti.. Patay na ba ako?Ang bilis naman.
"Leemie.. Are you okay?"lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng aking kama.
"It's just a fever, Bien.. You don't need to bring me here."napapaos kong sabi.
"Mas tumaas ang lagnat mo kaya dinala na kita dito.. Tinawagan ko na rin pati sila Tito at Conrad."napangiwi ako ng marinig ang pangalan ni Conrad. Ang lalaking 'yon! Manggugulo lang iyon e!
BINABASA MO ANG
I Love That Martyr | On-Hold|
Teen FictionHighest Rank Achieved: #2 Plagiarism is a crime! ~Cessieffy<3